Chapter 30

389 13 0
                                    

Her Pov

Andito ako ngayon sa harapan ng mama at kapatid ni Nick.

Hindi nga maitatanggi ang pagkakahawig nila pero mas kahawig ng mama niya ang kapatid niya. Ang mama niya ay mukha pa ring nasa thirties kahit nasa early fifties na ito. Yung kapatid naman ay di maitatangging isang modelo nga dahil sa tangkad at ganda pa lang nito pasadong pasado bilang isang modelo. Magaling ring manamit.

Ito nga at tinatanong pa rin nila ako about sa buhay ko at kay Nick. Sinagot ko naman lahat yun sabay banat pa nila na hindi sila naniniwalang bukod sa secretary ay magkaibigan lang kami ni Nick. Nararamdaman daw nila yung spark echusera talaga tung mga kapamilya ni Nick, kaya rin pala echusero din siya minsan.

Kinuwento ko rin sa kanila ang first encounter namin ni Nick sa tulay. Natawa pa sila dun sa kwento ko. Humirit na naman sila na kadalasan dun daw nagsisimula amg mga love story, from strangers, friends and then turns to be lovers. Hindi ako naniniwala sa ikatlo okay pa yung ikalawa.

May usapan naman kami ni Nick kung hanggang saan lang kami. At alam niya naman yung stand ko about sa social status.

"Ah Reign iha, nasan pala mga magulang mo nasa probinsya nyu ba?"

Natigilan naman ako sa tanong ng mama niya. Sakto namang dumating si Nick at tumabi sakin. Umakbay pa ang damuho di na nahiya eh nasa jarapan namin yung mama at kapatid niya.

"Ahm, wala na po sila. Namatay po sila sa isang aksidente. Kasalukuyang nasa pangangalaga ng tito ko yung dalawa kong kapatid isang college at isang preschool po dun sa probinsya namin"

Dumiin naman yung kamay ni Nick sa balikat ko.

"I'm sorry to hear it iha. Ako din maagang naulila pero wala akong mga kapatid kaya sariling sikap rin ako dati para mabuhay hanggang sa makilala ko ang daddy ni Zarick at Breana"

Nginitian ko naman siya dun. Kaya pala napakadown to earth din ni Nick liban sa unang kita namin at sa kwento ng kaopisina ko dati na masungit daw ang boss ko, strikto at isang mali mo lang sesanti ka kagad kahit anu pa yung excuse mo. Pero napatunayan kung hindi naman ganun nung first day ko at nalate ako.

Nang mas nakasama ko pa siya ng matagal ay mas nakilala ko yung totoong Nick.

"So iha free ka ba mamayang gabi?"

Tanong pa ulit ng mama niya.
Tumango naman ako bilang sagot.

"Good, iho we'll be having a dinner mamaya. I want you to bring Reign there okay. Ipakilala mo rin kay daddy mo ang special friend mo okay. It's ok right Reign"

Kinabahan naman ako dinner with my boss family kaya ko ba yun.

"Ahm okay lang po"

"Good so i will expect you both tonight okay. Zarick 6pm at Deluxe restau, don't be late. We'll get going"

Sabay tayo ng mama at kapatid niya tumayo na rin kami at sinamahan sila papuntang pintuan.

"Nice to meet you Reign. Take care of her Zarick. Bye"

Sabay beso pa niya sakin at kay Nick. Sumunod namang nakipagbeso kay Nick at sakin ang kapatid ni Nick.

"Nice meeting you future sister-in-law. Kuya wag kukupad kupad. Bye"

Tinignan pa namin sila hanggang sa makasakay sa elevator. Bumalik naman kami sa loob at napahiga ako sa sofa nya.

"Makulit rin mama mo, parang ikaw rin"

"Hmm, yeah that's mom but ngayon lang siya naging makulit sa babaeng malapit sakin. Sa mga ex ko di naman ganun yun. Maybe she really likes you. Kasi dati pag alam niyang may girl friend ako tatanungin niya kagad akong "sure ka ba, mahal mo?". Kaya nakakagulat siya ngayon at ipinupush pa ko sayo."

