Chapter 28

362 13 0
                                    

Her Pov

Nasa kalagitnaan ako ng mahimbing na pagtulog ng maalimpungatan ako dahil sa katok mula sa labas ng apartment ko. Tumingin ako sa phone ko at chineck ang time 12:25 am.

Gosh sinong matino ang kakatok sa pinto ng ganitong oras? Hindi naman November ah at isa pa safe ang lugar kung saan ang apartment ko. Hindi naman nababalitang may mga magnanakaw or akyat bahay dito eh.

Lumabas ako ng kwarto ko, nung nasa sala na ako ay mas dinig ko yung katok at sunod sunod. Nagsisimula na akong kabahan dahil baka masamang tao yung nasa labas ng pinto ko.

Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko na nasa kamay ko at ang isa ay itinakip ko sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Unti unti pa akong lumapit at ayun kumakatok pa rin.

Pero nawala na rin yung katok. Baka umalis na may narinig pa akong yapak. Pero di ko nasisiguro kung paalis ba o naghahanap lang ng ibang dadaanan.

No choice bahala na, takot na ako at baka mapahamak ako nito anytime, may mga kapatid pa ako.

Isang tao lang ang pwede kong mahingan ng tulong. Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at inilock. Buti na lang walang bintana dito. Nagtalukbong ako ng kumot habang hinihintay kong sagutin ang kabilang linya. After ng pangalawang ring ay di ko na ito binati, sinabi ko na agad ang sadya ko.

"N-nick help me. M-may tao sa labas ng apartment ko. Natatakot a-ako"

Nanginginig ako habang sinasabi ko yun. Butil-butil na rin ang  pawis sa noo ko.

"Keep calm Reign. I'll be there."

Hindi ko pinatay ang phone ko hanggang sa makarinig ulit ako ng katok mas malakas sa una. May tumatawag na rin ng pangalan ko. Lumabas ako ng room ko at binuksan na yung pinto.

Diretso agad ako kay Nick. Niyakap naman niya ako at dinala sa loob. Binuksan ang ilaw at nakita niyang pawis na pawis ako kaya pinunasan niya ito gami ang palad niya.

"Tell me what really happened Reign"

Kumalma naman muna ako.

"Kanina kasi naalimpungatan ako kasi may kumakatok, eh lampas alas dose na wala namang napapabalitang mga magnanakaw dito eh or mga lasenggo kaya natakot na ako. Teka nga ba't ang bilis mong nakapunta dito sa apartment ko?"

Tumingin naman siya sakin sabay kamot ng ulo niya at hinagod ang nose bridge niya.

"Reign, ahm hindi magnanakaw or lasenggo yung kumakatok sa pinto mo. It's me. Ako yung kumakatok"

Napabilog naman ako ng mata sabay tingin ng masama sa kanya. Sa inis ko pinaghahampas ko siya todo salag naman siya.

"Ikaw yun? Naman eh, tinakot mo ko eh. Akala ko katapusan ko na yun pag nakapasok yung kumakatok tas ikaw lang pala. Teka bakit ka kumakatok eh lampas alas dose na dapat andun ka na sa unit mo or sa birthday party nung kaibigan mo."

Nag iwas naman siya ng tingin. Pero hinarap ko siya ulit sakin.

"Ahm, after the party i'm really heading to my unit but something, a strange feeling push me to went here in your place. Really, i swear it's true. Nagdadalawang isip pa nga ako kung kakatok pa ba ako kasi for sure tulog kana. After 5 minutes of knocking without any response nagpasya na akong umuwe saktong tumawag ka rin kaya napabalik ako dito"

Sinamaan ko pa siya ng tingin. Pero yung puso ko susko ayun tumatambol na naman dahil sa binunyag niyang strange feeling daw.

Humirit pa ulit siya.

"Can i stay for this night again Reign? This time hindi na tayo magkatabi sa ibaba ako ikaw sa kama mo. I just really want to stay and sleep near you. Strange yet i like the feeling"

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now