Chapter 48

501 11 4
                                    

Hi sa patuloy na nagbabasa nito kung meron man.  Thank you kasi binasa nyu ito kahit super tagal ng nakatengga ang story na ito at di ko matapos tapos.  Thank you.  Pasensya na rin dahil super daming typos.

..........

Habang tumatagal mas lalong tumitibay ang Relasyon ni Nick at Reign.  Mas napalapit na rin sila sa magkabilang pamilya.  Tunay na anak  talaga ang turing ni Nick kay Nicka. Nagvivideo call sila tuwing may free time o sa gabi kapag nagyaya ng date si Nick.

Ngunit kasabay din nun ang pamumuong inggit ng ilang empleyado lalo na ang mga babae kay Reign.  Iba na rin ang Turing ng mga lalaking kaopisina nito na tuwing titignan nila si Reign ay may bahid ng kamunduhan...  Napapansin ito nh dalaga ngunit kanya na lamang itong binabalewala dahil ayaw niyang magkagulo ang mga tao sa opisina.

Reign POV

Kakatapos ko lang magligpit ng gamit at kasalukuyang pasakay ng elevator.  Gabi na kaya tahimik na ang bawat floor  na nadadaanan ko.  Wala rin si Nick dahil may importanteng meeting ito na dinaluhan. Di nagtagal ay nakarating din ako sa lobby ng kompanya.

Kasalukuyan akong nasa gilid ng daan at naghihintay ng taxi saktung medyu umaambon kaya umatras ako ng konti palayo sa kalsada at di naman nagtagal ay tumunog ang phone ko.  Tumatawag si Nick kaya agad ko itong sinagot....

"Hello baby"
Bati pa nito sakin.

"Hi, kamusta ang meeting niyo? "
Pangangamusta ko rin sa kanya

"It went well baby.  I close the deal and we'll start the plan next week. "
Masayang sagot pa nito

"Wow talaga.  Ang galing talaga ng baby ko"
Tumatawa ko pang sabi sa kanya.
Kasalukuyan akong nakikinig sa kanya ng may biglang itim na kotse ang tumigil sa harapan ko.  Napakabilis ng pangyayari na nakita ko nalang ang sarili ko na pilit na sinasakay ng mga ito sa kotse.  Nagpumiglas ako pero ano nga ba ang laban ko babae lang ako at nag iisa tatlong lalaki ang pilit na hinihila ako papasok sa kotse.
Hanggang pagsigaw na lang ang nagawa ko ngunit wala akong nakitang mga tao na dumaraan para hingan ng tulong. Naipasok nila ako sa loob ng kotse at pilit na tinatali ang mga kamay at binubusalan ng tela ang bibig ko. Hanggang sa mapadako ang tingin ko slacks na suot ko naalala ko na naibulsa ko pa yung phone ko nung bigla nila akong hinila.

"Nick, Nick,  Nick!! Help me!!!! "
Naghihysterical na ako sana hindi pa na off yung tawag  patuloy ako sa pagsigaw hanggang sa malagyan nila ng takip ang bibig ko. Napahagulgol nalang ako sa kinahinatnan ko.

Hindi ko makita ang kanilang mga mukha dahil meron silang sinuot na itim na tela na ginawang maskara sa mukha nila. Pilit akong nagpumiglas at nagpang abot na ang luha at pawis ko. Nagsusumigaw at nagpupumiglas kahit alam kong wala na iyong magagawa pa.

Diyos ko tulungan mo po ako.  Ayoko pang mamatay may anak pa ako at si Nick bubuo pa kami ng pamilya...

Mahaba habang oras din ang binyahe namin hanggang sa huminto ang sinasakyan namin. Pilit nila akong hini-hila pababa ng sasakyan.

Madilim na kaya hindi ko makita ang lugar na pinagdalhan sakin.  May mga malalaking puno at malawak na talahiban.  Wala rin akong nakikitang ibang bahay o establisyemento man lang kundi tanging isang puting bahay lang na nasa aking harapan ngayon. Bumukas ang gate at kinaladkad nila ako papasok. Sisigaw sana ako ngunit naisip kong ano pa ang magiging silbi non mas mabuti pa na ipunin ko nalang ang natitirang lakas ko.

Dinala nila ako sa loob,  malawak ang loob ng bahay halong kulay puti at itim ang loob nito.  Magara ang mga kagamitan na makikita.  Dinala nila ako sa loob ng isang kwarto.  Walang gamit doon bukod sa isang kama at isang lamesa.  Kulay puti rin lahat iyon na animo nasa mental institute. Tinulak nila ako papunta sa kama kaya naman napausog ako papunt sa headboard. Tinanggal nila ang mg takip sa kanilang mga mukha.

