Case 037: Cybercrime 👮

84 6 16
                                    

                                   "Note"

ALEJANDRO
Tulad ng napag-usapan nila ni Alexis, ay nagpasya siyang samahan ito upang tugisin ang salarin sa magkakasunod-sunod na pagkawala ng mga kabataang babae. Sa una ay hindi siya sang-ayon sa plano dito pero alam niyang may punto ang dalaga sa pagkakataong ito.

Naghahanda siya sa pag-alis nang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang kababata, ang anak ni Warden Dominguez na si Jhana. Ngayon ang alis nito patungong america. Napagpasyahan nito na doon na lang manirahan kasama ang ilang malapit na kamag-anak. Katulad niya, mag-isa na rin lang ito ngayong pumanaw na ang ama.

"Jhana?"

"Al!" namamaos pa rin ang boses nito marahil gawa ng labis na pag-iyak. Ilang linggo na ang nakalipas nang mamatay ang Warden ngunit alam niyang 'di sapat ang maiksing panahon na iyon para sa dalaga na kalimutan ang lahat.

"Jhana, bakit napatawag ka?"

"May ginagawa ka ba ngayon Alejandro?"

Tumingin sia sa relong pambisig.
Alas singko ang oras na napag-usapan nila ni Alexis. May isang oras pa bago dumating ang napag-usapan nilang oras. "Wala pa naman, bakit Jhana?"

"Pwede ba tayong magkita bago ko umalis? May importante lang akong ibibigay sa'yo Alejandro."

"What it is?"

"Sulat ni Papa para sa'yo. Nakita ko sa mga gamit niya habang naglilipit ako sa office niya kahapon."

"Sige Jhana, nasaan ka ba ngayon? Magkita tayo."

"N'andito pa ako  sa hotel suite ko Alejandro."

"Okay, I'll be there in a ten minutes, hintayin mo'ko Jhana." Nagmamadali ang hakbang niyang tinungo ang kinapaparadahan ng motor niya.

He needs to read that letter, whatever written on it, he was sure that warden Dominguez left a warning.

ALEXIS
She's walking back and forth on her office. Kanina pa rin siya walang tigil sa pagtingin sa relong nakasabit sa dingding. Trenta minutos nakalipas ang alas cuatro pero wala pa rin si Alejandro.

Alas singko naman ang usapan nila pero kilala niya ang binata na mas maaga kung kumikilos. Kaya nagtataka siya kung bakit wala pa ito. Paglipas ng ilan pang minuto ay nagpasya na siyang matungo sa pulisya. Siya na mismo ang susundo rito. Nang makarating siya sa presinto ay wala roon ang pakay. Naabutan niya si Matt na may kausap sa front desk. Hinintay niyang umalis ang kausap nito bago lumapit dito.

"Alexis, n'andito ka pala?" ngumiti ito sa kanya.

"Itatanong ko lang kung n'andito si Inspector Garcia?"

"Ah...si Alejandro wala siya. Bakit?"

"Gan'on ba?" Napayukong sagot niya.

"Bakit Alexis? I know you wouldn't come here if it's not important. Wala siya, but maybe I can help."

Nagdalawang isip pa siya kung sasabihin dito ang pakay. Pero kailangan niya ng back-up. Kung hindi pa darating si Alejandro ay mauubusan na siya ng oras. Mapagkakatiwalaan din naman si Matt. "Narinig mo ba 'yong balita tungkol sa mga nawawalang dalagita?"

Nangunot ang noo nito na tila nag-isip bago sumagot. "Yeah, maraming ganyang kasong na-report dito sa mga nakalipas na araw."

"Iyon na nga, may hinala kami ni Alejandro na iisa lang ang may hawak sa kanila."

Luminga-linga sa paligid si Matt at bumulong sa kanya. "Sigurado ka ba?"

"Hindi pa, kaya ayon nga sana ang aalamin namin ngayon," paliwanag niya.

The Culprit  (UNDER REVISION)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora