Case 023: Tattoo Brothers 👮

183 14 32
                                    

"Tattoo Brothers"

ALEJANDRO
Nang gabing 'yon ay madali silang nagtungo sa lugar kung nasaan ang pakay, ang Tattoo Brothers. Madali namang nahanap nila ang bagong kuta ng mga ito. Isa iyong apartment sa isang dulong barangay sa Capitol. Matagal na ring pinag-aaralan ng pulisya ang kaso ng magkakapatid pero dahil na kay RDV ang atensyon nila ay hindi nila ito masyadong nabigyan ng pansin.

Ang Tattoo Brothers ay ang magkakapatid na Rolando Sombreno, alyas Lando, Christian Sombreno o mas kilala sa tawag na Chris at Patrick Sombreno na kilala sa tawag na Rick. Sila ang pinagkukunan ng mga droga sa loob at labas ng baranggay at sa mga kalapit baryo nito.

The worst thing about it, they use children as their carrier. Binabayaran lang ng mga ito ang mga bata sa halagang dalawa hanggang limang piso.

Tumunog ang pager niya at kinuha niya iyon. "Inspector Garcia?"

"Chief?"

"Ngayon na!" Binaba niya ang pager at kinabit ang sa suot na pantalon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya nago lumabas. Hindi pa man nakarating sa opisina ng hepe ay nasalubong na niya ito.

"Nasaan ang mga tao mo? Bakit hindi pa kayo kumikilos?" base sa tono ng pananalita nito ay alam niyang mainit na naman ang ulo nito. Kahit minsan hindi niya sinasuway ang utos ng kanyang hepe, but this time he knew he needs to break some rule.

"Chief...."

"Wag mong sabihing susuwayin mo ako?" nakita niyang lumabas ang litid sa noo at leeg nito. Mahinahon naman ang boses pero bakas roon ang tensyon. Ilang beses na rin niya kasing nabigo ito.

Ang padalos-dalos na aksyon ang nagpapahamak sa kanya na siyang lagi niyang ginagawa at mariing tinututulan nito. Pero ngayon ay baligtad yata ang sitwasyon dahil siya naman ang kumukontra sa desisyon nito.

"But we need to wait---"

"At kailan ka pa natutong maghintay?"

"Ngayon-ngayon lang Chief," halos sapakin siya ng hepe sa sagot niya. Halatang pinipigilan lang nito ang sarili. Hindi niya niya rin namamalayan ay nahahawa na siya kay Alexis at natututong sumagot.

"Chief, makinig kayo sa'kin, hindi natin sila pwedeng basta-basta patayin."

"Pero tama si General Lambert, kung ito lang ang paraan na matigil ang droga bakit hindi?" mismong ang anak rin kasi nito ay hindi na rin nakaligtas sa droga at ayon sa nakalap nilang balita ang magkakapatid na Sombreno ang supplier na anak nito. Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng hepe na mahuli na ang mga ito.

This is what he hated most, when their emotions is involved. Emotions can poison anyone judgment. Even his chief-even his own.

"Paano kung hindi lang sila?" He's pacing back and forth as he try to explain to his chief what on his mind. "Paano kung meron pang iba? Mga tao sa likod nila."

With gritting teeth, is chef his a fist and punch the wall. Alam niyang nabibigla lang ito sa mga padalos-dalos na desisyon. Sa mga ganitong paraan kaya sila natatalo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita."Gawin mo kung ano sa tingin mo ang makakabuti." Tinignan siya nito mata sa mata na para bang sinasabi na isang maling galaw lang matatapos ang lahat. Isang marahan na pagtango ang sinagot niya sa hepe.

ALEXIS
Kailangan nilang makilala ang isa't isa bilang mag-asawa, well...that's according to Katherine, na hindi niya alam kung hinahaluaan na ng iba ang trabaho nila. Kanina pa siya nakikinig lang sa suhestiyon ng mga ito.

The Culprit  (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon