Proud

1K 30 1
                                    

Hindi na masyadong nag-uusap si Deana at Jema after nung nangyari. No choice naman kami ni Miguel. Kinailangan ko ng samahan si Jema kaya siya na ang naging kasama ni Deana buong time na nasa resort kami.

Okay lang talaga ako Ji. Sabi ni Jema sa akin habang naglalakad kami papuntang dagat. Sanay naman ako mag-isa. Sabi niya pa.

Aba. Suya kong sabi. Ayaw ko ngang iwan ka. Baka kung anong kalokohan na naman maiisip mong gawin.

Sira!!! Natatawa naman sabi ni Jema. Wala naman ako magagawang kalokohan dito Jia, Buti pa puntahan mo na si Miguel. Date niyo tung dalawa eh. Seryoso niyang tugon.

Naintindihan naman ni Migs ang sitwasyon. Sabi ko naman.

Lagi na lang tayong iniintindi niyang boyfriend mo. Nakangiti niyang sabi,

Maswerte nga ako sa kanya eh. Sabi ko sabay wink.

Sana meron din akong Miguel. Sabi naman ni Jema.

Bakit kasi hindi mo na lang kausapin si Deana? Tanong ko. Iwas ka na lang ba ng iwas sa kanya?

Ayaw kong may masabi pa yung mga fans na yun ni Deana. Sabi nito sabay smirk. Hindi naman ako ipagtatanggol ni Deana.

Aysus. yun tayo eh. Sabi ko naman. Nagdrama ka na naman. Pwede ba Jema.

Akala ko nasanay na ako, pero may kirot talaga eh. Sabi naman ni Jema. Dati nung MU pa tayo, tagong tago tayo sa lahat. Okay pa ako nun, nakakaya ko pang itago. Pero ngayon, sobrabg sakit. Hindi ko nakakaya.

Ano bang iniExpect mo sa isang Deana Wong ha? Tanong ko sa kanya.

Ang hindi siya tutulad sa iyo. Tipid niyang sabi pero parang malaman.

What do you mean? Taka kong tanong.

Ayaw ko siyang maging duwag tulad mo. Direkta niyang sabi sa akin.

Aray naman. Sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. Parang iba yun auh.

Totoo naman eh. Sabi pa nito at inirapan pa ako ng tingin. Lagi mong sinasabi sa akin dati na mahal mo ako, na hindi mo ako kayang mawala pero never mo naman napanindigan yung mga sinabi mo.

Napakamot na lang ako ng ulo. Ba't pag ganitong may problema kayo ni Deana lagi ako nadadamay? Sabi ko sa kanya.

Napaisip si Jema ng ilang segundo bago niya nasagutan ang tanong ko. Kasalanan mo ito eh.

Ako na naman? Tanong ko at napakamot na ulit sa batok ko.

Kung naging proud ka lang sa kung anong meron tayo, edi sana hindi ko na nakilala si Deana. Sabi pa nito kaya binatukan ko na siya.

Shunga!!!!! Sabi ko sa kanya. Kahit pa baliktarin mo ang mundo, tinadhana na talaga na patagpuin kayo ni Deana. Diin kong sabi.

Alam mo ba yung pakiramdam na proud na proud ka sa kanya. Halos ipakilala mo na siya sa buong angkan ng pamilya mo, tapos siya, ni hindi niya man lang ma mention ang pangalan mo sa mga kapatid niya? Sabi pa nito na tila naluluha pa. Masakit iyon Ji. Palibhasa kasi, hindi mo yun naranasan.

Napaakbay naman ako kay Jema, Alam kong wala akong karapatang sabihin sa iyo na maging okay din ang lahat. Pero isa lang ang alam kong gawin. Napatitig din siya sa akin. Hinding hindi kita iiwan. Sabi ko sa kanya habang nakaakbay dito.

Kakayanin ko lahat ng pagsubok na darating sa amin ni Deana. Hihintayin ko ang araw na magiging handa na rin siya para sa relasyon namin. Sabi pa ni Jema at nakatitigan na kaming dalawa, At magiging madali ito hanggang andito ka sa tabi ko. Sabi niya naman at napahawak sa kamay ko, napangiti naman ako.

Alam mo para tayong temang. Sabi ko naman at napabitaw na kami ni Jema sa isa't-isa. Baka mapagkamalan tayong mag syota dito.

Sino ba ang nauna maging cheesy auh. Natatawang sabi ni Jema. 

Just want to make you smile. Sabi ko naman kay Jema.

Oh ayan ha. Ikaw yung nagbitaw ng huling cheesy line. Natatawa niyang sabi.

Hindi naman kasi talaga maiwasan maging sweet kami sa isa't-isa. Nakasanayan na namin yun. Higit 8 years na rin kasi kaming magkaibigan. Sana kung sino man ang makatuluyan namin sa future ay maintindihan yun.

......


Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now