Case 048: Drug Raid 👮

102 5 7
                                    

                             "Special Menu"

ALEJANDRO
Nang makarating sa presinto nila Matt ay magdamag nilang pinag-aralan ang mga lugar. Maayos namang nailagay nila Matt ang cameras, now he's sure they can monitor the whole place.

Pinag-aralan din niya ang bawat kilos galaw at inalam ang mga taong namamahala sa nasabing restau-bar. Halos wala siyang tulog at magdamag na nakatutok ang mga mata sa monitor ng computer. Hinihintay niyang masilayan si RDV, ngunit inabot na ulit siya ng umaga na hindi ito nakita sa screen. He yawned, inaantok na siya pero parang ayaw pumikit ng mga mata niya. Nagulat siya nang may biglang naglapag ng cup ng kape sa mesa niya.

"Para hindi ka antukin," ani ng boses na may ari ng kamay.

He lift up his head to look at Matt. "Thanks," he muttered and returned his gaze to the screen.

"N'ong nagpunta kayo d'on kahapon, hindi mo man lang ba nasilayan si RDV?" he asked Matt but he didn't bother to look at him. His eyes were fix on the screen.

"Nope," sagot nito at humigop din ng kape. "Pero narinig kong usapan d'on ay every saturday nights daw kung magpakita ang may-ari ng bar, which is RDV nga."

Saturday night? Ngayon ay araw ng huwebes at bukas ay biyernes pagkatapos ay sabado na. May dalawang araw pa sila para makapaghanda.

"Sinabi na ba ni Chief kung kailan ang operasyon?" tanong niya, this time ay tumingin siya sa kaharap. Gusto niyang malaman ang sagot at narinig mula dito. Alam niyang 'di basta-basta kumikilos ang chief nila pero kung hindi pa sila kikilos sa sabado, hindi niya alam kung makapag-hihintay pa siya ng isa pang linggo.

"I told him that RDV appear on the club every saturday nights. And I was shocked with his reply... sinabi niyang sa sabado na rin ang opersayon."

"Talaga?" nagtatakang tanong niya.

"Yes, I'm also shocked Alejandro knowing Chief, hindi siya agad-agad sumusugod sa giyera nang walang sapat na bala kaya nagulat din ako sa sinabi niya." Huminga nang malilim si Matt bago nagpatuloy. "Maybe he just want to be alert dahil mahirap na na matukoy ni RDV na may lead na ang mga pulis. Isa pa, ang tagal na ring naghintay si Chief."

Napatango siya at hindi nagkomento. Binalik niya ang atensyon sa computer. Kung ano man ang dahilan ng kabilang chief, it's not important. Ang importante konting araw na lang ang hihintayin niya.

"Ikaw Alejandro anong plano mo?" out of nowhere ay tanong ni Matt

"Anong ibig mong sabihin?" sagot niya at muling tumingin kay Matt. He already have an idea what he's talking about but he have to confirm it.

Matt tapped his shoulder. "Kilala kita Alejandro, alam 'kong hindi ka papayag na hindi umaksyon."

He heaved a deep breath bago ito sinagot. Sinalubong ng mata niya ang mga mata nito. "Matt listen to me... tama ka, n'ong una nainis ako kay Chief nang sabihin niyang hindi ako pwedeng sumama. Pero napag-isip-isip 'kong maiwan na lang dito."

Matt looked at him with disbelief parang hindi ito makapaniwala sa sinasabi niya. Pero nakapag-isip-isip na siya. Tama ang chief nila. Ang maling desisyon at padalos-dalos na pagkilos ang madalas magpahamak sa kanya.

"Matt, I trust you, please fill my absence. Wala man ako r'on, I will make sure na mahuhuli mo siya. I maybe not there to catch him myself but I will be your eyes and ear for the whole time Matt. Ipaparating ko sa'yo ang lahat ng kilos at galaw niya. Sisiguraduhin 'kong sa pagkakataon na ito ay 'di na siya makakataas."

"Hindi ba gusto mong ikaw mismo ang humuli sa kanya?"

"It doesn't matter who will catch him_ what matter most is to catch him and bring him to jail."

The Culprit  (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now