Chapter 38

373 17 1
                                    

Her Pov

Di kami masyadong nagtagal sa probinsya namin dahil bumalik rin kami agad kinabukasan.

Tuloy ang buhay at patuloy rin ang panliligaw ni Nick. Kung anu anong ginagawa at binibigay niya sakin. Tinatanggap ko naman liban lang dun sa mga mamahaling bagay, sobra na yun para sa panliligaw. At kahit pinagsabihan ko na maging professional kami pag nasa office ay ayaw paawat.

Hinayaan ko na lang, appreciate ko naman lahat ng ginagawa niya. May isang bagay lang talaga akong pinangangambahan na mangyari, dahil hindi pa ako masyadong ganun ka open sa kanya.

Hindi rin naman siya masyadong nagtatanong tungkol sa pribadong buhay ko.

Natatakot rin akong pag nalaman niya ang buong pagkatao ko ay layuan niya ako at iwasan o tumigil na rin sa panliligaw o mas malala mawala yung nabuo naming pagkakaibigan. Aaminin ko mahal ko na siya. Hulog na hulog na ako, pero ayokong magpadalos dalos na sagutin siya ng di niya alam ang lahat sa akin.

Napakavocal niya about sa buhay niya. Ultimo yung mga kalokohan ng mga barkada niya kinuwento niya. Yung mga nakakahiyang bagay na ginawa o nangyari sa kanya naikwento na niya. Pero ako discreet information lang ang nasasabi ko sa kanya.

Pero tama si tsong, kung mahal niya talaga ako tatanggapin niya anu man ang nakaraan ko. Tatanggapin niya yung mga kamalian ko pero kung hindi man iyon ang mangyari well, thankful na din ako dahil dumating siya sa buhay ko at sa sandaling panahon ay hinayaan niyang angkinin ko ang puso niya.

Friday night, inaya ko siyang mamasyal kami sa park matapos naming kumain ng hapunan.  At ito na naman siya hindi pa nga kami pero kung makaasta parang sinagot ko na. Magkahawak ang kamay naming dalawa tapos yung isa niyang kamay ay iniakbay niya sakin. Oh diba, sinong mag iisip na manliligaw ko pa lang siya kung ganito siya umasta. Pag aalisin ko naman ibabalik niya kaya hinayaan ko na lang.

Inaya ko siyang umupo sa bench, tanaw namin ang Manila bay. Medyo malamig na rin dahil pagabi na at dahil na rin sa hangin mula sa dagat.

Handa na ba akong sabihin sa kanya ang totoo? Pero atleast habang maaga pa dapat alam na niya para malaman ko rin kung ano ang dapat kong gawin pagkatapos.

Bumuntong hininga muna ako sabay harap ko sa kanya. Medyo nagtaka naman siya dahil nakatitig lang ako sa kanya ng 5 minuto. Nagtaka siya kaya't kinuha niya ang kamay ko at nagatanong.

"Reign, is there something wrong? Tell me maybe i can help you."

Umiling lang ako at tinitigan siya ulit. Kinabisado ko ang mukha niya dahil may posibilidad na pagkatapos nito ay di ko na masilayan pang muli ang mukha niya. Baka hindi lang sa kompanya niya ako paalisin kundi pati na rin sa buhay niya. Masakit man pero dapat tanggapin ko.

"Nick, may sasabihin ako sayong pinakatatago kong sekreto. Makinig kang mabuti okay at pagkatapos nito, kung ano man ang maging desisyon mo tatanggapin ko."

...............................

6 years ago...

I was mending my heart it was the month of May. One month na rin pala ang nakakaraan ng matapos ang tatlong taong relasyon namin ni Edward.

Akala ko hanggang huli ay kami na talaga. Umasa ako at lumaban kasama siya pero habang nasa kalagitnaan kami ng laban ay sumuko siya bumitaw siya mula sa hawak ko.

Subrang sakit dahil binigay ko lahat ng pagmamahal ko sa kanya dahil akala ko makakasama ko siya hanggang huli. Buong tiwala at buong pagmamahal inialay ko sa kanya. Pinagsabihan na ako ng mga kaibigan kong walang patutunguhan ang relasyon namin pero sumige pa rin ako. Lumaban hanggang sa madapa at masugatan.

Akala ko madali lang ang pagbangon pero hindi, hindi ko pala kayang wala siya sa buhay ko. Naging blanko ang isip ko sa mga bagay, wala akong ibang inisip kundi siya at ang pag ibig naming nasayang nung bumitiw siya.

Minahal ko siya at yun ang pagkakamali ko dahil hindi ako nagtira para sa sarili ko. I'm one of the outstanding student in our school but then i didn't use my brain, i only just used my fucking heart kaya ito ang kinahinatnan.

Dahil bakasyon ay pinilit ako ng mga kaibigan ko na magbakasyon sa bahay ng mga magulang ng isa sa mga kaibigan ko sa Manila. Pumayag naman si nanay at tatay dahil baka raw makatulong yun sakin para maghilom ang sugat sa puso ko at bumalik yung dating ako. Ganun sila kasupportive kahit noong una ay tumutol din sila sa maagang pakikipagrelasyon ko.

3 days ang usapan namin. Kaya nung last night na ng stay namin sa Manila ay inaya ako ng mga kaibigan kung magbar hopping para daw mabawasan yung kaiisip ko sa Ex kong gago.

Pumayag ako dahil 18 na rin naman kami kaya okay na na uminom kami. First time kong makainom ng nakakalasing na inumin. First try ay napaubo pa ako dahil di ko talaga gusto yung lasa. Peru binuyo pa nila ako sa una lang daw iyon pero sasarap na kalaunan. Nagtry ako ng iba at nagugustuhan ko na nga di ko na namalayan kung nakailang baso na ako.

Dinala rin nila ako sa dance floor at para kaming mga baliw na nagtatawanan at nagsasayawan dun. Masarap pala sa pakiramdam yung ganun hindi ko nararamdaman yung sakit.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na magbabanyo muna. Papalabas na ako ng may makabangga ako, humingi ako ng dispensa at tumuloy dun sa bar counter at umorder pa ng isang whisky at inisang lagok ito. Mahapdi ito sa lalamunan pero kahit ganun nagugustuhan ko yung init na dulot nun sa katawan ko. Nandun lang ako nakaupo habang nanonood sa mga kasama kong may kanya kanya ng partner sa dance floor. Medyo hilo na rin ako pero nanatili akong nakaupo at nagmamasid sa buong lugar ng biglang may humila sa'kin.

Nagpumiglas pa ako sa may hawak sakin pero dahil lasing na ako at wala na ring lakas kaya di na ako nakapalag pa. Dinala niya ako sa parking lot at biglang kinuyumos ng halik. Nung una nanlaban pa ako pero dahil dun ay naipsok niya yung dila niya sa loob ng bibig ko. Medyo marahas ang halik niya at parang masusugatan ang labi ko.

Idinikit niya ako sa kotse niya at niyakap ng mahigpit at hinahalikan pa rin. Pero hindi ko alam anung nasa utak ko at itinigil ko na ang pagpupumiglas at hinayaan ko siyang halikan ako. Hindi man ako marunong humalik ay nakipagsabayan ako sa kanya. Inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg ko. Mas nagdikit pa ang mga katawan namin at mas naging mapusok ang palitan ng halik naming dalawa.

Bahala na kung anung mangyari sa susunod, sa ngayon hahayaan ko munang magpaubaya sa gusto ng katawan ko.......

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now