Case 078: Staking the Chief 👮

Start from the beginning
                                    

Kagagaling lamang ng hepe kahapon doon. Kaya nagtaka siya kung bakit muli itong nagtungo roon. Usually, once a week lang kung mag-report ang hepe sa GENERALS, wala naman silang hawak na mabigat na kaso sa mga nakaraang araw. Kaya nagtataka siya kung bakit napapadalas ito sa GENERALS.

He shrugged his shoulder, he don't want to entertain any negative idea. Wala naman siguro itong ginagawang masama. Marahil ay dumadalaw lang sa mga kasamahan. Marahil ay may kaugnayan sa nalalapit na pagreretiro ng General.

He spotted Chief Asaytuno's vehicle exited at the GENERALS' office. He secretly followed. He make a distant but also make sure, na hindi ito masayadong makakalayo.

Tumigil ito sa isang gasoline station at nagpagasolina. Wala siyang nagawa kundi pumarada din doon.

"Sir, full tank po?"

Hindi niya kailangan ng gasolina dahil full tank pa iyon. Umiling siya sa gasoline boy. The gasoline boy look weirdly at him and turned his back on him.

Nang makaalis ang sasakyan ng hepe at sinundan niya ito. Nakalampas na sila sa main road ng Adler pero mukhang wala pang balak na tumigil iyon. Kaya siguro ito nagpagasolina dahil malayo ang destinasyon. He wondered where the Chief's going.

Ngayon binabagtas na nila ang daan patungo ng Moriarty City pero hindi pa rin tumitigil ang sasakyan ng hepe. Nalampasan na nila ang mga lugar na pwede nitong puntahan pero hindi pa rin tumitigil iyon. Nagsimula na siyang kabahan.

Narating na nila ang Sittio Ibarra. Saan naman kaya pupunta ang hepe? Sa pagkakaalam niya at wala naman itong kaanak sa Sittio, nasa Capitol ang buong pamilya nito.

His questions answered when the chief vehicle stopped at Ibarra's Bloc, ang detention center sa Sittio Ibarra. Dito idinidetina ang mga salarin habang nililitis ang kaso ng mga ito. Ang iba ay nahahatulan habang ang iba naman ay napapawalang sala. Sa Sittio din nila isinagawa ang 'oplan halughog' kung saan may nahuli silang nagbebenta ng droga sa loob ng selda ilang buwan na rin ang nakalipas.

Pumasok ang hepe sa loob ng kulungan. Muli naman niyang sinundan ito. Lumapit ito sa isang pulis na nakabantay roon. Nagtago siya sa poste roon at nakinig sa usapan ng mga ito.

"Kamusta naman kayo rito?"

"Okay naman po Chief."

"May mga pasaway pa rin ba?" ang tinutukoy nito ay ang mga preso na patukoy pa rin sa pakikipag-transakyon ng droga. Sa loob at labas ng selda.

"Hindi naman naiiwasan Chief, pero nareresolbahan naman."

"Nasaan si Warden Corpus?"

Si Warden Corpus ay ang pumalit sa pwesto ng namatay na si Warden Dominguez. Si Deputy Warden Larry Sigmaton naman ang pumalit sa nakulong na si Deputy Warden Manobo. Pawang mga kaibigan ni Warden Dominguez at Chief Asaytuno.

Pumasok ang hepe sa opisina ni Warden Corpus. Ilang segundo lang naman ang lumipas ay lumabas na ang dalawa. Pagkatapos ay nag-ronda sa mga selda.

Dinig na dinig niya pa ang pagtatawanan ng dalawa habang nagkwekwentuhan. Mayamaya ay nagpaalam na rin ang hepe niya.

"Paano Warden? Dumaan lang talaga ako para makibalita."

" 'Wag kang mag-alala Chief. Maayos naman kami dito sa Sittio. Medyo naninibago pa rin dahil wala na si Warden Dominguez, pero nakakaya naman."

"Mabuti naman kung gan'on, ipalam mo lang sa akin kung may kailagan kayo."

"Salamat Chief."

Lumabas ang hepe ng gusali at muling sumakay nang sasakyan dito. Muli rin siyang sumunod dito. Pagkarating sa presinto ay dumiretso ito sa kanyang opisina. Siya naman ay naghintay sa labas upang makausap ito.

He have an idea to know if their Chief doing something behind their back or not. Hindi naman pwedeng araw-araw niya na lang itong susubaybayan.

Lumabas ang hepe at sinalubong niya ito.

"Garcia, may kailangan ka ba?"

"Chief itatanong ko lang sana kung kailagan na naka-uniform tayo sa sunday?"

"Ah... sa birthday ni General Lambert? Of course he wants us to be in our uniform."

"Sige po Chief, salamat po." Tumalikod ang hepe at muling niyang sinundan ito. Lumingon naman ito agad bang maramdaman na nakasunod pa rin siya.

"Oh Garcia, may itatanong ka pa ba?"

"Gusto ko lang po sana itanong kung nagawi kayo sa Sittio? Kamusta na ho kaya sila doon matapos mamatay si Warden Dominguez?"

"Sa totoo lang Garcia, hindi ko rin alam. Hindi pa ako nagawi roon simula nang mamatay si Warden Dominguez," sagot ng hepe na ikinagulat niya.

"Simula ng mamatay si Warden Dominguez?" paniniguro niya.

Tumango ito. "Oo, simula ng mamatay si Warden Dominguez, wala pa akong balita sa Sittio." Naningkit ang nga mata nito at tumingin sa kanya. "Bakit Garcia, may kailangan ka ba sa Sittio? 'Wag mong sabihin na bubuuksan mo ang kaso ni Warden? Nahuli na ang salarin sa pagkamatay niya."

"Hindi po... why should I do that? Gusto ko lang pong makibalita matagal na rin po kasi akong hindi nagagawi roon."

"Gan'on ba? Hayaan mo kapag may balita ako, ipapaalam ko sa'yo."

"Salamat Chief."

Tumango ang hepe at tumalikod sa kanya. Nagtatakang sinundan niya ito ng tingin. Wala naman itong ginawang kahina-hinala pero bakit ito nagsinungaling?

Bakit nito itinanggi ang pagpunta sa Sittio?

👮👮

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now