Chapter 22

388 15 0
                                    

His POV

It's already 9pm, yet i am still awake so i decided to go out of the room. I planned to go to their kitchen to get some water when i heard something outside the house.

Then i saw someone sitting on the veranda it's Reign. I recognized her because of the light from the moon. I went near to her then i hear her sobbing. I immediately put my hand on her back and caress it.

She got startled at what i did, she look at me and can see tears streamming down in her face. I wiped it off but still continues to flow.

So i decided to hug her.

"What's the problem Reign?"

She sniff before she answered me.

"Namimiss ko lang yung mga magulang ko. Tsaka naawa ako kay Nicka di man lang niya nakita sina tatay at nanay"

Humiwalay siya sa yakap ko at tumingin ulit sa labas.

"Isang taon palang si Nicka ng mawala si tatay at nanay"

Suminghot ulit siya. Ako naman ay inaalo lang siya sa paghagod ng likod niya.

"Hindi man lang nila nakitang magbinata si Ralph, yung unang hakbang at unang halakhak ni Nicka at yung unang pagkakaroon ko ng stable na trabaho. Hindi man lang ako nakaganti sa lahat ng paghihirap nila para sa akin."

Humagulgol siya ulit kaya niyakap ko na talaga siya mula sa likod. I can't really feel how she feel right now, for my parents are still with me.
But the way how hard she cried makes me feel like i have to take care of her and protect her from the coming pain.

"Di man lang ako nakabawi sa lahat ng sakripisyo nila sakin. Hindi pa ako lubos na nakakahingi ng tawad sa mga pagkakamali ko."

Umiiyak pa niyang sabi ngunit pinipigilan niyang mapalakas ang pag hagulgol dahil sa mga taong nagpapahinga na rin sa loob ng bahay.

"Reign, things happened for a reason. And i know your parents are so proud of you because of how you raise your siblings. They are so wonderful, i know your parents are contented wherever they are now because they know that you'll take good care of your siblings."

Pang aalo ko pa sa kanya para kahit konti ay mabawasan ang bigat na dinadala niya.

"Pero kasi alam mo yun, yung dahil sa subra nilang pagkamatulungin at pagnanais na makatulong sa iba ay buhay nila ang naging kapalit"

Impit na naman itong umiyak dahil sa pag alala sa kinahantungan ng kanyang mga magulang.

"Your parents are so kind hearted. Just always think that okay. Even if they are gone they left something so heroic, they save another life even if they know what could be the consequences."

Unti unti na ring tumigil ang pag iyak niya.
Humarap siya sakin na medyo inaantok na ang mga mata. Siguro napagod na sa kakaiyak.
Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"You know Reign, i know that someone were so thankful for what your parents did. And i know your parents are happy now seeing you slowly reaching your dreams"

Ngumiti lang siya ng tipid at iginiya ko na siya papasok sa bahay at sa kawarto nilang magkapatid.

"Rest, maaga pa tayong babyahe bukas"

Nagpaalam na rin ako sa kanya bago magtungo sa kabilang kwarto.

How painful it is for Reign when her parents die.

I know that person whom her parents saved was very thankful to them.

I then get back to sleep and rest my mind. Tomorrow we'll going back to the real world.

Her Pov

Maaga akong nagising kinabukasan dahil na rin siguro di ako masyadong nakatulog kagabi o idlip lang yung ginawa ko.

5:30 am and we're ready to go. I didn't wake up Nicka dahil baka umayaw pa. Sinabihan ko nalang si Ralph na tawagan ako pag nagising na si Nicka.

Hinalikan ko na lang si Nicka na ngayon ay himbing na himbing ang tulog habang yakap yakap ang bear na binili ni Nick.

Niyakap ko na rin si Ralph at binilinang alagaan si Nicka at magpakabait at magpursige sa pag aaral. Nagpaalam rin si Nick kay Nicka at kinunan pa ito ng litrato habang tulog.

Nagpaalam rin ako kay tsong at tumulak na kami.

Ang limang oras na byahe papunta samin sakay ang bus ay naging tatlong oras nalang dahil sa medyo may kabilisamg pagmamaneho ni Nick sa kotse niya.

Pagkarating sa syudad ay hinatid niya ako sa apartment ko't sinabihang bukas na ako magreport sa opisina niya. Dumiretso na rin siya sa condo unit niya.

Kinabukasan, maaga palang ay naghanda na ako sa pagpasok sa trabaho. Balik sa tunay na mundo. Kahit maiksi lang ang naging bakasyon ko ay punong puno naman iyon ng masasayang memories. Kaya pagpasok ko ay good vibes ako.

Bandang 7:30 ay dumating na rin ang boss. Nakahanda na ang malapad kong ngiti at bati ng makita ko siyang nakabusangot. Sinabihan lang niya akong dalhan siya ng kape sa opisina niya at sinunod ko kaagad.

Pagpasok ko ay kumatok pa ako at nakita siyang tutok na tutok sa laptop niya. Mukhang busy at di maganda ang mood. Nakarinig pa ako ng pagmumura niya ng palabas na ako mukhang may kausap ito sa phone.

Lunch came pero andun pa rin siya sa loob ng office niya. Pumapasok lang ako pag may kailangan akong ipasa o papirmahan sa kanya.

Dahil almost 12 na ay kinatok ko ang pinto niya narinig ko naman ang pagpapasok niya. Nginitian ko siya at napatingin lang siya sakin.

Yung mga mata niya ay parang pagod na pagod na kahit hindi pa hapon. Dahil nag aalala na rin ako kaya nilapitan ko na siya.

"Boss, tigil ka muna. Pahinga ka ipapaakyat ko na lang ang lunch mo"

Ginamit ko yung telephone ng office niya at umorder ng lunch niya. Maya-maya pa ay kumatok na sa pinto ang crew sa cafeteria. Ako na ang naglapag ng pagkain dun sa visitors table niya.

Hinila ko na rin siya patayo dahil halatang latang lata na siya kakatingin dun sa mga papeles at laptop niya.
Nagpatangay na rin siya sakin. Pagkaupo niya ay hinanda ko na ang pagkain niya.

"Boss kain ka muna para makabawi ng lakas. Sa labas lang ako ng office mo. Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ok. Sige kain kana"

Patalikod na ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Eat with me."

Tumango na lang ako at kinuha ang baon ko dun sa table ko.
Kumakain kami ng bigla siyang magsalita.

"Sorry"

Napatingin naman ako sa kanya

"Para saan?"

"For ignoring you earlier. I'm just really not on the mood. Andaming aberya kasi ang nangyari sa factory, may mga ilang clients din ang nagrereklamo tungkol sa mga delayed na deliveries and shipments ng mga alak, may nagsabotahe rin sa ilang wine na mabilis nasisira."

Napahawak pa ito sa tungki ng ilong niya. Nagpapahiwatig na medyo pagod at stress na siya.

"Ayaw ko kasing madisappoint si dad sakin. I have to clear it all and make a good move bago lumala."

"Okay lang yan, your dad is still proud of you. Wag ka lang pasubra sa pagod at stress para makapag isip ka pa ng maayos at masulosyunan agad yan. Tiwala lang, matatapos din yan. Kain kana."

Nginitian ko pa siya matapos kong sabihin ang mga iyon.

Sa buhay di talaga maiiwasan ang mga ups and downs. Mga problemang minsan patong patong kung dumating. Hindi ito dapat tinatalikuran at tinatakbuhan. Ang kailangan lang ay harapin ito. Gawin ang lahat para ito ay mapagtagumpayan. Humingi ng tulong at gabay sa Diyos na malagpasan ang lahat ng problema at pagsubok. Dahil ganun ang buhay hindi dapat sinusukuan.

Dahil kapag sumuko ka agad ikaw rin ang talo sa huli.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now