Muli

1.2K 29 3
                                    

Bumalik ba? Tanong ni Miguel habang hinahatid niya ako sa dorm.

Bumalik ang alin. Taka kong tanong.

Ang nararamdaman mo kay Jema? Seryoso niyang tugon.

Wala namang bumalik eh. Sabi ko, Kasi hindi naman nawala.

Ilang beses ko na nasasaktan si Miguel pero, siya lang talaga ang umitindi sa akin.

May pag-asa na ba ulit? Tanong niya at napahinto sa paglalakad. Nasa gitna na kami ng parking lot ng Ateneo.

Napahinto din ako sa at hinarap ko. Wala na. Pilit akong ngumiti. Mukha namang naka move-on na siya. Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na kami ng tahimik.

.....

Hey Ji. Bati ni Bea ng marating ko ang dorm. Guess what?! Excited niyang sabi.

Pwede ba Bea, Inis kong sabi. Wala akong oras sa guessing game mo.

Suplada naman. Sabi naman ng familiar na boses sa gilid ko, napalingon ako at nakita kong nakangiti si Jema sa akin. Wala ba akong yakap diyan? Sabi niya sabay angat ng mga kamay niya para yakapin ako. Namiss ko kayo. Sabi niya habang nakangiti.

O ano na Julia Morado? Tongue tied? Biro naman ni Denise sa akin.

Anong ginagawa mo dito? Tanong ko.

Well, pinayagan naman ako ng team na bisitahin ang mga kaibigan ko. Sabi nito at ngumiti. Dapat nga magtatampu na ako eh. pano naman kasi hindi niyo man lang ako binisita sa ospital. Natatawa niyang sabi.

Sorry. Tipid kong sabi. Naalala ko yung time na yun, yung time na nasaktan ko si Jema.

Ano ba? Ang seryoso mo naman masyado. Sabi niya sabay hampas ng baligat ko. Hindi ka na mabiro. Hindi naman talaga ako nagpapabisita. Nakakahiya ang nagyari sa akin noh. Last player year sa high school, pero hindi nag champion.

Okay ka na ba? Tanong ko sa kanya.

Sprain lang naman. 2 months akong pinahinga ni Dad bago ako nag training for Adamson. Balita niya.

Akala ko ACL? Taka kong tanong.

Alam mo naman may pakpak ang balita. Ngiti niyang sabi. Exaggerate kasi yung mga chismosa dun sa atin. Kung ACL yun hindi na ako nakapaglaro hanggang ngayon.

Eh nakita ka pa namin sa Physical Therapist. Sabi naman ni Bea.

Syempre, na sprain ankle kaya ako. Kahit maliit na injury lang iyon kelangan yun ng therapy. Paliwanag niya.

Buti na lang hindi malala yung injury mo. Napangiti din ako sa balita.

Hindi naman mahirap makarecover sa sprain, Sabi niya. Alam mo ba ang mahirap? Tumingin siya sa akin. Ang mawala ang taong gusto mong makasama. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti.

Eh gago kasi yung si Richard eh. Sabi naman ni Denise, na natawa na lang din si Jema.

Napatingin si Bea sa akin. Alam kong, may alam siya.

Gago nga. Pag-sang-ayon na lang ni Jema.

Kung sino man yung nanakit sa iyo, sigurado akong nagsisisi na siya ngayon. Sabi naman ni Bea kay Jema sabay akbay sa kanya. Di ba Jia?

Parang nagulat si Jema sa inasta ni Bea.

Tumigil ka nga Bea. Sabi niya. Baka malasin tayo, hayaan na natin ang nakaraan. Kahit kailan naman hindi na iyon mababalikan muli.

Nagtitigan kami ni Jema. Naintindihan ko ang bawat tingin niya sa akin. ALam kong labis ko siyang sinaktan. Pero kahit ganun, prenoprotektahan niya pa rin ako. Hindi niya hinayaan na masira ako sa iba. Kahit nasaktan ko siya, nanatiling lihim ang special naming pagsasama.

....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now