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Pero gusto ko mama mo kahit mayaman na siya ngayon di pa rin nagbabago kung panu siya makitungo sa iba hindi gaya ng iba yumaman lang nag iba na rin pati ugali."

Tumango tango naman siya sa sinabi ko.

"Hmm, but you know Reign, i'll be true to you. I don't want us to be friends forever or special friend, i want more than that but i understand you, you don't want me like how i like you. And i will not cross into that limitation if it will make you be away from me"

Sabay himas naman niya sa buhok ko at pinaunan ako sa hita niya. Yup ganito kami kaclose na aakalain mong may something talaga samin kasi di naman tu ginagawa ng pangkaraniwang magkaibigan.

"Nick, alam mo kasi kahit magkagusto ako sayo hindi pwede at ayoko pang sumubok ulit. Okay na ako sa ganito tayo. Nag eenjoy ako sa company mo, kontento na ako sa ganito. I respect your feelings pero sinasabi ko na habang maaga pa pigilan mo baka kasi di ko masuklian"

Sagot ko naman na ikinalamlam ng mga mata niyang kulay abo.

"I know Reign, i know"

Tumingin naman ako relo ko at tumayo na.

"So panu sunduin mo na lang ako sa apartment ko mayang 5pm. Hay kinakabahan na ako di pa man kami nagkakaharap mg papa mo eh"

Ngumiti naman ulit si Nick.

"Don't be, i'm there tsaka mabait si dad. For sure gaya ni mama he will find you nice and will like you"

Nginitian ko naman siya, sinamahan niya ako sa tapat ng elevator at inalok na siya na maghahatid sakin pero di ko sinang ayunan pa. Nagpaalam na ako sa kanya.

Pagkarating sa apartment ay dumiretso kagad ako sa kwarto ko at sa kabinet ko. Inilabas lahat ng binili ko at binili ni Nick na dress para sakin. Buti na lang talaga at may nabili ako.

Napili ko ang isang kulay champagne na dress above the knee ito, simple pero maganda naman tignan at may pagkaformal naman. Nagpahinga muna ako dahil 3pm pa naman may isa't kalahating oras pa akong magpahinga at iready ang sarili ko.

4:30 pm ay naligo na ako. Pinatuyo ang buhok gamit ang binili kong blower. Pagkatapos ay inihanda ang make up kit kong bigay sakin ni Nick nung minsang magshopping siya. In case lang daw, at ito na nga yung araw na magagamit ko ito.

Light make up lang ang iniapply ko para di lang mahalata pag namutla ako sa harapan ng family niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Light make up lang ang iniapply ko para di lang mahalata pag namutla ako sa harapan ng family niya. Naglagay ako ng manipis na lipstick. Nakalugay ang buhok kong hang bewang na medyo kulot kulot sa dulo. Kinuha ko yung isang purse ko na binili ko rin at si Nick pa ang pumili nito. Sinuot ko rin yung binili niya, oo siya talaga ang bumili sa stiletto ko. Mas mataas ito kumpara sa sinusuot kong heels sa opisina pero sanay na rin naman ako. Ngayon lang din naman to.

Sakto namang tapos na ako ng may kumatok. Isinilid ko na sa purse ko yung cellphone ko at nagpuntang sala. Medyo nagulat pa siya nung pinagbuksan ko.

"Oy, okay lang ba hitsura ko o yung suot ko?"

Pero siya NR pa rin means No Reaction. Pinakatitigan lang ako at ngumiti, baliwa na ata to.

"You, you look so beautiful Reign."

Ngumiti naman ako sa reaction niya.

"Sure ba yan?"

"Of course Reign, kailan pa ako nagsinungaling sayo".

Inilalayan niya ako papunta sa kotse niya at pinagbuksan pa ng pinto.

Inilagay ko ang seatbelt ko at pinaandar na rin niya.

Hooh hope this dinner went well..

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now