Case 038: Cybercrime 👮

117 9 18
                                    

                                   "Codes"

ALEJANDRO
Pasado alas syete na ng gabi nang makabalik siya sa presinto. Hinanap agad ng mata niya si Alexis nang makapasok siya sa loob. Ngunit sa pagkadismaya ay wala ito roon.

Ano kaya ang ginawa nito? Sa tigas ng ulo nito nasisiguro niyang lumakad ito ng mag-isa. Delikado ang binabalak nitong ipain ang sarili. Paano nito mapoprotektahan ang sarili? Hindi man niya aminin ay nag-aalala siya para dito. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyari masama dito.

"Inspector n'andito na pala kayo?" he snapped back to reality when he heard a voice behind him. He look back to search for the voice and he saw Ivan smiling at him.

"May naghanap ba sa'kin kanina habang wala ako?"

"Wala naman Inspector," sagot nito.

"Sigurado ka?" paniniguro niya dito. Kahit wala siya kanina ay sigurado siyang pumunta dito si Alexis para hanapin siya.

"Opo Inspector, pero nakita ko kanina si Alexis kausap si Inspector Sandoval,"

"Si Matt?"

"Yes Inspector and nakita ko rin na sabay silang lumabas."

"Gan'on ba? Sige salamat."

Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang makalabas siya ng presinto. Alam niyang hindi na niya naabutan si Alexis kaya nagpasya siyang tawangan si Matt, but he's out of coverage area.

He tried to dialed Matt's number
but he failed. He heaved a sigh and brush his finger through his hair out of frustration.

ALEXIS
"Sandali nasaan tayo?" may pangamba sa boses na tanong niya ng ihinto ng lalaki ang sasakyan sa isang abandonadong gusali.

Natatakot siya hindi para sa sarili kundi sa mga batang akala niya ay maililigtas na niya. Kung siya lang ay kaya niyang pangalagaan ang sarili, ngunit paano ang mga bata?

Wala si Matt para iligtas sila. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi siya dapat panghinaan ng loob kailangan niyang mag-isip ng paraan.

"This would be exciting, 'wag ka matakot."

"Pero nasaan ba kasi tayo?"

"Basta follow me," anito nang nakangisi. "Oh! Wait, this would be more exciting kung may thrill, " dagdag pa nito at naglabas ng panyo mula sa bulsa.

Alam na niya ang susunod na gagawin nito kaya pinigil niyang huminga. Pumikit siya at nagkunwaring nakatulog ng ilagay nito ang panyo sa ilong niya. Her nostril holed bigger after the smell of infused handkerchief and combination of smoke of incense and cigarette that came from Dan's hand entered her nose.

Naramdaman niyang binuhat siya nito. Ilang hakbang din bago siya nito binaba. Narinig niya pa ang langitngit ng pinto na binuksan nito bago siya binaba.

Nakarinig siya ng sigawan at iyakan sa loob ng kwarto kung saan siya nito dinala. Sigurado siyang iyon ang mga batang dinukot ng lalaki.

"Wag kayong maingay!" sigaw nito. "Magsaya kayo dahil malapit na kayong makumpleto," anito bago pabalibag na sinara ang pinto.

Idinilat niya ang mga mata nang masiguradong nakalabas na ito. Kitang-kita niya ang pagtataka sa mukha ng mga bata habang nakatingin sa kanya.

"Gising ka," ani ng isa sa mga ito.
Nakilala niya ang itsura nito. Hindi siya maaring magkamali ito si Daphne, ang dalagitang hinahanap niya. Bahagyang magulo lang ang buhok nito at madungis ang itsura pero hindi pa rin naitago ang tunay nitong ganda.

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now