"Teka bakit mo tinanggal yang maskara mo pano kung mamukhaan ka niyan at isuplong tayo sa mg pulis."
Saway ng isa sa mga dumakip sakin.

"Hahahaha kung makakapagsumbong pa yan. Kaya nga pinadukot yan kasi ilalayo yan ni boss dito eh"
Nakangisi pang sagot nung nagtanggal ng maskara.

"Grabe kaya naman pala pinadukot ni boss kasi naman ang ganda nito eh. Sarap sana nitong tikman eh kung di lang malaki ang binayad ni boss.  Hahahaha"
Sabi ng ikatlong lalaki na nagtanggal na rin ngayon ng maskara.

May mga tila demonyong ngiti ang nakapaskil sa kanilang mga mukha.  Anong gagawin nila sakin. Panginoon wag naman sanang matulad ako sa mga napapanood sa balita.

Lumapit ang isang lalaki sakin at ako naman ay pilit na umaatras at pinagsisipa ang mga ito.

"Itigil mo yan baka malintikan tayo kay boss. Tanggalin mo na yung tali sa likod niyan at bukas eh pagpipyestahan yan malamang ni boss.  Hahahaha"
Pagpigil at utos pa nung unang lalaki.

Sinunod naman ng lalaking lumapit sakin ang utos pero hinawakan pa ako nito sa baba at tinitigan.
Pilit ko namang inilayo ang mukha ko.

"Swerte ni boss dito. Hahahaha"

Di nagtagal ay lumabas ang mga ito sa silid na pinaglagyan sa akin.  Tinanggal ko na rin ang telang tinakip nila sa bibig ko.
Tumayo ako at pilit na binuksan ang pinto pero nakalock iyon sa labas.  Pinasok ko rin ng is pang kwarto pero banyo lang pala iyon. Walang bintana sa loob ng silid.  Tanging kama at lamesa lang ng naroon miske telepono ay wala.  Napakapa ako sa bulsa ng slacks ko.  Tama yung phone ko. Mabilis ko itong inilabas ngunit malapit na itong maubusan ng battery  10% nalang ng natira pero ang malala ay walang signal ang cellphone ko.

Pano na ako nito ngayon. Hindi, dapat mag isip ako ng iba pang paraan. Pero sino nga ba ang gagawa nito sakin.  Wala naman akong kilalang taong nakaaway o inagrabyado.
Napaluhod ako sa gilid ng kama at taimtim na nalangin.  Kamusta kaya si Nick narinig kaya niya ang sigaw ko kanina.  Sana naman may dumating na tulong....

Lumapit ako sa pinto at pilit itong pinagbabayo.

"Please parang awa niyo na pakawalan niyo na ako dito.  Please may pamilya pa ako"
Sigaw ko habang pinagpapalo ang pinto.

Ganon lang ako ng ilang mga minuto hanggang sa manakit mga kamay ko.  Napaupo nalang  ako sahig at napayuko. Iyak at pagmamakaawa kahit alam kong di na maririnig pa sa labas. Tinago ko rin ang cellphone ko nagbabakasakaling magkaroon ng signal.

Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog ako sa ganoong pwesto..........

Nagising ako na masakit ang katawan,  mugto at mahapdi ang mata, masakit ang lalamunan at namamaos ang boses dahil sa kakasigaw at kakaiyak kagabi. Nagpunta agad ako sa banyo at naghilamos. Hindi ko alam kong umaga na ba o madaling araw pa dahil natanggal ang suot kong relo nung pilit nila akong hinihila. Pero may cellphone pa ng pala ako. 5% nalang ang natitirang baterya nito at 5 ng umaga pa pala.  Wala pa ring signal,  kasalukuyan akong naghihilamos ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong pinagkulungan sakin. Hindi muna ako lumabas ng banyo dahil natatakot pa rin ako kung sino man ang pumasok pero di nagtagal ay tununog ulit ang pinto at tanging tunog ng pag lock ng pinto ng narinig ko.

Lumabas ako ng banyo at natagpuan ko ang pagkain at prutas na nakalapag sa lamesa.
Biglang tumunog ng tyan ko sa gutom,  kagabi pa nga pala ako hindi kumakain.  Kailangan ko ng lakas para sa pagtakas ko.  Hindi ko inaksaya ang oras at kinain ko ang mga nakahanda sa lamesa.

Katatapos ko lang kumain ng bumukas ang pinto at pumasok ang taong di ko inaasahan.....

"Ikaw?!!!!!"



Stay tuned.....
Sana nagustuhan niyo ang update ko.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now