Tulong

1.2K 37 0
                                    

Balik Manila na kami after ng 5 days bakasyon naming sa hometown ko. Nag enjoy naman kami kaya ngayon training time na naman ulit.

Hindi pa naman magsisimula ang PVL kaya pinili kong magtraining kasama ang mga team mates ko sa Ateneo. Total naman iisa lang ang coach namin.

Buti naman at pinuntahan mo pa kami ditto. Nakabusangot na sabi sa akin ni Kim. Dapat kasi sabay tayo gagraduate. Ang daya mo naman.

Napakamot na lang ako sa batok. Kailangan na kasi. Sabi ko. Alam niyo na kailangan ko na rin mag training sa National team this year. Baka kasi magka conflict pa mga schedule ko. Paliwanag ko.

Dinamay lang naman kasi ako ni ate Alyssa sa line-up ng National team kahit hindi naman ako nag try-outs doon. Hindi naman ako ang first setter kundi si Fajardo ng La Salle kaya hindi rin ako gaanong pressured.

Nag lelevel-up nap o kasi ang kaibigan natin kim. Sabi ni Bea sabay akbay sa akin. Nakakaloka din ang tawa niya. Pang-asar. At ngayong iniwan mon a kami, kailangan mo iyang turuan, Sabay turo kay Deana. Alam mob a dahil sa biglaan mong pag-alis, kulang kami sa tao. Si Deana lang po yung nag-iisang setter. Sabi nito kaya nilapitan ko si Deana.

Dean. Tawag pansin ko sa kanya. One on one tayo. Nakita kong malungkot siya kaya hinila ko na siya palayo. Ayaw ko kasing iparinig kay Bea ang pag-uusapan namin. Siguro kasing mag-iingay yun.

Kakayanin ko ba ito 'Te? Sabi nya na parang naiiyak. Para kasi ang hirap hirap. Kinakabahan na ako.

Naawa naman ako sa kanya kaso isa naman yun sa mga challenges na kailangan niyang lampasan para mapatunayan niya sarili niya sa Team at kay Jema. Kakayanin mo naman di ba? Di ka naman susuko. Sabi ko.

Naiyak na ng tuluyan si Deana kaya niyakap ko na siya.

Kung sakali nawawalan ka na ng pag-asa, mag dasal ka lang. Sabi ko. Maniwala ka sa sarili mong kakayahan. Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tutulungan din naman kita eh. Hindi kita pababayaan. Pangako ko sa kanya kaya napahigpit ang yakap niya sa akin.

....

Nang mahimasmasan na si Deana ay nagsimula na kami mag training.

Originaly hindi naman talaga sa akin ang setting style na to. Tinuro din sa akin ni Jema nung nasa high school kami. Sabi ko at nakita kong nanlaki mata niya ng marinig niya ang pangalan ni Jema. Tama ang narinig mo. Dati kasing Setter si Jema. Siya yung nagturo sa akin at inimprove ko lang habang tumatagal ako sa sport na 'to. Paliwanag ko.

Nakikinig naman at sinusunod ni Deana lahat ng mga sinasabi ko. You have an advantage na. Sabi ko sa kanya ng makita ko kung gaano kabilis ang pick-up niya ng mga bolang tinatapon ko sa kanya. Nakapag training ka na bilang Libero. May pagkakataon kasi na ikaw ang papasahan ng service. Dapat sa pag receive mo pa lang ng bola, kontrolado mo na. Yung tipo na kahit first ball pa lang ay naseset mo na ang bola at may naiisip ka na agad na play.

Ang hirap naman nun. Sabi niya,

Just work on your footworks.more and arm strength. Sabi ko. Puhunan natin ang mga kamay natin bilang setter. dapat coordinated ang galang ng pareho nating kamay. Iwas din sa double touch yun. Sabi ko 

'te? sa tingin mo ba pag pinantayan na kita maakit ko na si Jema? Nakangising sabi ni Deana. May pagka loka-loka din pala ito.

Just be yourself. Sabi ko sa kanya. Iba talaga pag wala kang pretentions. Kilala ko si Jema, wala siyang standards sa mga taong mamahalin niya. Basta ba mabuti kang tao, mahal mo siya at kaya mo siyang panindigan, okay na yun.

Ganun ba? Malungkot niyang tugon. Ang labo eh.

Ganun naman kasi talaga sa pag-ibig. Malabo, hindi mo maiintindihan hanggang hindi mo nararanasan. Sabi ko at lalong napakunot noo na si Deana.

Natuwa naman ako at agad nawala ang pagtatampu sa akin ni Deana. Ramdam ko na kakayanin niya naman lahat na darating na pagsubok. Kinaya ko nga eh, siya pa kaya.

....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now