Lampasan

1.2K 37 3
                                    

Gabi na ng umuwi kami ni Jema sa bahay. Nag dinner na muna kami malapit sa high school namin bago kami nag bike pauwi.

Nang palapit na kami sa bahay may dalawang taong tilang naghihintay sa labas ng gate ng bahay namin.

Ji? Sino kaya ang mga yun? Tanong ni Jema sabay hinto ng bike niya kaya napahinto na rin ako.

Napatingin ako sa anino ng dalawang taong iyon. ANg tatangkad nila at ang titikas ng katawan.

Wait lang Jem. Lalapitan ko muna. Sabi ko. Sobrang dilim na kasi at hindi ko na maaninag kung sino ang mga taong iyon. 

Ji. Huwag kang lumapit. Ramdam ko masama yung mga yan. Sabi ni Jema sabay iwan ang bike sa akin at may kinuha sa tabi ng puno. Ito. gamitin natin baka may gawin sa atin yung mga yun, magandang handa tayo. Sabi nito sabay abot ng sanga ng puno sa akin. iniwan muna namin ang mga bike namin at tinayo sa tabi. Dahan dahang lumapit kami dun sa mga tao. nakatalikod sila sa amin kaya pinaghahampas namin sila ni Jema ng sangang napulot namin.

Aray!!!!! Sigaw ng parang lalaki ang boses at napaka familiar sa akin.

Ano ba naman Jema!!! Galit naman ng matangkad na tao kay Jema ng pinagsisipa siya nito.

Bea?! Gulat na sabi ni Jema ng maaninag niya na kung sino ang binugbog niya.

Kinuha ko naman ang sombrero ng taong hinampas ko at laking gulat ko ng makita ko si... Deana?

Aray naman guys? Killer ba kayo? Papatayin niyo ba kami ha? Inis na sabi ni Bea sa amin.

Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito? Taka kong tanong. Sobrang dilim na hu.

Eh kung binabasa niyo yung text ko, di sana nalaman niyong nandito na kami kanina pa? Sabi naman ni Bea.

Sorry na bei. Pa sweet naman ni Jema habang pumupulupot sa braso niya.

Akala ko ba tapos na kayo, bakit nag dedate date na naman kayo? Asar pa sa amin ni Bea.

Hoy ha. Binitawan ni Jema ang braso ni Bea at binatukan ito. Sira ulo. Napaka judgemental mo. Sabi ni Jema at inirapan si Bea. ANg cute niya talaga habang ginagawa niya yun kaya napangiti ako.

Tingnan mo yang si Jia. Tila kinikilig pa. Sabi naman ni Bea sa akin kaya hinampas ko siya ng bitbit kong sanga.

Tahimik lang si Deana habang nagkakagulo na kami.

Guys, Deana is here. Huwag kayong pahahalata. Inis pa ni Bea sa amin kaya sabay namin siya tinulak ni Jema at natumba na siya. Tawang tawa naman kami ni Jema sa nangyari at sabay naming inalayan si Bea patayo. Hai naku. basta magkasama kayo lagi akong talo. Reklamo pa nito.

.....

Nagpahinga na rin kami agad sa kwarto after naayos yung mga gamit namin. nagkasya naman kaming apat sa kwarto. Si Jema tumabi sa akin sa kama, si Bea napiling matulog sa folding bed, at si Deana naman ay pili kinasya ang sarili sa sofa sa kwarto.

Hindi ako nakatulog agad. tinititigan ko lang ang tulog na tulog na na si Jema. Napasmirk na lang ako. Nakakatuwa na kahit wala kami, parang meron dahil sa sobrang clingy nito sa akin. Kahit kailan hindi siya nagbago.

Naramdaman kung may gumalaw sa likod ko. kaya napalingon ako. Nakita kong tumayo si Deana at dahan dahang lumabas sa pintuan. Parang nakaramdam ako ng pagkaka-alala kaya sinundan ko na siya.

Dean? Tawag ko sa kanya ng makita ko siya naka tayo sa terrace.

Napalingon naman siya sa akin na naka kunot ang noo. Bakit ganun kayo ka close? May something ba sa inyo?

Mahabang kwento Dean, Sabi ko. Buti pa matulog ka na. Maaga pa tayo bukas. May Volleyball clinic kasi kaming pupuntahan sa dating school namin ni Jema.

May gusto ka rin ba kay Jema? Seryoso niyang sabi.

Kami ni Jema ay pinagtagpo lang pero hindi naka laan. Sabi ko. Inaamin kong may past kami pero sure din ako na wala kaming future.

Kaya ba ang dahilan kung bakit kita kailangan lamapasan dahil, may gusto din siya sa iyo? Naiiyak na sabi ni Deana 

Tama. Kailangan mo akong lamapasan para magkagusto siya sa iyo. Sabi ko. Kaya nga sabi ko sa iyo galingan mo. Maging best setter ka at magiging sayo siya. Sinubukan kong hawakan ang balikat ni Deana para patahanin siya pero winakli niya lang ako.

Huwag mo akong hawakan!!!! Sigaw niya sa akin. Lalampasan kita. gagawin ko ang lahat para matalo kita. Sabi nito at iniwan ako nakatayo dun sa terrace.

Napabuntong hininga na lang ako. Sana nga tama ang magiging decisyon kong tulungan tung taong ito para kay Jema.

....

Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon