Trip

1.2K 37 3
                                    

Kakarating lang namin ng Thailand pero itong si Jema kung mag drama wagas.

Hindi man lang nag rereply. Maktol nito sa isang sulok.

Ano ka ba? wala pa ngang 30 seconds tayo naka lapag dito sa Thailand hu. Saway ko sa kanya.

Hindi man lang ako namiss ni Deana. Sabi pa nito.

For heaven's sake Jessica Margarette, magtigil ka nga. Sabi ko dito at binatukan ko na siya. Ang drama mo.

Hinampas niya naman ako sa likod. Inggit ka lang! Sigaw pa nito sa akin at tumakbo palayo,

Hindi ko na rin hinabol, nakakahiya naman sa iba naming kasama kung maghahabolan pa kami dito sa Bangkok Airport.

Chat, tawag at video call ang inatupag ni Jema habang nasa byahe kami papuntang hotel namin. Walang oras na hindi sila magkausap ni Deana. 

Maya maya pa ay naririnig ko na siyang kumanta. Magkatabi lang kami sa bus kaya rinig ko lahat ng pinag-usapan nila ni Deana.

Ikaw na ang may sabi
Na ako'y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag- ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit
Sa tuwing ako'y lumalapit
Ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan
'Pag may kasama kang iba
'Di ba nila alam
Tayo'y nagsumpaan
Na ako'y sa iyo
At ika'y akin lamang
Kahit anong manyari
Ang pag- ibig ko'y sa'yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila'y
Ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang
Ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sayo at ika'y akin lamang
Oh...
Umasa kang magghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung 'di ka makita
Makikiusap kay Bathala
Na ika'y hanapin at sabihin
Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako'y sa iyo at ika'y akin lamang

Nakinig lang ako habang kinakantahan ni Jema si Deana. May pa aksyon aksyon pa. Parang timang pero ang sweet. Naalala ko dati, kinakantahan din ako ni Jema sa cellphone bago kami matulog. Dahil sa ganda ng boses niya ay nakatulog na nga ako sa byahe.

.....

Ji? Gising na. Nandito na yata tayo. Gising naman ni Jema ng makarating na kami ng hotel.

Aw. Reklamo ko dahil nakaramdam ako ng pangangalay sa leeg ko. Na stiff neck pa yata ako.

Tinawanan lang ako ni Jema. Magkahawak kamay kaming bumaba ng bus at naglakad patungong hotel namin. Magkahiwalay naman kami ng kwarto. Kay Ate Alyssa siya kasama ako naman kay Ate Mel at Denise. Sinadya rin yata ni Ate Ly na ihiwalay kaming dalawa baka kasi anong kalokohan naman ang maisipan naming gawin ni Jema.

Last time, nung nagtraining kami sa Batanggas napagtripan namin si Kyla. Nagsuot ba naman si Jema ng puting damit at tumayo sa pinaka madilim na bahagi ng hotel. at ako yung kasabwat niya sa pananakot. Kaya buong gabing nanginginig sa takot si Kyla.

Huwag niyo ng balakin na gumawa ng kalokohan. Sabi naman ni Ate ALyssa sa amin ng dumating kami sa hotel. Lalo ka na Jema. Babantayan na talaga kita.

Pinagtawanan ko naman si Jema kaya tinapunan niya ako ng bitbit niyang plastic bottle. Ate Ly hu. Sumbong ko kay Ate Alyssa ng matamaan ako ni Jema sa mukha.

Isa ka pa. Sabi naman ni ATe ALyssa sa akin. Pag uuntugin ko talaga kayo. Saway nito sa akin at napakamot na ako ng batok. This time si Jema naman ang tumawa.

Iwan niyo na kasi yang kalokohan niyo sa Pilipinas. Tawang tawang sabi ni Denise sa amin.

Wala naman akong maisip na kalokohan eh, si Jema lang talaga tung bad influence sa akin. Lagi akong nadadamay sa kanya.

Pagdating namin ng mga kwarto namin ay agad na kami nagpahinga. Pagod na rin ang lahat sa byahe kaya pinabukas na namin ang training.

Nasa magandang panaginip na ako ng biglang may narinig akong katok sa pintuan. Ji? May bumulong pa ng pangalan ko. Alam ko na kung kaninong galing yung boses na iyon. Kay Jema.

Dahan dahan ko namang binuksan ang pintuan at dumungaw sa akin si Jema. Ano ba ginagawa mo ha? Mapapagalitan na naman tayo nito eh. Reklamo ko sa kanya.

Wala masyadong signal dito. Sabi naman ni Jema.  I need to talk to Deana. Hindi kasi ako mapakali eh. Samahan mo lang ako please. Mapakaawa nito sabay pulupot sa braso ko.

Ano pa nga ba? Samahan lang kita. Sabi ko naman. Isang tawag lang balik na tayo sa mga kwarto natin ha.

Tumango naman ito at hinila na ako. Lumabas kami sa garden ng hotel sa rooftop para makasagap ng signal si Jema.

Naupo na ako sa isang upuan at napatitig sa ganda ng paligid. Napangiti na lang ako at napapikit, ninanamnam ang simoy ng hangin. 

Habang napasarap ang upo ko sa bench ay biglang napasigaw si Jema.

Ano yun?! Galit niyang tugon. Bakit may ganun ha?!

Narinig kong may sinabi si Deana pero hindi ko maintindihan.

Talaga?! Sabi ulit ni Jema na tila nanginginig sa galit. Harap harapan pa talaga Deana Wong!!!

Napatayo ako sa kinaupuan ko at lumapit sa kanya. Walang gamit na headseat si Jema sa Video call nila kaya narinig ko yung mga pinag-usapan nila.

Wala nga iyon eh. Lasing lang yun, Nasa party kasi kami. Paliwanag ni Deana kay Jema.

Next time na lang kita kakausapin. Inis na tugon ni Jema at inOff na ang Cell phone niya. Bigla naman siya napaluhod sa sahig at humagulgul sa iyak.

Para naman akong bato na hindi makakilos sa kinatayuan ko. Anong nangyari? Taka kong tanong.

Kaya pala kinabahan ako kanina pa. Sabi naman ni Jema habang umiiyak.

Ano nga yun? Tanong ko ulit.

Nakita kong hinalikan ni Pauline si Deana. Sabi nito. Sa harap ko pa talaga Ji.

Magkatropa yung mga yun eh. Sabi ko naman. Mag ka batch kasi si Deana at Pauline kaya sila talaga yung sobrang close sa isa't-isa.

Bakit kailangan ganun yung pag halik niya? Sabi naman nito.

Give Deana a chance to explain Jem. For sure trip trip lang iyon. wala yung malisya. Defend ko naman kay Deana.

Sana nga tama ka Ji. Mahinahong sabi ni Jema at tinayo ang sarili niya. Balik na tayo sa mga kwarto natin. Plain nitong sabi. Kitang kita ang galit sa mga mata niya.

Hindi ko rin alam kung magagalit rin ako, o malulungkot sa nangyari, Pero isa lang ang alam ko, ayaw kong makita si Jema makitang nasasaktan. Subukan lang ni Deana na magloko talagang mata lang ang walang latay,

......


Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now