Chapter 46

387 13 0
                                    

Her Pov

Almost perfect, yun ang masasabi ko sa relasyon namin ni Nick. Di naman niya ako sinasakal at gusto ko yung pagiging possessive niya pagdating sakin. Gusto ko yung nilalambing siya pag lage niyang kinokompara ang sarili niya sa iba.

Peru sabi nga nila di lahat ng araw ay para sayo. Minsan ay nagkaroon kami ng tampuhan ng makita niya ako na kausap ang ex ko sa labas ng kompanya niya.

Umaga at busy ang lahat lalo na si Nick kaya di na niya ako sinundo sa apartment ko. Papasok na ako sa lobby ng may humawak sa balikat ko. Medyo nagulat pa ako nung makilala ko ito kung sino, si Edward lang pala.

Naka formal suit siya kaya akala ko may meeting sila ni Nick ngunit nung tanungin ko siya sabi niya ako talaga ang sinadya na dun. Pinakiusapan niya akong mag usap kahit saglit kaya sumama na rin ako para di na diya mangulit pa. Sa café na malapit sa kompanya lang kami. May 30 minutes pa ako bago mag time in.

Umorder siya ng kape para sa aming dalawa. Hindi na ako tumanggi para di na humaba pa. Pagkaupo niya ay tinanung ko na siya agad kung anu ang pakay niya.

"Easy, Reign just relax may 25 minutes pa before work hours starts. I just want to ask about your whereabouts. Kamusta ka na?"

Malapad pa ang ngiti niya ng tinanung niya ako. Tsk ang kapal talaga, parang walang nangyari samin noon kung makapangamusta.

"Well, Edward i'm very happy in my life now. Happier than being with you. Bakit mo pa ba tinatanung kung kamusta ako at pwede ba wag kang umasta na parang magkaibigan tayo dahil sa pagkakatanda ko ang huli nating pag uusap ay yung araw na nakipaghiwalay ka sakin."

Nawala naman ang ngiti niya sa mukha niya. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko. Pilit ko iyong kinukuha pero ayaw niyang bitawan.

"Reign i'm really sorry. Nagawa ko yun dahil sa takot kung itakwil ako ng mga magulang ko. Hindi ko pa kaya noong mga panahon na iyon peru ngayon i can stand for the both of us. Kaya na kitang buhayin at mahal pa rin kita Reign."

Sa pagkakataong ito ay nilakasan ko na ang pag bawi sa kamay ko kaya hindi na niya hawak ang kamay ko.

"Tinatanggap ko na ang sorry mo Edward. Wala na rin naman akong hinanakit pa sayo pero hanggang dun na lang yun, parte ka na lang ng nakaraan ko. Excuse me madami pa akong gagawing trabaho sa opisina."

Saktong nakalabas na ako ng café ng matigilan ako dahil sa sinabi niya.

"Dahil ba kay Mr. Villanueva kaya ayaw mo ng bumalik sakin Reign? Di ako kasing yaman niya pero may isang bagay akong kayang ibigay sayo na di niya kaya."

Napaharap naman ako sa kanya at nakangisi siyang nakapaweywang sakin.

"Anung ibig mong sabihin? Diretsuhin mo na Edward."

Ngumiti siya ng nakakaloko. Lumapit pa siya sakin habang ang mga kamay ay nasa mga bulsa niya. Kung dati pag nakikita ko siyang ginagawa yun ay kikiligin ako ngayon hindi na naasar na ako makita lang ang mukha niya.

"Reign, hindi ka kayang bigyan ng anak ni Mr. Villanueva. Matagal ng may deperensya sa pagkalalaki niya ang lalaking gusto mong ipalit sakin. Magiging kawawa ka lang. Now Reign, you choose me or that impotent man?"

Dahil sa inis ko ay di ko napigilang padapuin ang palad ko sa pisnge niya.

"Wala kang karapatang insultuhin ang boyfriend ko. Eh anu naman kung impotent siya, baog at di ako mabigyan ng anak. Hindi naman ako mag aasawa para lang magkaroon ng anak sapat na sakin na mahal namin ang isa't isa. Isang bagay na di mo kayang ibigay at mapanindigan. Kaya ikaw ang mas kawawa, sa susunod wag mo na akong kakausapin pa."

Nagmadali akong nagtungo sa kompanya at sumakay ng elevator papuntang top floor. Medyu nanginginig pa ako dahil sa tagpong yun kanina. Anu ang karapatan niyang ipagmalaki ang bagay na nawala kay Nick. Tsk mas hamak namang mas maswerte ako kay Nick kesa sa kanya.

Pumasok na ako agad sa opisina ni Nick at nadatnan ko siyang nakatayo sa harap ng glass wall niya at nakapamewang.

Nakahanda na ang malapad kong ngiti para sa kanya peru imbes na nakangiting mukha isang nakabusangot at magkasalubong na kilay ang sinalubong niya sakin.

"San ka galing?"

"Sa apartment"

Pero ang mga tingin niya ay tinging hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Bakit nalate ka ata ng 5 minutes, sa pagkakatanda ko di mo naman ugaling malate sa pagpasok. Tell me Reign."

Nakacross arm pa siya habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Nagkita kami ni Edward nung papasok na ko. Dahil ayoko ng gulo sumama ako sa kanya."

Hindi pa rin nagbabago ang hitsura niya at ayokong palakihin ang gulo kaya kinuwentu ko lahat ng nangyari kanina.

Pagkatapos nun ay imbes na mawala ang pagkakakunot ng noo niya ay mas nagdikit pa ito. Nagsilabasan ang ugat sa leeg niya at nakakuyom ang kanyang mga kamay kay agad ko itong hinawakan at niyakap siya mula sa likod.

"I love you that's what matter to me most"

Umupo siya sa swivel chair niya kaya ngayon ay nakatayo na lamang ako sa harap niya.

Pilit kong kinukuha ang atwnsyon ng mata niya ngunit pilit lang itong umiiwas. At nanatiling walang imik lang siya kaya't ginawa ko ang bagay kahit kelan man ay di ko ginawa. Tinignan ko muna ang wall clock at pintuan. Maaga pa naman.

Tumayo ako sa harapan niya at pagkatapos ay umupo ako ng patagilid sa hita niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero ng makabawi ay agad niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko at mas hinapit pa ako papalapit sa kanya. Ako naman ay humilig sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"Sorry baby, i just... I'm just jealous when i see you both on the café. I know you were just ex but hearing from you those words i can't help myself but to get defeated and got pity on it. Dahil alam ko mas lamang siya sa maraming bagay."

Hinaplos haplos niya pa ang buhok ko habang sinasabi iyon.

Kaya naman tinignan ko siya at hinawakan ang mukha niya at kinintalan ito ng magaang halik bago nagsalita.

"Wala akong pakialam sa iniisip o sasabihin ng iba. Gaya ng pagtanggap mo sakin, tatanggapin kita ng buong buo. Mahal kita at yun lang ang mahalaga. May baby na tayo diba, okay na sakin na tayong tatlo lang."

Pagkatapos nun ay hinalikan niya ako ng mas malalim at buong tamis. Hanggang sa nagsisimula ng lumalim pa ito. Nararamdaman ko na rin ang biglang pagkabuhay ng bagay na nasa gitna niya na inuupuan ko.
Humahagod na rin pataas baba sa likod ko ang mga kamay niya. Napakapit ako sa leeg niya dahil lunod na ako sa halik na pinagsasaluhan naming dalawa.

Hanggang sa bumaba ang mga halik nito sa leeg ko at di ko siya pinigilan bagkos ay itinagilid ko pa ito para mas mabigyang laya ang paghalik nito dito. Unti unti na ring namamasa ang nasa pagitan ng hita ko. Init na init na kaming dalawa. Naghahalikan kami ng bigla siyang tumigil at yakapin ako ng mahigpit.

"Baby, let's stop it now while i can control myself to not to take you right here, right now"

Medyo humahangos pa siya ng sabihin ito. Tumango naman ako bilang pagsang ayon ngunit ang apoy na ginawa namin ay di pa rin namamatay. Gumalaw ako sa pagkakaupo na naging dahilan ng pag ungol niya.

"Baby, stop doing that or i might lose it ."

Nagkatitigan lang kami at nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanasa na pilit niyang pinipigilan.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now