Bunyag

1.1K 37 4
                                    

Napagod ako sa mga nangyari kina Jema at Deana kaya agad akong nakatulog hanggang nakakarinig ako ng ingay sa labas ng kwarto ko.

Ji? Tawag ng tao sa labas habang kinakatok ang pintuan. Ji? Naman eh!!! Sigaw pa nito.

Rinig na rinig ko siya pero ayaw ko siyang pag buksan ng pintuan.

Ji? Bulong ng taong katabi ko. May tao yata sa labas. Sabi pa nito habang inayog-ayog ako.

Hayaan mo nga yan. Esturbo talaga, Inis kong sabi at nagtago na sa kumot ko.

Ako na mag bubukas. Paalam ni Jema sa akin dahil katok pa rin ng katok ang tao sa labas ng kwarto ko.

Hinayaan ko na si Jema na pagbuksan ang taong iyon. Kilala ko yun, si Bea lang yun and for sure hindi naman ako yung pinunta niya dito. Syempre alam niya yung nangyari kay Jema, at pareho naming alam kung ano si Jema para sa kanya.

Matagal-tagal na rin kasing may gusto si Bea dito kay Jema. Karibal niya raw ako eh, kaya hindi niya talaga ako gusto.

Hoy Julia Melissa Morado!! Sigaw nito sa akin ng makapasok na sa kwarto ko. Bakit ang tagal mo akong pag buksan?! Napamulat na ako ng mata para bigyan ng masamang tingin ang higanteng nakatayo lang sa tabi ng kama ko.

Tawa naman ng tawa si Jema habang pinagmamasdan kami. So ito na, kami na naman ni Bea ang entertanment ni Jema habang nanlulumo ito dahil sa nangyari sa kanila ni Deana.

Ano na naman ba kailangan mo Beatriz?! Inis kong sabi at tinapon yung unan ko sa kanya. Esturbo ka talaga sa natutulog! Alam mo ba kung anong oras ako nakatulog dahil sa kakaiyak niyan buong gabi?! Turo ko pa kay Jema

Kaya nga andito ako eh. Sabi naman nito. Para pasayahin si Jessica Margaret... ko. Sabi niya pa at pabulong yung "ko" pero syempre pinarinig niya yun sa akin.

Ano yun? Takang tanong ni Jema sa bulong ni Bea.

Oh.. Hanggang biro biro ka lang naman eh. Tukso ko pa kay Bea at benelatan siya.

Inirapan niya lang ako ng tingin. By the way Jema. We have to go. Sabi nito kay Jema kaya bumalik na ako sa pagkahiga. Siya naman bahala magpasaya ngayon kay Jema.

Bakit? Anong meron? Takang tanong ni Jema.

Bakasyon, balik Laguna. Sabi pa ni Bea at hinampas pa nito ang paa ko. Hoy Julia. Kasama ka!

Pwede ba kayo na lang. Reklamo ko habang pinipilipt ang ulo ko sa unan.

Hinila na ako ni Bea patayo. Hindi pwede. Importante ka dito. Napa-upo niya na ako sa kama at bilisang bumulong sa akin, patulong tu ni Deana.

Ano ba kasi ang binubulung niyo sa isa't-isa. Naiinis na tanong ni Jema.

Okay fine! Sabi ko at tumayo na This girl here has a secret more than 10 years na. Sabi ko at napa-akbay kay Bea. Napakunot noo na lang si Bea na tila bang wala siyang naiintindihan sa sinasabi ko. Sakyan mo na lang para hindi mahalata. Bulong ko sa kanya.

Tinulak naman ako ni Bea palayo. Ano bang pinagsasabi mo ha, Julia!? 

Napasmirk na lang ako ng maalala ko ang lihim na pagtingin ni Bea kay Jema simula pa nung elementary sila.

Ano na Jia. Namemewang na si Jema. Naghihintay ako sa sagot mo.

Well. Natatawa kong sabi. Si Bea kasi..... Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Bea.

I like you Jem. Malakas niyang sabi. 

Nagulat naman kami ni Jema sa sinabi ni Bea. Natahimik lang si Jema habang nakatitig kay Bea at ako naman, piniplit pinipigilang tumawa.

I know it's kinda weird. Sabi niya pa habang nakayuko. But i like you since our elementary years. Bago mo pa makilala ang babaeng yan. Sabay turo sa akin kaya napatawa na ako.

Bakit ngayon mo lang yan sinabi? Takang tanong ni Jema.

Because you were crazy in love with Julia, Sabi pa nito at tinapunan ako ng masamang tingin. She was your world that time. Ano pa ba ang magagawa ko? Sabi pa nito.

Alam kong kinailangan niyang gawin yun para pag takpan ang kung ano mang pinaplano ni Deana, at alam kong kailangan ko rin itong sakyan.

Napatitig ako kay Jema, kitang kita ang mga gulat sa mata niya na tila hindi makapaniwala sa mga naririnig niya.

Bigla itong lumapit kay Bea para yakapin. Alam ko yung pakiramdam na ikaw lang ang nag mamahal. Sabi pa nito habang napasmirk sa akin.

Okay. Sabi ko sabay taas ang kamay. Alam ko na kung saan na naman ito papunta. It's all on me. 

Biglang humalakhak si Jema. I never regret to make you my world that time. Direkta niyang sabi sa akin, But kung wala ka, baka nga kay Bea ako napunta. Sabi pa nito at niyakap si Bea ng mahigpit.

Haist! Sakit nun ha. Second choice pa rin. Sabi nito kaya lalong tumawa si Jema.

Kay sarap balikan kung ano man ang pinag daanan namin noon. Kasi kahit ano man ang nangyari, kahit kailan hindi na magbabago ang samahan namin ni Jema at Bea. Binuo kami ng kahapon namin.

....

Lihim (Double J Tandem)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin