Subok

1.2K 32 2
                                    

Ilang linggo na rin kami naka uwi sa Pinas. Panay double date naman kami ni Miguel kasama ang dalawang asungot na si Deana at Jema. Pang pa good vibes lang naman kasi sobrang napagod kami sa training at laro namin sa Thailand.

Mga asungot talaga kasi hindi talaga kami nakapag alone time ni Miguel dahil sa kanila.

Nung una hindi ko matantu kung bakit sama ng sama ang dalawa sa amin. Hindi rin naman ako maka hindi sa kanila. Sobrang bait ko kasi, kaya ito si Miguel kahit bad trip na, todo smile pa rin. Syempre takot yun sa akin kaya sunud sunuran din siya.

Napag desisyunan namin ni Miguel na isama sila mag beach. Total naman lagi rin sila sumama kaya naglaan na lang kami ng time para sa aming apat. Naisipan din ni Miguel na gawin yun sa probinsya kung saan hindi kami masyadong kilala para naman makapag alone time kami, pati sina Jema at Deana. Way na rin namin yun para hindi kami maissue ni Miguel. Alam niyo naman may mga tao talagang kikitid ng mga utak. Baka may maisyuhan kami ng kung ano-ano. 

Guys. Isang kwarto lang yung pinareserve ko. Sabi ni Miguel sa amin. Dalawa ang kama. Queen size naman kaya kakasya na tayong apat. Ngiti niyang balita sa amin ng makarating na kami ni resort.

Okay guys. Kanya kanya tayo ng trip pag nandito tayo. Sabi ko. You can do your thing and we can do ours.  Napa-akbay naman si Jema sa akin sa tuwa.

Salamat Ji. Ngiti ni Jema ng nakakaloka.

Basta guys. Nasa kwarto na tayo before dumilim. Sabi naman ni Miguel. Sabay na tayo mag dinner. I dont want you two to deal with guys pag gabe, lalo na sa mga lasing. Naku lapitin pa naman ni Jema sa disgrasya. Sabi pa nito sabay smirk kay Jema.

Ako lang ba? Sabi nito sabay nguso sa akin.

Wait ha. Sabi ko naman. Sino ba sa atin ang may stalker ha?

Natawa naman kaming tatlo. Bigla ko na rin napansin ang sobrang katahimikan ni Deana.

Oy Dean? Okay ka pa ba? Pag-alala kong tanong ng makita ko siyang tulala.

Agad din hinawakan ni Jema ang kamay niya. Ano ba ang problema ha? Takang tanong ni Jema.

Wala 'to. Nakangiting sagot ni Deana. Napagod lang siguro sa byahe.

Ningitian ko rin siya at inabot ang susi ng kwarto namin. Buti pa ipahinga niyo muna yan. Sabi ko sa kanila. Maglilibot lang kami ni Miguel. Sabi ko at hinawakan din kamay ni Migs kaya napangiti siya sa akin.

Sige, kami na bahala sa mga gamit niyo. Sabi ni Jema sabay kuha ng maleta ko. Enjoy muna kayo. Ngiti nitong sabi.

Salamat. Masosolo na rin kita sa wakas. Masayang wika ni Miguel kaya napatawa na lang kami ni Jema.

.....

Namasyal kami ni Miguel. At sa unang pagkakataon ay nagkaroon kami ng matinong date. Walang third wheel, fourt at fifth.

Pagabi na ng naisipan naming hanapin sina Jema para makapag hapunan na rin.

Ji. Andun sila hu. Sabi naman ni Miguel sa akin at hinila na ako palapit sa kanila.

Napaatras na lang kami ng makita naming may mga taong nagpapapicture dun kay Deana. Naku fans yata ng Ateneo kaya nagtago na kami ni Miguel malapit sa kanila.

Narinig kung may mga itinatanong yung mga grupo ng kababaehan kay Deana. Mga apat yata sila at nakapalibot sila kina Jema at Deana. Napabitaw si Deana sa pagkahawak ni Jema kaya bahagyang lumayo si Jema kay Deana para makapag papicture yung mga fans na yun kay Deana,

Idol!!! Tili ng isang babae. Salamat sa papicture. Sabi nito at napatingin sa gawi ni Jema. You are Jessica Galanza of Adamson right? Sabi nito. Ang ganda mo sa personal, pwede papicture din. Agad naman nagpaunlak si Jema.

Thank you talaga mga idol. Sabi naman ng isang babae sabay hug. talagang tuwang tuwa kay Deana.

Hindi na kami ni Miguel nag dare lumapit kasi ayaw ko magulo kami. Nagtext lang ako kay Jema kung saan kami mag didiner at dahan dahang aalis na sana ng may pumukaw sa akin.

Anong meron sa inyong dalawa? Takang tanong ng isang babae, sabay irap ng mata niya kay Jema. Are you together? Suyang tanong nito kay Deana. Pinipigilan naman siya ng mga kasama niya pero nagpumiglas siya at hinarap si Jema. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa.

Natahimik lang si Deana habang minamalditahan ng babaeng yun si Jema. Parang tatakbo na ako papunta sa kanila kaso pinigilan na ako ni Miguel.

Ano idol? Ano mo ba ang babaeng ito. Sabay duro ng babae kay Jema. Tahimik lang si Jema habang naghihintay ng sagot ni Deana.

Parang hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko. Alam kung gustong gusto ng patulan ni Jema ang babae pero pinigilan niya ang sarili niya kasi ayaw niyang masira si Deana sa mga fans nito.

Uhm. Rinig kong nag buntong hininga na si Deana. Naghihintay na ang lahat sa sagot niya.

Kaibigan ko lang yan. Pinilit niyang ngumiti sa mga babae.

Oh ayan na. nasagot na ni Idol ang tanong mo. Sabi naman ng isang babae at hinihila yung maldita niyang kasama. Halika na nga. nakakahiya ka na. Saway pa nito sa kanya.

Oo nga naman. Diing sabi ni Jema. Pinilit niya ding ngumiti. Magkaibigan lang kami. Sabi nito at pinagdilatan si Deana. 

Patay. Hindi na ito maganda. Bulong naman ni Miguel sa akin.

Lagot ka naman Deana Wong. Sabi ko na lang. Wrong move.

.....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now