Liwanag

1.1K 37 2
                                    

Bumalik na kami sa mga kwarto namin. Hindi na ako nagtaka kung bakit tahimik si Jema. Minsan lang naman yun tahimik kaya hinayaan ko na. Magiging okay rin yan pag napaliwanagan ng maayos.

Naghahanda na ako para makatulog muli ng biglang nag ring naman yung cellphone ko. Nakita ko agad na si Deana ang tumatawag kaya sinagot ko na ang tawag.

Hello? Bati ko sa kabilang linya.

'te Jia? Kasama mo ba diyan si Jema. Taranta niyang sabi. Hindi niya kasi sinasagot yung tawag ko.

Ano ba kasi ang nangyari? Sabi ko naman

Kilala mo naman si Ponggay di ba. Alam mo naman yung trip nun. Sabi niya. Nakita kasi ni Jema si Ponggay na hinalikan ako sa labi.

Ganun ba? Give her time muna. Sabi ko naman. You know Jema, nag mumuni muni pa yun. Pag nakapag-isip na siya ng maayos siya mismo ang tatawag sa iyo. Paliwanag ko sa kanya.

Sana naman pinakinggan niya muna ako. Sabi naman ni Deana. Nakakapagod naman kasi 'te eh. ako na lang lagi ang nag aadjust. Naiiyak niyang sabi sa akin.

Pag pasenxahan mo na. Pagod lang siguro sa byahe. Sabi ko. At sobra ka pang na miss. Don't worry kakausapin ko siya bukas.

Salamat 'te. Sabi naman ni Deana. Paki bantayan na lang siya para sa akin.

Binabantayan siya dito ni ATe ALyssa kaya huwag ka ng mag-alala. Sabi ko na lang sa kanya.

Sabihin mo naman sa akin kung okay na siya. Pakiusap niya sa akin. Ako na mismo ang tatawag sa kanya.

Makaka-asa ka. Tipid kong sabi sobrang pagod na talaga ako. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayos. Sa ngayon, pahinga muna kami. Kakapagod kasi eh.

Sige po ate. Sabi nito. Restwell. At inEnd na ang call.

.....

Kinabukasan kitang kita ko ang pagkawang gana ni Jema sa training. Parang robot lang ito na sunod ng sunod sa amin.

Jema?! Tawag pansin ni ate Alyssa. Keep the head in the game. Asan ka ba ha? Parang ang layo mo yata. Concentrate. Sabi nito at tinap na si Jema sa likod.

Nilapitan ko naman siya at hinila na sa sulok.

What's bothering you ha? Tanong ko.

What if niloloko rin ako ni Deana? Bigla niyang tanong sa akin.

I don't think so. Sabi ko naman. Sira ulo lang talaga si Pauline. Hindi iyon pumapatol sa kapwa babae. Paliwanag ko.

Nagseselos kasi ako eh. Sabi niya naman. Minsan mas inu-una siya ni Deana kesa sa akin.

Jem, Parang tayo lang yan eh. Sabi ko naman. They were friends before you came to Deana's life. Gaya natin, never na tayo mabubuwag, ganun din yang dalawang yan.

Feeling mo ba may lihim din yung dalawa? Sabi niya naman.

As far as i know, wala. Sabi ko. I know Ponggay, mahilig talaga yung manukso at mambully. Paliwanag ko.

Para naman na paliwanagan ko ng maayos si Jema.

Minsan kinulang lang kayo ng kumunikasyon. Sabi ko. Tulad ng volleyball, pag hindi tayo nag uusap sa loob ng court, for sure magkaka-error tayo. In relationship, communication is the most important. You love Deana right? Tanong ko sa kanya.

Oo naman. Diin niyang sabi,

So? Have the ears to listen and a heart of understanding. Sabi ko naman. Hindi nga binuwag ni DEana yung friendship natin kahit alam niyang meron tayong pass. Kasi pilit ka niyang initindi, dahil mahal ka niya. Seryoso kong tugon sa kanya at tinap na siya sa balikat.

Ngumiti naman si Jema sa akin. Hindi ko akalain na may makukuha akong maganda sa iyo. Sabi niya sabay smirk.

Ikaw lang eh. Sabi ko naman. Wala kang bilib sa akin. Napangiti na ako sa kanya.

Salamat Ji. Sabi pa ni Jema. Mamaya, tatawagan ko na si Deana.

Tama. Sabi ko. Mag-usap kayo.

Ito naman talaga ang role ko sa buhay ni Jema eh. Taga payo at taga gabay. Sana nga magiging okay na silang dalawa.

....


Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon