Tagumpay

1.6K 37 2
                                    

Nagsimula na ang tournament ng Volleyball sa District namin. Ang mananalo ay lalaban sa District meet at aakyat ito ng aakyat hangang makarating kami sa palarong pamabansa kung papalarin.

Nung una nangangapa pa talaga kami ni Jema sa bagong systemang tinuturo sa amin kaya natalo kamo sa unang laban. Subalit hindi na namin hinayaan pang maulit ang pagkatalo namin kaya hindi kami tumutigil sa aming insayo.

Girls?! Pahinga naman tayo. patigil sa amin ng aming kapitana na si ate Myla.

Sumunod na ang lahat at naupo na sa sahig sa sobrang pagod. Napasandal naman ang likod ko sa likod ni Jema. Back to back kaming nakaupo sa sahig.

Freshmen pa lng kami pero daig pa namin ang mga seniors sa sobrang pressure. ka bago bago pa nga lang namin napasabak na kami agad sa first six. buti pa sina Bea may time pa sila mangulit.

Mga Ate? Tawag pansin ni Bea haban nakatayo sa harap namin. Ang hihina niyo naman. pagod kaagad kayo. Suya niyang sabi.

Tumigil ka nga. Pinahimik na siya ni Jema sabay tapon ng bola kay Bea. kaya inirapan din siya ni Bea. Hinarap naman ako ni Jema at pinunasan ang pawis na tumulo sa aking pisngi. Nice job Ji, perfect mo na ang set. Bulong niya sa akin habang nakaluhod sa harap ko. 

Bakit ba ang sweet sweet mo? Natanong ko sa sarili ng makaramdam ako ng matinding pagtibok ng puso ko.

Ji? Okay ka lang ba? Parang nilalagnat ka yata eh. Sabi ni Jema habang chineck ang noo ko. Namumula ka na.

Bigla ko naman tinakpan ang pisngi ko. Wala to. Ipapahinga ko lang ito mamaya. Palusot ko. Hindi naman ako nilalagnat eh, Kinilig lang ako sa gesture ni Jema. Ganito din yung pakiramdam dati nung nililigawan pa lang ako ni Miguel.

Girls. Tawag ni coach sa amin kaya nagsilapit kami sa kanya. Bukas matindi ang makakalaban natin San Roque Institute. Gawin lang natin ang pinraktice natin dito. Basic volleyball lang, ayus na tayo. Iwas lang tayo sa mga errors at syempre kilangan safe tayo. Bawal mainjure. Okay girls?!

Yes sir!!! Sagot namin lahat.

Okay assemble time natin dito bukas 6:00 am. 8 am ang laro natin kaya kilangan natin makarating ng Gym ng maaga para makapag warm-up pa tayo. Understood?! Paalala ng coach sa amin.

Yes sir! Sabay naming sagot.

Myla, ikaw na bahala sa team mo. Umuwi na agad kayo para makapag pahinga. ang late bukas, iiwan ng bus. Sabi niya pa bago niya kami iwan,

Hinabol naman siya agad ni Jema. Dad. Pwede po ba kina Jia muna ako. Dun na muna ako pa para hindi na kami malate bukas.

Nakapagpaalam ka ba kay Mama mo? Umiling lang si Jema. Mabuti pa si Jia na lang ang doon sa atin matulog, eh kasama niyo naman ako kaya sure na hindi kayo malalate bukas.

Hindi na kailngan ulitin sa akin ni Jema ang sinabi ng Dad niya, nakatingin lang sila pareho sa akin. Sige po. Magpapaalam lang po ako kay mommy at mag-aayos ng gamit. 

Natuwa naman si Jema at niyakap niya ako. Tutulungan ko siya dad. 

Sige uwi muna kayo kina Jia tapos susunduin ko kayo dun pagkatapos ko dito. Sabi naman ni coach sabay alis papuntang Faculty Room.

Patalon talon naman si Jema. Alert na tayo. Ipapa-alam kita kay Tita.

Hinila niya na ako palabas ng school. Sumakay lang kami ng Pedicab at nasa bahay na kami. Pinayagan naman ako ni Mama kaya napabilis pa kami kasi tinulungan pa kami ni Mommy mag-ayos ng mga gamit ko.

Hinintay na namin agad si Coach na sunduin kami sa labas ng aming bahay. Agad din kami nakauwi sa kanila. Ang kwela ng mga kapatid ni Jema. Pareho niyang bungisngis. Puro silang babae kaya magkasundo talaga silang magkakapatid.

Hindi naman naging awkward ang stay ko din. Maaga din kami nakatulog ni Jema sa kwarto niya. Sa sobrang pagod kaya knock out agad kami.

Pangs!!!! Sigaw ni coach kay Jema, Pangit daw ibig sabihin yun. pangtukso lang naman kasi ang ganda naman talaga ni Jema sa kahit anong anggolo mong tignan. Gumising na kayo diyan, aalis na tayo mamaya. Sabi ni coach sabay katok ng pintuan kaya nagising rin kami agad ni Jema.

Maaga kami nakarating ng Gym kaya nagwarm-up muna kami. Grabe ang lakas ng kalaban namin. Ang tatangkad pa.

Best blocking team daw sila sabi ni Dad. Sabi ni Jema sa akin habang nag wawarm-up.

Lagot. Pano yan? Kinabahan kong tanong sa kanya.

Basta itaas mo lang ang bola. Ako na bahala. Nakangiti niyang sabi kaya gumaan din ang loob ko.

Ilang buwan pa lang kaming magkasama ni Jema pero alam na namin ang mga galaw ng isa't-isa. parang may sarili kaming language na kami lang ang nakaka-alam.

Mahirap nung unang set. Pinag-aaralan muna namin ang galaw ng kalaban kaya natalo kami sa unang set.

Ji? Bulong ni Jema sa akin. Combination play tayo. Ibigay mo sa akin sa gitna. Short set lang para mabilis.

Tumango naman ako sa kanya. Nung nag serve na ang kalaban sa kabila, agad nireceive ni Jema ang Bola at itinaas ko naman sa gitna gaya ng sabi niya at sa gulat ng lahat, nagawang ibaon ni Jema ang bola sa kabilang court. 

Ang galing nun!!! good job girls! Bati sa amin ni Kapitana Myla. Nagngitian lang kami ni Jema.

Inulit pa namin ng ilang beses ang mga short set kaya nahirapan ang kabila na iblock si Jema dahil hindi nila alam kung saan ipapadaan ni Jema ang bola.

Nanalo kami ng Second set hanggang fourt set kaya kaya nagtalunan na kaming lahat. 

Ang galing naman ng Double J. Dayaw ni Bea sa amin pagkatapos ng game.

Tama!!!! Double J nga ang tawag sa inyo. Pagsang-ayon naman ni Ate Myla kay Bea.

Niyakap naman ako ni Jema ng napaka higpit. Marami pa tayong ipapanalong laban. Ngiting sabi niya sa akin at hinigpitan ko na rin ang pagyakap sa kanya.

Hindi ko akalain na magiging ganito pala ako kasaya.

....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now