Asa

1.2K 31 0
                                    

Sa pangalawang pagkakataon makakaharap na naman namin ang Adamson. Makikita ko naman si Jema.

Hi Jia? Bati ni Jema ng makita niya ako sa dug-out. Second game pa kami at naghihintay na matapos ang 1st game.

Oh, Bakit? Tanong ko sa kanya.

Bawal ka bang batiin. Sabi nito sabay smirk. Aray naman. Sabi niya pa sabay hawak ng dibdib niya.

Arte. Sabi ko sabay irap ng mata sa kanya.

Sungit! Tawang tawang sabi niya sa akin. 

Umalis ka nga! Taboy ko sa kanya. Hindi ako maka concentrate eh.

Oooohhhh. Sabi niya sabay pa cute. May tama ka pa rin sa akin. Esssss... Tukso niya pa.

Huwag ka nga. Pigil ko sa kanya sabay tulak sa kanya. Balik ka na sa team mo. 

Ay grabe siya. Reklamo nito. Para namang wala tayong pinagsamahan eh.

Inirapan ko lang siya.

Just remember this, Sabi niya sabay pakita ng Jersey number niya. Hanggang nasa akin pa tung number na 'to umaasa pa rin ako sa'yo.

Sira. Tipid kong sabi sabay tulak sa kanya palayo.

Tawang tawa naman siya dahil naghihilahan na kaming dalawa sa Dug-out. 

Parang mga bata. Sabi naman ni Denise ng maabutan niyang sinasabunutan ko na si Jema. napabitaw rin naman agad ako.

So. Ito na naman tayo? Sabi ni Bea. Aasa ng aasa. Pang asar niya sa amin ni Jema.

Yeah, Aasa at masaktan. Sabi naman ni Jema. Sanayan lang yan,

Shunga!!!!! Natulak ko na si Jema... Balik na dun kasi tatalunin kita.

Nagsmirk lang siya sa akin. Block mo muna ako. At bumalik na siya sa team niya.

Galing niyo namang magkunwari. Bulong ni Bea sa akin.

May mga bagay kasi na di na kailangang balikan Bei. Sabi ko sa kanya.

Naduduwag ka lang. Seryoso niyang tugon at iniwan akong nakatayo dun.

Tama nga si Bea, duwag ako. Si Jema na ang gumagawa ng paraan para mapalapit sa akin pero ito ako tinataboy siyang palayo. Ilang ulit ko pa ba masasaktan si Jema, pati ang sarili ko dahil lang naduwag akong panindigan siya?

.....

Gaya ng inaasahan natalo kami ng 3 sets. iwan ko ba sa lahat ng team sila talaga ang pinak mahirap talunin.

Nice game. Nakangising bati ni Jema sa akin habang kinakamayan ako after ng game. Bakit kasi kailangan pang mag shake hands eh. Lagi akong nakukuryente pag nahahawakan ako ni Jema.

Congrats. Sabi ko na lang sa kanya.

Nag wink pa siya sa akin bago ako binitawan. Parang tinutukso niya pa ako. Sira ulo talaga.

Bawi na lang next game. Sabi ni Miguel habang hinihintay akong lumabas sa court.

Salamat Migz. Sabi ko sabay yakap sa kanya.

Ehem. Sabi naman ni Bea. Excuse me po! Dagdag niya pa na parang nagpaparinig.

Chineck ko yung kabilang team, nakita kong nakakunot noong nakatitig sa akin si Jema. 

Shit! Nasabi ko sa sarili ko, parang may galit sa mukha ni Jema. Galit na matagal niya ng naitago sa loob loob niya.

Dali-dali siyang pumasok sa dug-out nila, at may balak sana akong habulin siya kaso napigilan ako ni Miguel. Huwag mong gawin yan Julia. Sabi niya.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Ano ba ang dapat kong gawin. Ang sama ko na talaga.

....

Lihim (Double J Tandem)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang