Paborito

1.1K 43 5
                                    

Wala na akong nagawa kundi ipag drive sina Bea at Jema pabalik ng Laguna. Busy din kasi si Miguel sa Negosyo namin at alam niya na ngayon ako kailangan ni Jema.

Kahit noon pa man ay hindi na kami mapaghiwalay ni Jema. Ang dami ng kadramahang nangyari sa aming dalawa pero ito pa rin kaming dalawa.

Tahimik lang naka-upo sa front seat si Jema habang si Bea naman ay nakatulog na sa likod namin.

"Your still my favorite heartbreak." biglang sabi ni Jema habang nakatingin sa labas ng bintana.

Ano? Taka kung tanong kay Jema ng hindi ko maintindihan ang mga binubulong niya sa hangin? Kinakausap mo ba ako?

Biglang nilingon ako ni Jema at ngumiti sa akin. Sa lahat ng pinagdaanan ko, ikaw yung laging nandiyan para sa akin. Kahit na hindi tayo tinadhanang dalawa, atleast ikaw pa rin ang lagi kong kasama.

Tsk. Napabuntong hininga naman ako. Pag yan narinig ni Deana, lagot na naman ako. Natatawa kong sabi sa kanya.

Totoo naman yun eh. Sabi pa nito sabay smirk sa akin. Ikaw kaya ang first love ko.

Maniwala ako! Sabi ko naman. Ano yung si Richard?

Syenota ko lang naman yun kasi may Miguel ka. Sabi pa nito habang naka pout kaya napatawa na lang ako.

Hala ang bad mo! Sabi ko naman at nagtawanan na kami.

Sana ako na lang si Miguel. Sabi niya pa.

Ilang beses mo na yan sinabi. Alam ko na yan. Sabi ko naman sa kanya.

Sana naging lalaki na lang ako. Sabi niya pa.

Shunga! hindi bagay sa iyo. Suya ko sa kanya. Baklang - bakla ka kaya. Mas lalaki pa nga ako sa iyo eh. 

Natawa naman kami pareho,

Gustong gusto kong napapangiti si Jema. Paborito ko talagang titigan ang mga ngiti niya. Kung alam niya lang kung gaano kong pinapangarap na sana maging akin siya. Pero alam kong mas magandang ganito lang kaming dalawa, kuntento na akong laging nandito para sa kanya.

Ano ba ako sa'yo? Tanong ni Jema sa akin.

You are my favorite "what if". Sabi ko naman.

Anong "what if"? Taka niyang tanong.

Yung bang, kung pinaglaban ba kita, nag work tayo? sabi ko. Yung bang, kung sinunod ko ba yung puso ko hindi ka na ba iiyak ng ganyan? Yung bang, kung sa akin ka ba, maging masaya tayong dalawa. Seryoso kong sabi sa kanya. What if we can work? pero hanggang what if na lang. Malungkot kong tinapos ang sinabi ko kaya pareho kaming natahimik.

Hoy! Sa daan yung tingin! Sabi nito sa akin ng matulala ako sa kanya, agad ko namang binali ang tingin ko sa daan. Mabubunggo pa yata tayo eh. Sabi niya habang natatawa.

Ang ganda mo kasi. Sabi ko naman.

Sinayang mo lang eh. Sabi ni Jema habang nakataas kilay sa akin.

Hoy!!!!! Biglang nagising si Bea. Ang haharot niyo ha. Isususmbong ko kayo kay Deana at Miguel, Sige kayo diyan!

Inggitera! Suya ko sa kanya kaya binatukan niya na ako.

Mang-Aagaw!!! Sabi niya naman. Akin dapat si Jema eh, dumating dating ka pa kasi! Diin niyang sabi kaya nagtinginan na kami ni Jema at nagtawanan.

Diyan!!! Reklamo ni Bea. Diyan kayo magaling. Nagkakampiyan kayo para asarin ako.

Dont worry Bea, Malambing na sabi ni Jema sa kanya. If Jia is my favorite heartbreak, ikaw naman ang favorite admirer ko. Sabi nito sabay wink dito kaya natawa naman ako. Kitang kita ko sa rearview mirror ang pamumula ni Bea.

Nagtawanan na lang kaming tatlo habang bumabyahe kami. Napatitig ako ulit kay Jema. Alam ko sa loob loob niya nalulungkot pa rin siya sa nangyayari sa kanila ni Deana. Pilit niyang nililibang ang sarili niya para hindi na kami mag-alala sa kanya. Pero kilalang-kilala na namin siya. Alam namin na sa bawat ngiting binibitawan niya ay h=siyang hinagpis ng puso niya.

Sana kung ano man ang binabalak gawin ni Deana para kay Jema, ay maging dahilan ulit ng mga totoong ngiti sa mga labi niya. yung walang halong pagpapanggap.

Anong mukha yan Jia ha. Tanong ni Jema sa akin ng sumeryoso na ako.

Wala. nagcoconcentrate lang sa pag da-drive. Dahilan ko sa kanya.

Ji? dont worry about me. Okay lang ako. Sabi pa nito sabay hawak ng kamay ko sa manubela.

Alam ko. Sabi ko sa kanya sabay ngiti. Malakas ka at matapang. Walang laban na hindi mo kakayanin. At alam mo naman na naka-alalay lang ako sa iyo. 

Salamat Ji ha. Sabi pa nito sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko.

Sobrang sweet niyo. Reklamo ulit ni Bea. Nakakasuka kayo! Sabi pa nito at nagpanggap ng busy sa telepono.

Siguro sinusumbong niya na kami kay Deana. Hindi ko kasi talagang maiwasan maging sweet kay Jema. Ang lambing niya rin kasi sa akin. Well, She is my Favorite "What if." and I am her favorite "heart break". Paborito namin ang isa't-isa.

....


....

Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon