Case 051: Drug Raid 👮

107 5 11
                                    

                               "A Police Fall"

ALEJANDRO
With the help of GPS attached with his motorcycle, he managed to track RDV's location. Pero dahil naipit siya sa trapik, bahagyang lumaki ang agwat ng sasakyan ng mga ito sa kanya. Gayon pa man, nagawa niya pa ring habulin ang mga ito.

Ngunit nagulat siya sa naabutan niya. Walang malay na nakahiga sa kalsada sina Matt at Alexis, the saddest part about it,  RDV was nowhere to be found.

Sa 'di kalayuan ay may nakita siyang teargas na wala ng laman. Kinuha at inamoy niya iyon. Based of the lingering smell of the bottle, alam niyang hindi lang ito ordinaryong tear gas, kundi isang sleeping gas. Marahil nakatulog ang dalawa kaya naman nagawang makatakas ng kriminal.

Ginising niya ang dalawa at agad namang dumilat ang mga ito. Unang nakabawi sa pagkabigla si Alexis at nagulat nang makita siya.

"Inspector?"

"Where's RDV?" may diin na tanong niya. He knows that the two tried their best to capture the criminal, pero gayon pa man, ay nabigo ang mga ito. Ayaw niyang sisihin ang mga ito. Alam niyang may pagkakamali rin siya pero hindi niya mapigilang manghinayang. They're already one step closer to the culprit but all their hopes and expectations gone in an instant.

"I'm sorry Garcia, nakatakas siya," sagot ni Matt. Pinilit nitong bumangon pero bigla na lang nawalan ulit ng malay.

Mabilis ang kilos ni Alexis at dinaluhan si Matt. She checked his body only to find out that Matt is injured. May tama ito ng bala sa tiyan.

"Inspector may tama siya!" nag-aalalang ani ng dalaga. Hindi niya alam na may tama pala ito ng bala. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi nito nagawang barilin si RDV. Marahil ay nanghihina na ito kanina pa.

"Dalhin natin siya sa hospital."

Hindi sila nagkasya sa motor, mabuti na lamang ay iniwan ni RDV ang kanyang sasakyang, naiwan din ang susi sa loob. Marahil ay nakita nito ang bug na inilagay niya kaya iniwan na nito ang sasakyan. Nilagay niya iyon pagdating niya sa bar kanina. Ayon din ang dahilan kaya nagawa niya itong sundan.

Narating nila ang hospital at agad naman dinala si Matt sa emergency room.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ng binata. He felt the world crushing down under his feet. Hindi niya alam kung pagkatapos nito kung magkakaroon pa siya ng pagkakataon na mahuli si RDV

He rubbed his palm and heaved a sigh. What will happen after this? Tuluyan na lang ba na maghahasik ito ng lagim?

"Inspector, tumawag na po ako sa presinto. Binigay ko sa kanila 'yong address ni RDV---"

Hindi natuloy ng dalaga ang sasabihin nang putulin niya iyon. "And? What's the use of that? Sa tingin mo ba mahuhuli pa nila siya?"

Alexis bit her lower lip and bowed her head. Unable to look at him she apologized. "I'm sorry Inspector, kasalanan ko talaga lahat. Kung nakinig ako kay Matt sana---sana hindi ganito ang nangyari," anito at tumalikod na sa kanya.

Alam niyang tulad niya, may dahilan din si Alexis sa pagtugis kay RDV. Alam niyang may personal itong dahilan. Gusto man niyang sisihin at sumbatan ang dalaga ay hindi niya magawa. Just like him, he knows that she just want to capture the RDV to bring justice on what that bastard did to her.

•••
"Inspector we're able to search the place and we found na may pagawaan pala ng droga si RDV doon. Nahuli na rin 'yong ilang tao na kasabwat ni RDV at tauhan sa restau-bar. But the bad news is...hindi na namin siya nahanap. Wala ring makapagsabi kung nasaan siya," balita ni Ivan nang makapasok siya sa presinto. Inaasahan na niya ang balitang iyon kaya hindi na siya nagulat.

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now