Case 053: Delinquent 👮

109 5 2
                                    

             "Intimidation Technique"

ALEXIS
Pagkagaling opisina ng property custodian na si Mrs. Imelda ay dumiretso siya kay Mrs. Adora na naghihintay sa kanya sa faculty room. "Mrs. Adora,"

"Alexis!" Sinalubong naman siya nito at pinapasok sa loob.

"Any update with the case?" the teacher asked and wait patiently to her answer.

"Wala pa nga po eh, I'm still connecting the dots and honestly, I can't find the answer po eh!" pang-amin niya dito.

"It's okay take your time Alexis," anito at bahagya pang tinapik ang balikat niya.

"Ah...ma'am, pwede ko na po ba kayong interviewhin?"

"Sure, sige."

Binuksan niya ang recorder at ginala ang paningin sa paligid. "Ma'am, so you're the first one to find the body po?"

"Yes," diretsong sagot nito.

"Ano pong dahilan para pumasok kayo sa kwarto ng estudyante n'yo?"

"I saw his post last night, nag iinom na naman siya. Kahit pagbawalan namin sila may mga estudyante talagang matigas ang ulo tulad ni Fritz, ang pakiusap ko sana sa kanila wag naman dito sa school premises. Napuno na ako so, I went to his room to confront him."

Tumango siya nang marinig ang paliwanag nito. "Did you find any strange things inside Fritz room po ng pumasok kayo?"

"Wala naman."

"Ma'am halos lahat ng nakausap ko, sinasabi na medyo hindi maganda ang ugali ni Fritz, as his adviser po pinapayuhan ny'o ba si Fritz?"

"Of course, pero syempre dahil sa dami rin ng estudyante ko hindi ko naman talaga sila nababantayan lahat. Pero kahit gan'on alam 'kong mabait na bata si Fritz. Kulang lang talaga siya sa atensyon at pang-uunawa."

"Ma'am, bakit hindi n'yo po agad ni-report sa amin 'yong nangyari. Kagabi pa po namatay si Fritz at hinayaan lang po siya doon?"

"I consulted the accident in the school administration. Sinabi nila na hindi pwedeng may makaalam ng nangyari sa labas kaya hindi ko na-report sa mga pulis. Ayaw din naming maalarma ang mga estudyante. Actually pinag-isipan namin magdamag kung anong dapat naming gawin and we heard about your agency nga kaya doon kami kumonsulta."

"Gan'on po ba?"

"Oo, hindi rin namin ginalaw ang katawan niya dahil nga alam naming may ebidensya doon."

"Pero kayo po ang nagpatay ng shower?"

"Oo, sabi nga nila wag 'kong patayin, pero naawa naman ako sa kalagyan ni Fritz kaya gumamit na lang ako ng gloves."

She heaved a sigh, may mga malilit na butas siyang nakikita. Maari ring nilinis muna nito ang crime scene kaya hindi agad nagsumbong. But she doesn't have any documents to support it.

ALEJANDRO
Ilang linggo na ang lumipas at ilang linggo na rin siyang umaasa na makakuha ng lead kung nasaan si RDV. Pero pigain man niya ang sarili ay wala siyang makuha.

Napaangat siya ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Pumasok si Matt at naupo sa harap niya. Kahapon lang ito makalabas ng hospital at ngayon lang nakapasok sa presinto. Siya agad ang una nitong pinuntuhan.

"Alejandro," simula nito.

He really feel disappointed pero ayaw naman niyang sisihin ang kaibigan.

"Nakalabas ka na pala?"

"Oo, kahapon lang," sagot nito. May cast ang kaliwang braso nito at may benda rin ang noo. "Alejandro I'm sorry kung..."

"Don't blame yourself Matt, lahat naman tayo may pagkakamali," pinutol niya ang sasabihin nito. Wala naman itong kasalanan sa mga nangyari. Alam niyang ginawa nito ang lahat ng makakaya. Pero hindi pa nga siguro ito ang tamang oras ni RDV.

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now