Case 047: Drug Raid 👮

103 6 9
                                    

                                     "Task"

MATT
A day before the operation, Chief Asaytuno decided to sent him and his team to the place where their informant say where RDV's hiding. Isa iyong restau-bar. Like any other restau-bar, they serves food and drinks. But when the midnight strikes, the restau-bar turned into a place where can you buy and sell drugs.

The restau-bar is not open for everyone, ang mga "regular costumer" lang ang pwedeng pumasok roon.

"May membership ba sila dito?" tanong ng isa sa mga kasama niya, si SPO2 Khalel Ferrer.

"Wala, pero alam ko may secret code sila dito alam ko," sagot niya na nakatuon ang tingin sa guard sa labas ng resto-bar.

"Secret code?" Khalel furrowed his brows.

"At ano naman ang secret code na iyon?" tanong ni Von, na kasama rin nila. Isa ito sa mga bagong member ng team niya at kasalukuyang PO1 pa lamang.

Tatlo silang pinadala ng kanilang Chief para sa misyong pagkakabit ng mga camera sa loob at labas ng paligid.

"Iyon ang dapat nating alamin," sagot niya at nakipila sa mga customer sa labas.

"Anong gagawin natin dito?" nag-aalalang tanong ni Von at nagpalunga-linga sa paligid.

"Keep your eyes on him." Tinuro niya sa guard. "And ears on them." At tinuro naman niya ang mga customers.

"Anong ibig mong sabihin?" pabulong na tanong nito.

"We need to study their answers. Dapat tama ang sagot natin sa itatanong niya," si Khalel na sumagot kay Von nang makuha nito ang ibig niyang sabihin.

"Pero paano kung magkamali tayo?" may pag-aalalang tanong ni Von.

"Hindi ka nila papapasukin," simpleng sagot naman ni Khalel.

"Hindi papapasukin?"

"Oo, kasi ibig sabihin, 'di mo alam ang transactions sa loob. Ibig-sabihin hindi ka drug user."

"Tsk! So we are drug users for tonight?" natatawang komento ni Von.

"Gan'on na nga!" natatawa ring sagot ni Khalel.

"Eh, paano natin malalaman ang sagot?" patuloy sa pagtanong si Von. He seems so clueless.

"We have to look for their common denominators."

"Common denominator ng mga sagot nila?" pagkumpirma ni Von

"Yes, tara dito ka sa unahan ko."

"Teka bakit ako ang mauuna?" Hindi na nakapalag si Von nang hilahin ito ni Khalel sa harap.

"Twelve?" tanong ng guard sa isang lalaki sa harap nila.

"Six," sagot ng lalaki at pinayagan itong makapasok ng guard.

"Six?" tanong sa kasunod.

"Three."

"Nine?"

"Four."

"Madali lang pala hahanapin mo lang ang kalahati ng number ng tanong."

"No, hindi gan'on Von," Khalel answered. "Hindi naman four ang kalahati ng nine."

Dalawang lalaki na lang ang nasa harap at si Von na ang kasunod.

"Eh ano?"

Hindi niya nasagot ito nang umusad ang pila.

"Twelve?" pagpapatuloy pa ng gwardya.

"Six," sagot ng lalaki.

"Ten?" tanong ng guard sa lalaking nasa harapan ni Von pagkatapos nito ay si Von na ang kasunod.

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now