Chapter 50

343 9 3
                                    

Matapos ang nangyari ng gabing yun ay tinawagan sila Reign ng pulisya upang magbigay ng statement at ng makasuhan na si Edward pero nakiusap si Reign kay Nickolai na huwag ng ituloy ang pagsampa ng kaso at kalimutan nalang ang nangyari. Tututol sana si Nickolai pero inintindi na rin niya si Reign para hindi na ito maguilty. Kakatwang ito na nga ang nakidnap ngunit ito pa ang nagiguilty kung makukulong ang hudas na iyon.

Hindi man tinuloy ni Reign ang pagsasampa ng kaso ay sinadyang puntahan ni Nickolai si Edward sa kulungan para makaharap ito.

His POV

Andito ako ngayon sa presinto para makaharap ang hinayupak na kumidnap kay Reign. Nag-iigting ang mga bagang ko at nakakuyom ang mga kamay dahil konting konti nalang ay hindi ko na mapipigilan ang damdamin kong gustong sumabog at bugbugin pa ang tarantadong Edward na yun.

Kakadischarge lang nito at kasalukuyang pumipirma sa mga dokyumento para lubos na itong makalaya pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at ang bugbog niyang pagmumukha ay dinagdagan ko pa. Umawat naman ang mga pulis na nandon. Duguan ang gilid ng labi nito at nagngingitim pa ang mga pasa nito. Serves him right, kulang pa yun sa ginawa niya kay Reign.

"It's not enough, you should be on jail but Reign stopped me and you know what's funny she even felt guilty kapag nakulong ka. You don't even have the right to get sympathy from her you bastard."
Todo pigil pa rin ang pulis sa akin na lapitan ito na ginantihan naman ako ng sarkastikong ngiti. That fucking bastard.

"Villanueva, mayaman ka lang at sabihin na nating mas matangkad at magandang lalaki pero hindi mo maitatanggi na hanggang ngayon may nararamdaman pa rin si Reign sa akin. You see, she even stopped you, gagawin ba yun ng taong nakalimot na? Syempre hindi."
Tumatawa pa ito at pinahiran ang dugong namuo sa gilid ng labi.

"Naalog ata ng suntok ko ang utak mo Andrada. Gumising ka sa panaginip mo. Hinding hindi kailanman babalik si Reign sa'yo, you left her in times when she needed you the most you fucker. You have no right to even go near her again. Next time you even give her a glimpse i will not hesitate to bring you to hell you fucktard. Don't mess up with us again."
Pagkatapos kong sabihin yun ay dire-diretso na akong lumabas sa police station at nagdrive pabalik sa company.

Hindi ko na muna pinapasok si Reign ngayon dahil alam kong kahit hindi niya sabihin ay may trauma pa rin siya sa ginawa ng gagong yun.
Nang makapasok ako sa office ay nagbubtong hininga muna ako to release my heavy emotions. I should be calm before i speak to Reign.
After second ring sinagot na rin niya ito. Tunog excited pa ang boses nito ng sumagot.

"Hi baby" nauna pang bati nito sa akin.

"Hello my baby, how are you? Did you eat breakfast already?" Tanong ko naman dito.

"Kakatapos lang po at naglilinis nalang ako ng apartment ko dahil may isa dyan na nasubrahan ang ka OA-han, wala naman akong sakit pero gusto akong magpahinga buong araw."
Medyo sarkastiko pa ito at alam kong nanghahaba na naman ang nguso nito.

"Reign, baby. I know you are just acting tough but i know you, you are still shock from what happened yesterday. Dapat nga 1 week rest ka pero dahil alam kong kukontra ka isang araw nalang. I'm just concerned baby. Hindi madali ang nangyari sa'yo you were kidnapped for pete's sake. So baby, listen to me and rest okay. Dadaan ako dyan mamayang uwian." Pagpapaliwanag ko naman dito para naman maliwanagan siya na hindi ka OA-han ang ginagawa ko.

"Okay, baby Nick. Thank you and sorry hindi lang kasi ako sanay na ganito ituring na parang babasagin. Take care, kumain ka ng lunch mamaya." Pag-intindi naman nito

"Your welcome baby. I will. So your man should do the work now. I love you baby. Looking forward for tonight." Nakangiti kong sabi pa dito.

"I love you too baby Nick. Same to you." At nauna na itong patayin ang linya.

I did the paperworks, call the head of every departments to report the monthly reports and sign the documents and contracts. So far okay naman ang lahat sa mga gawain ko sa umaga pag break tinatawagan ko si Reign para i-check.

Nang natapos ang ginagawa ko ay napahilig ako sa upuan ko at hinarap ang syudad na walang pinagbago, always busy. Kinuha ko ang phone ko  at binuksan ang gallery. Doon bumungad ang mukha ni Reign, Nicka at ako. It was taken during her 7th birthday, inisa-isa ko pa ito at hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako nakangiti, hindi pa sana ako matatapos sa pagtingin sa mga photos sa phone ko kung hindi pa naagaw ng atensyon ko ang taong kumatok sa pinto ng office ko.
It was Luix may cousin. Ano kaya ang sadya nito ngayon sa akin.

"Hey bro, how are you and how's Reign?" Paunang tanong pa nito sa akin.

Giniya ko naman siya sa receiving area at doon ay magkaharap kaming naupo.

"She said she's okay earlier but i know she tried to be okay." Paniniyak ko pa dito.

"Grabe naman din kasi ang nangyari sa kanya kahit pa sabihing walang malalang nangyari sa kanya kidnap pa rin yun. It's not a simple thing." Concern pa nitong sabi.

"I know, gusto pa nga niya sanang pumasok ngayon at ka OA-han daw ang pagpapahinga ko sa kanya ng isang araw. Hindi niya lang alam ang takot ko ng marinig ko ang sigaw niya sa phone kahapon." Bigla namang bumalik ang pakiramdam ng takot at determinasyon ko.

Takot na baka hindi ko agad siya mahanap at baka mailayo siya ng taong dumukot sa kanya. Pero sa kabila nun determinadong makuha siya at mailigtas dahil alam kong ako lang ang inaasahan niya sa oras na yun good thing na may GPS tracker ang phone na binigay ko sa kanya kaya madali lang siyang nahanap ni Glen.

"Noon lang din kitang nakitang mabalisa at matakot ng ganon bro. Tarantado talaga ang Andrada na yon. Balita ko nakalabas na daw ng kulungan." May pagtataka sa boses nito, siguro hindi lang nito expected na sa kabila ng nangyari ay makakalaya ito.

"If you only knew how much i wanted that bastard to be imprisoned but Reign stopped me. Ayaw niya daw ng gulo pa at hindi ko naiintindihan bakit siya magiguilty pag naipakulong ang lalaking iyon. But i just respected her decision."

"Reign is really something, kakaiba, siya na nga ang ginawan ng masama pero siya pa rin ang nakakaramdam mg guilt. You're one lucky shit bro." Sabay tapon nito sa akin ng throw pillow na agad ko namang nasangga.

"I know, i'm the luckiest man alive right now to have Reign." Sabay ngiti ko ng malapad.

"Jeez, your smile give me creeps. Stop it loverboy. You're too inlove to not be noticed." Pangangantyaw pa nito.

"Do you already tell her about your condition?" Medyo naging seryuso naman ito ng tanungin ulit ako.

I just smile at him. Who will not, if my darkest secret was openly accepted by the woman i love the most.

"She already knows and she accepted my incompleteness. And one more thing, i want to show you something." Sabay pakita ko ng picture naming tatlo ni Nicka at Reign.

Natawa naman ako sa naging reaction niya.
"Goodness gracious, may anak ka na pala bro bat ngayon mo lang ito sinabi? Congrats"
Sabay tapik pa nito sa balikat ko dahil magkatabi na kami ngayon.

"How i wish she is mine bro but nonetheless i already accepted her as mine. Anak siya ni Reign sa pagkadalaga." Pagpapaliwanag ko pa dito.

"No way, you really look like her with some features combined with Reign." Tinitigan pa nito  ng maigi ang picture sa phone ko.

"I really wish bro pero bago ko palang na meet si Reign and that child was already 7 years old. We even celebrated it with her and my family." Paniniyak ko pa dito.

"Bro, have you forgotten what happened 6 years ago during your 23rd birthday?" Pagtatanong pa nito sa akin.

What is he trying to say?

"What about my birthday 6 years ago did something happened?"

Nagulat naman ito sa tinanong ko at naging seryuso.

Ano nga ba ang nangyari sa 23rd birthday ko dati? Hindi ko na masyadong maalala.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now