Chapter 55

325 9 2
                                    

Authors Note

I would like to say thank you first sa mga nagbabasa ng story nato. Honestly 2017 ko pa ito nasimulan kaso di ko lang matapos tapos dahil naubusan ako ng ideas, nabusy sa mga bayag-bagay at nawalan ako ng gana magsulat. Until recently, napapansin kong dumadami ang number of reads ng story ko at may nagvovote pa kayabnabuhayan ako ng loob at nagkaroon ng inspirasyon na why not tapusin ko ito. So ayun, pag may mga ideas ako nagsusulat ako kaso medyo mabagal nga lang dahil may dapat pang unahin but i am so thankful and grateful sa patuloy na sumusuporta at nagbabasa ng story ko... I really appreciate it, thank you for inspiring me again to write... Just bear with me dahil mabagal po talaga ako mag update....
Enjoy reading 🥰😘


Her POV

After naming mag usap ni Nick ay kinausap rin namin ang pamilya ko. Okay na si tsong at ang kapatid ko, pero hindi nalang namin idinetalye ang pagsasabi kay Nicka dahil hindi pa nito masyadong maiintindihan. Naging okay ang lahat at napagplanuhan na namin ni Nick ang pagkausap sa pamilya nito at ng maipaliwanag ko na rin ang nangyari sa pagbisita nila.

Ngayon nga ay pababa na ako sa sasakyan ni Nick at papasok na kami sa bahay ng mga magulang nito.

Sinalubong kami ng kanilang mayordoma na giliw na giliw kay Nick. Pinakilala naman ako ni Nick at tuwang tuwa itong makilala ako.

"Kay ganda-ganda naman nitong girlfriend mo Zarick nako inalok mo na ba ito ng kasal."
Nagagalak na sambit ni nana Rosa habang iginigiya kami papunta sa dining area.

"Hindi pa po nana Rosa, pinagpaplanuhan ko pa po." Sabay kindat nito sa akin.

Nabigla naman ako ng tampalin ni nana Rosa si Nick.
"Ay nakung bata ka, ang bagal mo. Baka maunahan ka pa ng iba dapat ngayon palang ay nagpaplano na kayo ng kasal. Naku Reign iha, kapag itong si Zarick di ka pa inalok ng kasal sa taong ito naku, maghanap kana ng iba."
Pagbibiro pa nito na ikinasimangot naman ni Nick.

"Nana Rosa naman, kakabati lang namin ni Reign tapos sinasabihan niyo na siyang maghanap ng iba. Akin lang si Reign nana. Diba baby akin ka lang. Tsaka nana Rosa ready naman na talaga ako na alukin siya ng kasal ito lang si Reign ang hinihintay ko." Sabay lingkis nito ng mga braso sa akin.

"Ay ayun naman pala. Reign sige na pakasalan mo na itong si Zarick namin. Mabait ito at napakaresponsable wala kang magiging problema pag naging mag asawa na kayo." Medyo seryuso na si nana Rosa at hinawakan pa nito ang mga kamay ko.

Nginitian ko naman ito bilang pagsang-ayun sa sinasabi nito at nakarating na kami sa dining area. Andun na ang mag asawang Villanueva at tumayo ang mga ito at sinalubong kami.

Masuyo akong niyakap ako ng mahigpit ni tita Marga. Sabay hingi nito ng paumanhin.

"Okay lang po tita, pasensya na rin po kayo sa inasal ko nung nagpunta kayo sa bahay namin. Nabigla lang po ako sa mga nalaman ko. Pasensya na po talaga tita, tito."
Sabay tingin ko ng may paumanhin sa mag-asawa.

"It's okay Reign, we understand. We are the one at fault and sana ay mapatawad mo kami ng tita Marga mo sa paglilihim namin. Hinintay din kasi namin si Zarick na mismong magsabi sa'yo but my wife can't wait to say it kaya sinadya na namin ang pamilya mo without telling you first."
Mahinahon at sinserong hingi ng paumanhin ni tito Philip na mas ikinagaan ng loob ko. Nick's family are the kindest people whom i encounter kahit na subrang taas ng mga ito ni minsan ay hindi ko ito nakitaan ng pagmamalaki imbes ay nanatili itong nasa baba.

"Natanggap ko na po ang lahat ng nangyari sa nakaraan at napatawad ko na rin po ang lahat ng taong nasangkot sa hindi magandang nangyari sa nakaraan. Hindi pa po kayo humihingi ng tawad ay pinatawad ko n po kayo kahit hindi ko kayo kilala dahil kailangan kong magpatawad para makasulong ako sa buhay ng walang dinadalang bigat sa kalooban. Wala naman pong may gusto ng lahat ng nangyari at may plano ang Diyks kaya nangyayari ang mga bagay bagay kahit hindi man po natin ito gustuhin." At matapos ko iyong sabihin ay niyakap ako ni Nick at hinalikan sa tuktok ng ulo ko. Nakita ko naman na inaalo din ni tito Philip si tita Marga na nagiging emosyunal na.

Against All Odds (Complete)Where stories live. Discover now