Partners

1.1K 30 1
                                    

Jia?! Gising sa akin ni Jema. Hindi ako nakatulog buong gabi tapos ang aga aga nila ako ginigising.

5 minutes pa. Sabi ko kay Jema at nagtago na sa kumot.

Hinablot ni Jema ang kumot ko. Gising na. ano ba?! Malalate na tayo sa training.

Unang training ni Jema kasama ulit ang team namin sa PVL. Kakatapos lang kasi ng UAAP kaya ngayon lang siya ulit makakabalik sa team.

Hinala na ako ni Jema patayo. Halika na. Sabay na tayo maligo. Sabi nito kaya biglang nanlaki ang mata ko.

No way! Sabi ko sa kanya at bumalik sa pagkakahiga. Mauna ka na mag shower dun. Utos ko sa kanya.

Halika na. Malambing niyang sabi. Sige ka, kikilitiin kita. Banta pa nito sa akin.

Oo na! Inis kong tugon sabay upo sa kama. Asan ba si Deana ha? Baki ang aga mo ako kinulit. Sabi ko naman.

Sinundo siya nina Bea kanina dito kasi mag bebeach daw sila. Sabi nito 

Kaya naman pala ako tung kinukulit mo. Sabi ko naman at napatayo na para pumunta ng banyo.

Ng makapasok na ako ng banyo agad ko ng sinira yung pintuan. Hoy Morado. papasukin mo ako. Tawag ni Jema. Sabay na tayo maligo.

Ayaw ko nga. Sabi ko. Mabilis lang ako maligo.

Ang daya mo! Sigaw naman ni Jema pero hindi ko na siya pinansn.

Pagkatapos ko maligo, agad ding pumasok si Jema ng banyo, kaya nagbihis na ako at niligpit ko na yung mga dadalhin namin sa training.

Galanza?! Tawag ko sa kanya ng mapansin kong mag 30 minutes na siya sa banyo. Na flush ka na ba diyan?! Dalian mo na! Iiwan talaga kita dito. Banta ko sa kanya kaya lumabas na siya ng banyo.

Lumabas ito na naka underwear lang, kasi yung tuwalya niya ay pinatutuyo niya sa buhok niya. Anong reaksyon yan? Tanong nito ng makitang nakatitig lang ako sa kanya. Para ka namang iba. e since high school ganito na tayo. Sabi pa nito at kinuha yung damit na susuotin niya sa training.

Pwede ba. Ibalot mo yang katawan mo pag may ibang tao. Saway ko sa kanya.

Hindi ka naman iba eh. Inocente nitong tugon.

Hai naku. Sabi ko na lang. Dalian mo na diyan at malalate na tayo.

Ikaw kaya tu ang pabagal bagal kanina. Sumbat naman ni Jema sa akin.

Ng matapos na siya ay nagtakbuhan na kami palabas ng condo. 

Ako mag dadrive. Sabi naman ni Jema. Mas mabilis mag drive si Jema sa akin kaya binigay ko na sa kanya ang susi ng kotse ko.

Nakarating kami ng Gym ng maaga kaya napaupo kaming dalawa sa bench.

Na miss ko to? Sabi ni Jema at ningitian ako. Ganitong ganito talaga tayo nung high school di ba? 

Oo nga eh. Naghihilahan pa tayong dalawa. Sabi ko. 

Nagkasiraan na nga yung mga bike natin sa sobra nating pamadali. Sabi naman nito at natawa kami.

Musta na yang paa mo? Turo ko sa paa niya na nag kacrumps sa huling laban niya sa UAAP.

Okay na. Kaya na to tumalon uli. Sabi pa nito na tila excited na. Balik Double J Tandem na. Matagal ko na to hinintay. Sabi niya naman at napa-akbay sa akin.

Mag chachampion tayo tulad ng dati. Sabi ko naman sa kanya.

Tayo pa ba? Pamayabang pa nito. e Partners tayo eh.

Napatawa na lang ako. Alam kong malaking tulong sa team si Jema. Ilang Conference na rin kami hindi nag cha-champion ni Ate Alyssa kaya alam ko sa pagdating ni Jema, gagaan na ang trabaho ko.

.....

Lihim (Double J Tandem)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu