Deserve

1.1K 35 3
                                    

Umuwi kami ng Manila na hindi nag kikibuan sina Jema at Deana. Ano naman kasi ang magagawa ko? Kay Deana lang naman nakasalalay ang lahat. Si Jema ay naghihintay lang kung kelan siya handa.

Matalik kong kaibigan si Jema, lagi lang naman akong naka-alalay sa likod niya, gaya din ng pag-alalay niya sa akin. 

Ginawa ko naman ang makakaya ko para makapag-usap sila dun sa resort but it ended up with an argument kaya hindi ko na sinubukan ulit.

Flashback...

Pagkatapos kong makipag-usap kay Jema ay tinext ko na si Miguel na puntahan kami ni Jema sa kwarto. Napag planuhan namin ni Migs na bigyan sila ng time para makapag-usap.

Tamang tama nasa banyo si Jema para maligo. Nagtago na ako sa sulok ng kwarto at pinapasok na ni Miguel si Deana at hinila na ako palabas ng kwarto.

Sinira na namin yung pintuan pero hindi kami lumayo. Subalit ay nakikinig kami sa usapan nilang dalawa.

Narinig ko ng lumabas ng banyo si Jema. 

Jem. Rinig kong tawag ni Deana sa kanya.

Anong ginagawa mo dito ha?! Inis na sabi ni Jema kay Deana.

This is my room too. Tipid na sagot ni Deana

Okay fine. Sabi ni Jema. I'll just change clothes kaya lumabas ka muna.

Mag-usap muna tayo, Pwede ba? Pakiusap ni Deana.

Para saan pa? Sabi ni Jema.

You have to understand. Sabi naman ni Deana.

Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Diing sabi ni Jema. Pilit kitang iniintindi. Hindi na nga ako nag demand ng time sa iyo eh. Ano pa ba gusto mo?

I'm sorry. Hindi pa kasi ako handa. Sabi naman ni deana.

Hindi ka pa pala handa eh. bakit mo ako niligawan? Inis niyang sabi. Ang labo mo Wong. Total nakausap mo na ako. Pwede ba, ngayon ako naman pagbigyan mo. 

Huwag mo naman gawin to sa akin. Pakiusap ni Deana kay Jema. Mahal kita Jem.

Mahal din naman kita eh. Sabi ni Jema. Pero ikaw na nga nagsabi di ba, hindi ka pa handa. Kaya please lang layuan mo na muna ako. Sabi pa nito at naririnig ko na ang mga yapak ni Jema palapit sa pintuan kaya lumayo na kami ni Miguel.

Pagbukas ng pintuan ay bumungad na sa akin ang naluluhang si Jema, Sa likod ay nakaluhod na si Deana na umiiyak, napayuko na rin ito sa sahig. Jema. Tawag nito kay Jema na dali-daling lumabas na ng kwarto. Huwag mong gawin sa akin to. Sabi naman ni Deana at napayuko na sa sahig habang humahagulgul sa iyak.

Napalingon naman si Jema sa kanya. Bibigyan kita ng sapat na oras para maihanda mo ang sarili mo. Sabi nito habang umiiyak. Hihintayin kita kung kailan ka maging handa. Sabi nito sabay talikod at tumakbo na palayo sa amin.

Lumapit ako kay Deana at napayakap sa kanya samantalang si Miguel naman ay sinundan na si Jema.

'te ayaw kong mawala si Jema sa buhay ko. Sumbong pa nito sa akin habang nasa mahigpit na yakap.

Hindi siya mawawala sa iyo. Sabi ko sa kanya. Kung talagang mahal mo si Jema, magagawan mo yan ng paraan. 

Paano. Sabi pa nito habang napakamot ng batok.

Ikaw lang ang nakakaalam ng sagot Dean? Sabi ko sa kanya. Huwag kang tumulad sa akin. Huwag kang duwag. Harapin mo silang lahat, at patunayan mo kung gaano ka halaga si Jema. Deserve niya rin yun. Ang ipagmalaki. 

Alam kong wala akong karapatang sabihin yun kay Deana. Pero iyon lang ang paraan para maibsan ang hinanakit ni Jema. Alam kong nasasaktan siya kaya gagawin ko ang lahat para bumalik ang dati niyang saya.

.....



Lihim (Double J Tandem)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