Case 054: Positive 👮

135 5 3
                                    

                                   "Oplan"

ALEJANDRO
GENERALS mandated an order to every precinct in the Capitol to conduct a "Oplan Halughog" Isinasagawa iyon upang malinis ang mga selda at matigil kung meron mang transakyon ang mga preso sa loob sa mga kakilala ng mga ito sa labas.

Taon-taon itong isinagawa, tinawag itong "Oplan halughog dahil hinagalughog nila ang lahat ng kasulok-sulukan ng selda. Kung kinakailangan pahubarin lang mga preso ay ginagawa nila makasiguro lang na walang iniipit na droga ang mga ito.

Ang mga nahulihan ng droga ay sasalang sa interogasyon. Paaminin nila ang mga ito kung meron bang kasabwat na taga-labas. Ang iba at nagagawa pa ring tumanggi kahit nahuli na pero hindi sila tumitigil hanggat hindi napapasagot ang mga ito.

Isa iyon sa pinakamahirap na trabaho para sa mga pulis. But it's also one of the fulfilling task kapag natapos naman nila.

"Maging mahigpit kayo, 'wag kayong magpapakita ng awa. Halughugin lang bawat sulok ng selda lalo na yung mga kahina-hinala, maliwanag ba?" Chief Asaytuno give instructions to them. Pinatawag sila nitong lahat isang oras bago magsimula ang "Oplan Halughog"

"Yes Chief Copy!" sabay-sabay na sagot ng lahat.

"Sandoval, Santiago and Garcia, kayong tatlo sa Sittio Ibarra naka-assign. Martinez, Romero Lopez, kayo ang maiiwan dito sa Capitol. Naiintindihan n'yo ba?"

"Yes Chief!" sabay-sabay ulit na sagot nila.

"Sige na mag-umpisa na!" the chief clasped Hus hand on the air as he give signal to his underlings.

Sabay-sabay pa rin silang tumayo at lumabas ng conference room. Nauna siya sa paglalakad at naramdaman naman niyang sumunod ang dalawa sa kanya. Ang mga tao nila at naghihintay na sa labas. Sakay ng hindi mabilang na police patrol ay nagpunta sila sa Sittio.

Ingay ang sumalubong sa kanila ng makapasok ng kulungan. Sinalubong naman sila ng bagong warrden na si Warden Corpus; ang pumalit sa namatay na warden na si Warden Dominguez.

Then new warden escorted them inside. Inuna nila ang selda ng may mga kasong drug-related cases. Pinapila nila ang mga preso at isa-isang kinapkapan.

"Hubarin mo 'yan!" utos ni Ivan sa isang preso may suot na maong na jacket.

Kinuha ito iyon at dinukot ang mga bulsa upang masiguro ay pinagpag pa nito ang jacket pero wala namang nakuha kahit na anong laman bukod sa filter ng sigarilyo at balat ng chichirya.

"Next!" malakas na sigaw ni Ivan. Nataranta naman lang presong kasunod at hinakbang ang pagitan sa pulis.

Kinapkap nito ang bulsa at damit ng preso at pinatalon pa para makasiguro. Natapos ang isang hanay at ang kasunod naman ang pinapila nila.

Isang presong malaki ang katawan at puno ng tattoo ang nasa unahan ng linya. Ayaw man niyang husgahan ito pero mukhang hindi ito mapag-kakatiwalaan. Wala namang nakuhang droga dito but he decided na ipa-drug-test ito. Hindi siya naniniwala na hindi ito gumagamit ng droga. Bukod kasi ang mukha itong sanggano ay namumula ang mga mata nito at halatang kagagaling lang sa paggamit ng droga.

Isang payat na preso ang nasa hulihan ng pila na nakuhanan nila ng droga na inipit pa nito sa pang-ilalim na salawal. Napag-alaman nilang Tirso Romulo ang pangalan nito at tatlong taon nang nakakulong. Umamin ito na gumagamit ng droga at kumukuha siya sa isang presong nangangalang Rustom Agustin.

After checking the prison's body ay ang selda naman ng mga ito ang hinalughog nila. Isa-isa nilang tinaggal lang mga karton na nakalatag sa sahig na nagsisilbing tulungan ng mga ito.
Pagkatapos ay ang mga damit at bag na naroon. Wala na naman silang nakuha kaya nagpasaya silang lumabas na ng selda.

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now