Saya

1.2K 30 8
                                    

Tahimik na kami ni Bea sa kwarto niya. Naging kwarto ko rin naman ito dati nung player pa ako ng Ateneo kaya kumportable na ako dito.

Kaya pala lagi niya kaming binabara ni Jema dati, kasi nagseselos na pala siya. Hindi namin yun na halata.

Huminahon na kami. Nakahiga na si Bea sa kama niya, at ako naman ay nakaupo lang din sa dati kong higaan, na kay Jhoana naman ngayon. Makalat na ang kwarto hindi tulad nung nandito ako. Hindi naman sa pagyayabang eh, malinis ako sa kwarto.

Sa katahimikan namin ay may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto. Nagulat kami pareho kaya nagkatinginan kami ni Bea. Lagot kami pag nahuli kami ng Dorm staff na may outsiders dito sa dorm.

Bei? Tawag ng familiar na boses. Sininyasan naman ako ni Bea na magtalukbong ng kumot para hindi kami mahalata. Baka kasi isa yun sa mga taga bantay ng dorm. ng makatago na ako ay binuksan na ni Bea ang pintuan.

Jem? Gulat niyang sabi dito kaya napa-upo na ako ulit sa kama at inalis na ang kumot sa katawan ko.

Bei? Andito ba si Jia? Tanong nito kaya agad akong tumayo at naglakad papuntang pinto.

Nagpahinga lang siya saglit. Palusot naman ni Bea at pinadaan ako para maharap ko si Jema. 

Bigla namang napayakap si Jema sa akin na tilang tuwang-tuwa. Salamat Jia. Sabi nito sabay alis sa pagkayakap at ningitian ako. Okay na kami ni Deana. Nagkasundo na kami.

Ano yun? Tanong ni Bea at nilapit niya mukha niya kay Jema kaya natulak siya ni Jema. Kayo na ba?

Sira!!! Natatawang sabi naman ni Jema. Napagkasunduan muna namin na mag focus sa UAAP. Last playing year ko naman. Pagkatapos ng Uaap saka na kami mag date. Sabi nito na tilang proud na proud pa. 

Saya mo naman. Ngiti kong sabi kay Jema.

Para kasi akong lumilipad Ji eh. Sabi nito. Parang ang gaan-gaan lang. Ang saya saya ko.

Buti naman at okay na kayo ni Deana. Tipid kong sabi. Napasmirk lang sa akin si Bea.

Ramdam ko naman na mahal na mahal niya ako eh. Sabi nito. Ang sarap pala sa feeling na may taong nag eeffort para mahalin mo. Yung feeling na, hindi niya kayang mawala ka sa buhay niya. Yung feeling na, gagawin niya lahat para mapasaya ka. Yung feeling na pareho kayong nararamdaman sa isa't-isa. Na hindi niyo na kailangan magpanggap kasi tanggap ka niya kahit ano ka pa. Natutuwang sabi ni Jema

Kitang kita ang tuwa sa mga mata niya.

In love ka na nga. Sabi ko at napangiti sa kanya.

Salamat talaga Jia. Sabi nito sabay yakap sa akin. I think this time, tama na ang mamahalin ko.

Aray naman. Sabi ko.'

Natamaan ka? Pang-aasar niyang sabi. Kasi naman eh, hindi mo ako sineryoso.

Huwag kayong magdrama na akala niyo kayo ang pinaka biktima ng sitwasyon. Seryosong sabi ni Bea. Buti pa nga kayo ni Jia kasi kahit papano eh alam niyong mahal niyo ang isa't-isa. Mas masaklap pa nga ang iba kasi, manhid yung taong minahal niya, hanggang ngayon nga wala pa itong idea na mahal siya. Parang meron pinariringgan ang mga banat niya/

Syempre alam ko na yun, pero iba ang reaksyon ni Jema sa hugot niya. Aysus. Natorpe ka naman kay Jhoana noh!!!! Hai naku bakit kasi nagkaroon ako ng mga duwag na kaibigan. Sabi nito at natawa sa sarili niyang joke. Hoy joke yun! Tumawa kayo. Pilit nito sa amin .

Nagtinginan lang kami ni Bea, at napatawa. Kahit kailan talaga, hindi na fail si Jema na paga-anin ang loob namin.

.......


Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon