Chapter 6

510 20 0
                                    

Her Pov

Uwian na, this is it pansit.
Talaga bang sasama ako dun sa unit niya?
Shunga ko talaga kung anu-ano na naman tung pinag iisip ko eh tuturuan ko lang naman siyang magluto at isa pa may bayad yun, sayang kung palalampasin.
Hays utak manahimik ka minsan ang sagwa mong mag isip.

Di rin nagtagal ay lumabas na si sir sa office niya. Nasa kaliwang kamay niya yung suit jacket (pasensya di ko alam tawag dun basta yung kulay itim na pinapatong ganun) niya at ang white long sleeves na lang niya at ang niluwagang necktie ang natira.

So hot...

"Let's go"

Sumunod na ako sa kanya, kinuha ko na yung shoulder bag ko at sumabay sa paglalakad niya papalapit sa elevator.
Pagkasakay ay pipindutin ko sana ang groundfloor ng unahan niya ako.

Nasa 30th floor nga pala kami, kaya medyo matagal tagal ang pananahimik naming dalawa. Pagkarating sa baba ay sumunod lang ako sa kanya. May nakikita na rin akong ibang empleyado na bumabati sa kanya. Tinatanguan lang niya ito. Well di na bago yun. Pinatunog niya yung kotse niya at bumukas naman agad yun. Taray high tech ang kotse at grabe ang gondo super...

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat siya pa nagkabit nung seatbelt ko. Naku naku, subra naman ata kabaitan nito nagiging gentleman.

Sumakay na rin siya at pinaandar ito.

"Ahm, before we go to my unit let's go to the grocery first"

"Okay po."

Yun na nga, nasa kalagitnaan kami ng traffic ng tumunog yung cellphone ko na pinahiram niya. Yung kapatid ko pala at oo pinabili ko siya ng kahit mumurahing cellphone para di na sila laging makikitawag dun kila aling bebang.

Masaya ko itong sinagot.

"Hello, kuya"

"Hi din ate."

"Oh kamusta na kayo dyan? Si bunso asan? Kamusta ang pag-aaral?"

"Mabuti naman ate, ayun te tulog na, hindi na rin sinusumpong si bunso at okay naman ang pag-aaral ko."

"Mabuti naman kung ganun. Eh si tsong?"

"Okay naman siya ate kaso yung pagiging lasenggo di na ata yun mawawala eh."

"Ah basta ba di niya kayo inaano okay lang yan. Oh yung pang maintenance at vitamins ni bunso meron pa ba?"

"Ah yun na nga ate eh. Paubos na kasi limang inuman na lang yung natitira"

"Ganun ba. Sige bukas magpapadala ako may naitabi pa naman ako. Basta alagaan mo si bunso okay kuya."

"Sige ate. Salamat po. Ikaw dyan kamusta ka? Baka wala ka ng kinakain dyan sa kakapadala mo samin dito. Okay ba naman yung boss mo hindi ka naman tinatrato ng hindi maganda?"

"Hindi ah, mabuti ako dito no. Wag nyu ko aalalahanin."
Napatingin pa ako sa katabi ko bago ko sagutin ang kapatid ko.

"Tsaka oo naman, ang bait ng boss ko. Sige na kuya, alagaan mo si bunso ok at pagbutihan pa sa school."

"Sige ate, ikaw din dyan babye"

Binaba na nga ng kapatid ko yung tawag at napabuga malang ako ng hangin.

"Are you okay?"

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ahm opo naman sir, medyo miss ko lang yung mga kapatid ko."

"Oh, how about your parents?"

"Ahm matagal na po silang wala sir."

"Oh, sorry for asking."

"Okay lang po yun. Nga pala sir thank you sa pagpapahiram nitong phone niyo pag nakaipon na talaga ako bibili na po ako ng sariling phone ko."

"No it's ok. I'll give it to you by the way. You need it more than i need it and besides i have mine here."

"Weeh, di ka nagjojoke sir?"

"Really, it's yours."

"Talaga sir. Gosh thank you, thank you, thank you sir ng super dami-dami"

"Your welcome, Reign."
Maya-maya ay hininto na niya ang kotse.

"We're here."

Pagkapark nga niya ay lumabas na ako sa kotse niya. Magkasabay kaming pumasok sa mall.

Ang daming tao, kahit paggabi na. Di rin nawawala yung mga babaeng kung makatingin sa boss ko eh lalapain ng buhay. Yung iba parang kiti kiting kinikilig pagkakita sa boss ko.

Napano tung mga babaeng to? Hays, sumunod lang ako sa boss ko ng pumasok siya sa grocery store.
Kumuha siya ng cart, kukunin ko na sa kanya yun ng sabihin niyang siya na raw at ako daw yung mamili ng mga ingredients na kakailanganin sa pagluluto. Nasa dry goods kami ng makuha ng atensyon ko yung isang pakete ng chocolate. Napatigil rin naman si sir.

"You want that one?"

"Ah hindi sir naalala ko lang yung bunso ko lagi kasing hinihiling nun na pasalubungan ko siya mg chocolate pag umuwi ako."

"Oh, ganun ba. Then get that one."

"Wag na sir, matagal pa naman ako uuwi eh mag iipon pa ako."

Nagtuloy tuloy na nga ako sa meat section, kumuha ng mga karne pati na rin yung para pang stock niya sa unit niya. Kumuha rin ako ng gulay at mga pampalasa.

Nang matapos ay dumiretso na kami sa cashier. Pero dahil medyo mahaba pa ang pila eh nagpaalam muna si sir na may titignan lang daw siya.

Ito na nga ako na ang kasunod at hindi rin naman nagtagal ay dumating na si sir sabay lagay ng limang pakete ng chocolates na nakita ko kanina.

Napatulala pa nung una yung babeng nasa counter ng dumating yung boss ko na nakangiti.

Tumikhim naman si sir kaya nagsimula na yung babae pero pasulyap sulyap pa rin sa boss ko.

Pagkatapos nun ay binayaran na niya ito at sinakay ulit sa cart papuntang parking lot. Tutulong na sana ako ng sinabi niyang sumakay na daw ako kaya yun nalang ginawa ko.

Natapos din siya roon at sumakay na rin pero bago niya paandarin may binigay siyang plastic cellophane. Tinignan ko naman yung laman nun at nandun yung chocolates na binili niya.

"Sir, di naman po ito sa akin eh. Tsaka wala pa akong pambayad rito."

"I buy it for you Reign. Just accept it i know you miss your siblings. And i guess you too, love chocolates hmm."

"Ahm hehehe, thank you po sir."

"You can call me by my name when we're not on the office"

"Eh anu naman po itatawag ko sa inyo sir?"

"You can call me Zarick or Nikolai. Just choose what you prefer"

"Ang astig ng name mo sir. Pangalang pang mayaman talaga Zarick Nikolai."

Napa isip naman ako anu naman itatawag ko sa kanya. Di naman ako sanay kasi diba boss ko siya.

"Ahm Nikolai na lang"

"Ok if that's you want."

Nagdadrive na siya at pinatugtuog pa niya yung stereo ng sasakyan niya.

Tahimik lang kaming tinatahak ang daan papuntang unit niya medyo hindi pala iyon malayo mula sa opisina niya.....

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now