Special

1.5K 26 0
                                    

Yakap dito, yakap doon. Iwan ko ba pero napaka clingy talaga ni Jema.

Gustong-gusto ko naman na niyayakap niya ako. Hindi kumpleto araw ko pag walang ganun. Hinahanap hanap ko na talaga.

Ngiti niya lang ang kuukumpleto ng araw ko. Parang barkada lang na laging magkasma kahit sa kalokohan. Si Miguel ang only boy sa barkada kaya nakaka-awa siya sa amin. Halos siya na ang pinagtri-tripan nila Bea.

Napakamalan pa nga siyang bakla. Pero masaya naman siya kasama kami. hindi na rin siya bugnutin. Tawa nan g tawa. Nagbago na nga kaming lahat. Si Jema, well, may manliligaw na. Sino ba ang hindi maakit sa ganda ni Jema. Well ito nga, isa ring stter ang maliligaw ni Jema. Parang MU nga sila eh. Laging magkasama pero walang label. Parang kami lang ni Miguel.

Kailan ba mali ang magmahal? Hindi naman eh. Kahit magmahal ka ng palihim, ayus lang iyon ang importante hindi kayo nag iiwanan.

Pero kahit may Miguel ako, at may Richard siya, hindi pa rin nagbago ang pagtingin naming ni Jema sa isa't-isa. Ramdam kong may special sa amin. Special na kaming dalawa lang ang nakaka-alam.

Ji. Bulong sa akin ni Jema sabay back hug. Na miss kita. Sabay halik sa batuk ko.

Naku Jema ha. FYI ha, kaninag recess lang tayo naghiwalay. Katwiran ko sa kanya.

Pano naman kasi nag yaya si Richard. Nilibre niya ako ng French fries. Saad nito habang nakayakap pa rin.

Hinarap ko siya at napayakap din sa kanya. Ganyan ka naman talaga pag libre. Mabilis pa sa bullet train. Tukso ko sa kanya kaya napabitaw siya sa pagyakap sa akin.

Sana ako na lang si Miguel. Biglang nasabi niya ng pabulong pero rinig ko naman kasi nakaharap ako sa kanya.

Sana ako na lang din si Richard, Sabi ko sa kanya sabay ngiti kaya ngumiti na rin siya.

Bakit kaya bawal Tayo? Natanong ni Jema pero wala akong masagot sa tanong niya. Huwag mo ng sagutin, wala rin naman maiitulong. Seryoso niya tugon at niyakap ulit ako.

Hoy!!!! Marami ng langgam hu. Saad ni Beakaya napahiwalay kami ni Jema sa isa't-isa. Kahit kalian ang ingay niya talaga. Siya lang ang laging naglalakas loob na sabihin sa amin ni Jema ang special naming turing sa isa't-isa. Yung iba kasi tahimik lang kahit halatang-halata na kami.

Pwede ba. Inis na sabi ni Jema at binatukan si Bea.

Hai naku sa inyong dalawa. Hindi ko na kayo maintindihan, Sabi niya sa amin. Bakit kasi hindi na lang kayo mag-aminan.

Shunga!!!!! Saway ko sa kanya. Wala naman dapat aminin. Dagdag ko pa.

Oo nga naman. Pag sang-ayon ni Jema sabay wink sa akin. Napasmirk na lang ako.

Ay talaga, Inirapan na lang kami ni Bea kaya tinawanan na naming siya.

Hindi naman kailangan ng label eh. Magkaibigan kami ni Jema, hanggang doon na lang iyon, pero hindi maiwasan na sumubra doon ang nararamdaman ko sa kanya. Minsan nga nagseselos ako pag magkasama sila ni Richard at alam ko ganun din siya sa tuwing kasama ko si Miguel.

Hinawakan ko kamay ni Jema. Sana kahit ano pang dumating, hindi magbabago pagkakaibigan natin. Sabi ko sa kanya.

Pangako yan. Ngiti niyang sagot sa akin.

Mas pinili naming ang ganitong set-up. Mas ginusto naming ganito lang kami. walang humahadlang sa amin, walang pumipigil. Sadyang hanggang dito lang kami.

....

Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon