Case 042: Accomplice 👮

116 5 8
                                    

                    "Freeze to death"

ALEXIS
Patuloy ang buhay para kay Alexis. Hindi siya pwedeng magpatalo sa nakaraan. Paano na lamang ang nobyo niya na nangangailangan ng hustisya? Hindi pwedeng habang buhay na lang siyang magmukmok at magpatalo sa takot.

Kahit nananakit pa ang katawan ay pinilit niyang bumangon sa kama. Tinanggal niya ang dextrose na nakakabit sa kanya. Huminga siya ng malalim bago at dahan-dahang humakbang patungo ng banyo.

Tumapat siya sa dutsa, sa lamig ng tubig ay nagising ang diwa niya. Ito nga marahil ang dapat niyang gawin; ang magising sa katotohanan at harapin ito.

She took a quick shower and dressed up. Buti na lang pala ay may dinalang panlakad na damit sa kanya si Ena. Iyon siguro ang inihanda nitong susuotin niya sa pag-discharge niya sa makalawa, pero nagpasya siyang na ngayon na lumabas ng ospital. Hindi na siya dapat pang magsayang ng araw na walang ginagawa. She wanted to keep herself busy, para naman makalimutan ang mga bahay na bumabagabag sa kanya.

Nagulat siya ng bumukas ang pinto. Pumasok ang nagtatakang si Alejandro.

"Bakit nakabihis ka, where are you going?" he asked as he put the basket of fruits in the bedside table.

Sa tatlong araw na pamamalagi niya sa oospital ay lagi siya nitong dinadalaw. At sa tuwing dadalaw ito ay palaging may dalang prutas at pagkain para sa kanya. Nangangamoy prutas na nga ang silid niya. Surprisingly, Alejandro can be caring and gentleman in times like this. Kailangan niya pa palang maaksidente para ituring din siya nitong babae.

"N'andito ka na naman, wala ka bang ginagawa?" imbes na sagutin ito ay nagtanong rin siya. It's he defense mechanism to cover up her uneasiness. Kinikilig kasi siya sa mga gawi nito nang mga nagdaang araw. Yes, he didn't say any sweet words to her but she appreciate his presence.

"Why, don't you want me to visit you?" balik tanong nito sa kanya.

Napansin rin niya sa tatlong araw na nakalipas ay hindi ito "nagtataray" sa kanya. Maybe he feel guilty on what happen to her.

"Hindi naman sa gan'on, naisip ko na lang na baka nakakaabala na ako sa'yo," she lied.

Actually, she don't care if she disturb him, his work—she's use to it. She often disturb him kahit na wala siyang sakit. Kahit nga sa mga maliliit na bagay ay iniistorbo niya ito. The fact is...it's just her ploy to cover up what she truly feel.

She feel uncomfortable that Alejandro give her too much attention. She knows that he's only doing that because he felt responsible on what happened to her, but a little part of her can't help but to assume something.

"I can manage my schedule," he answered.

Napailing na lang siya at hindi nagkomento. Itinuloy niya ang pagsusuklay ng buhok na ilang araw nang hindi nakatikim ng paligo.

"Sandali lang, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ka nakabihis at saan ka pupunta?"

"I'm bored ayaw 'kong tumunganga dito," sagot niya habang abala pa rin sa pagsusuklay ng buhok.

"Pero sa makalawa ka pa dapat madi-dis-charge sabi ng doctor mo."

"Magaling na ako, kaya ko ang sarili ko!" may diing sagot niya sa lalaki.

"Can't you wait for another two days?" he said with a furrowed brows.

"Mas lalo lang ako magkakasakit kung nakahiga ako palagi rito."

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" anito sa himig na pagsuko.

Nilingon niya ito at ngumisi bago sumagot. "Kasi nagmana ako sa'yo!"

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now