Chapter 27

360 15 0
                                    

His Pov

I pack some clothes and went straight to Reign's apartment.

Pagpasok ko ay nadatnan ko siyang nakaupo habang nakatingin sa tv niya. Kumatok pa ako para mapansin niya.

"Pasok ka na dali. Anu may dala ka bang mga cd's jan? Movie marathon tayo pamparelax"

"Yeah i bring some. But i don't know what you really like to watch. Kaya assorted tung dinala kong movie tapes"

I put the pizza on her table. Also the drinks that i buy when i went here.

Namili na siya sa mga cd's na dala ko ng nakapili na ay isinalansan na niya ito sabay upo sa tabi ko.

Fast and Furious ang napili niya. Did she really know that it's an action movie and not a love story or romcom movie?...

"Alam mo ba kung anu yang pinili mong panoorin natin?"

Sumagot naman siya habang kumakagat sa pizza niya.

"Oo fast and furious, cars, actions, guns, fighting a bit love story but all in all it's an action pack movie. Astig kaya niyan sayang lang wala na si Paul Walker sa series na yan"

Wow, she really know hah. Unpredictable talaga siya. Akala ko pa naman siya yung klase ng babae na mahilig sa mga movies na about love, yung drama mga ganun. Pero ito oh action ang pinili.

Nanood na rin ako habang kumakain. Grabe siya di ko alam na ganito pala siya pag nanonood ng movie. Minumura niya minsan yung kalaban. Pinagsasabihan yung bida na akala mo naman maririnig siya. Pag nangyayari yung habulan ng mga kotse ay subrang tutok niya sa tv talaga.

Iba talaga siya. May pagka feminine pero may masculine rin palang side at ito yun.

Natapos ang movie. Humirit pa siya ulit.
Nakakatatlong movie na kami ng makaramdam kami ng gutom.

Malapit na pala mag 12 noon, nagpaorder na lang kami sa pinakamalapit na fast food chain.

Kinain namin yun habang nagsasabi siya ng mga comments dun sa napanood namin.

"So what do you want to do after this?"

Tanong ko sa kanya habang sumusubo siya ng manok at ilang gravy ang natira sa gilid ng bibig niya. Dinilaan na lang niya ito. Napatulala naman ako sa pagdilang ginawa niya. Sh*t my mind is thinking horny things...

Uminom na lang ako ng tubig para bumalik ulit sa dati ang pakiramdam kong nag iinit.

"Hmm, wala naman dito lang ako sa bahay. Ikaw ba wala kang ibang gagawin. Di ka ba makikipagkita dun sa mga kaibigan mo?"

Naisip ko naman yung invitation ni Joseph about sa birthday party niya na iheheld sa unit niya mamaya. Hindi pa ako nakaka oo sa kanya.

"Ahm, actually my friend Joseph invited me to attend his birthday party"

"Oh anu pa ginagawa mo dito. Maghanda kana para sa pagpunta dun. Di na kita masyadong naririnig na nakikipagkita sa barkada mo. Tropa time wala na. Kasi pag weekdays sa office ka nagbababad sa trabaho. Ni hindi kita narinig na magbabar ka kasama barkada mo. Pag weekends either sa unit mo lang ikaw or dito sa apartment ko. Inilalayo mo ba ang sarili mo sa mga kaibigan mo? Naku naku mali yan. Kaya go na pagkatapos mong kumain umuwe ka magpapogi at umattend ng birthday party"

Dahil mapilit siya kaya wala na akong nagawa. Aattend ako pero di na ako umuwe sa bahay. Sa apartment lang niya ako naligo at nagbihis dahil may dala akong mga extrang damit.

5 ng hapon ng maisipan ko ng umalis.

"Ay pogi naman. Oh gora na. Teka wala kang panregalo dun sa kaibigan mo. Bumili ka kung may madaanan ka or cake yun"

Napatawa naman ako, para siyang mama ko kung umasta at magbilin ng gagawin ko.

"No need, di uso sa barkada ang regalo. Sige alis nako"

Hinatid niya ako hanggang sa tapat ng kotse ko. Para lang kaming mag asawa hindi na pala siya ang mama ko asawa ko na pala.

"Okay ingat sa pagmamaneho. Enjoy the party, pero wag pasubra sa pag inom ok magdadrive ka pa"

Sabay kaway niya sakin. Hays how's that feel if she will be my wife hmm. Maybe everyday is a great day.

"Yes wifey, i'll take care. Kiss ko. Hehehe"

Biro ko pa sa kanya. Biro yun pero sinabayan niya dumukwang siya sa bintana ng kotse ko at hinalikan ako sa pisnge mabilis lang yun pero ang hatid sakin nun na pakiramdam ay umabot hanggang sa talampakan.

Nginitian niya ako kaya nginitian ko siya at pinasibad na ang kotse ko. Nakita ko naman sa side mirror ang pagpasok niya dun.

After 20 minutes i've reach in Joseph's unit. They were all surprised for my coming. We do the manhug. Kompleto ang barkada andun din ang ilan sa pinsan ko na kaedaran ko at yung iba younger sakin ng isa o dalawang taon.

At syempre di nawawala yung mga dala nilang girls. Dahil dun sila kilala sa pagiging playboy, chick magnet at cassanova.

Nasanay na rin ako sa mga ugali nila. Darating din naman ang oras na magsesettle sila once makita na nila ang babaeng para sa kanila.

The party was blast, drinks are over flowing, yung iba medyo tipsy na, may nagmemake out na sa sofa. Mere kissing lang naman and touching di pa naman umabot sa hubaran.

Nilapitan ko si birthday boy at binati.

"Thanks Zarick, buti sinipot mo na kami. Akala ko di ka aattend eh"

"Di nga sana eh pinilit lang ako ni Reign"

Bigla naman niya akong sinuntok sa balikat.

"Ikaw hah, nagtatago ka na talaga samin. Ipakilala mo naman sa barkada. Anu ito na ba yung forever mo"

Sabay tawa niya pa.

"Hindi, kaibigan ko lang siya. Lupit hah forever coming from you na di naniniwala dun"

"People change Rick, i am in a serious relationship now. Busy lang siya kaya di nakadalo"

"Naks, sabi na nga ba one of these days isa isa rin kayong titino eh"

Ngumiti naman siya at nagtwinkle pa ang mata. Inlove nga ang gago.

"Back to you. Kaibigan lang ba talaga o baka naman nililigawan mo na. Alam naman namin na sa barkada ikaw lang matino pagdating sa ganyan dati pa"

"No, i'm not courting her. And i've never done courting any girl. Serious yung nakakarelasyon ko pero walang ligawang nangyari dun"

"Okay. Pero sigurado ka di mo yun nililigawan?"

Napakamot naman ako sa batok ko at uminom sa basong dala ko.

"Honestly, i like her kaso ayaw niya sakin. I mean ayaw niya sa mayamang magkakagusto sa kanya."

"Aww, saklap Rick. First time hah, this girl is really one of a kind. Kasi mostly girls are attracted to hot and rich men"

Nakipag cheers pa siya sakin.

"Kaya nga eh. Nakontento nalang akong friends lang kami atleast kahit dun lang nakakalapit at nakakausap ko siya"

"Pare tinamaan ka nga sa kanya. Try mo pa rin baka sa kakatry mo bumigay rin bigyan ka ng chance diba."

"Sana nga"

Matapos ng usapang yun ay nag inuman ulit ang barkada. Umiinom ako pero pa unti unti lang din.

The night went well, it's past 12 when i decided to go home...

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now