Katotohanan

1.2K 30 3
                                    

Agad na akong umuwi ng condo. Nawalan na ako ng lakas dahil sa natuklasan ko. Nanghina ang buong katawan ko. Alam ko na masasaktan na naman si Jema. Ayaw ko siyang nakikitang ganun kasi doble ang sakit nun sa akin.

Dali dali na akong umakyat ng unit ko para makapagpahinga. Tamang -tama wala naman akong training at kung ano ano pa. Pina-alam ko na rin kay Miguel na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako makakapunta sa resto namin.

Ngayon pa naman sana kami mag-uusap ng fans club ni Jema sa gagawing surpresa sa kanya. Parang nadismaya na ako kaya hinayaan ko na si Miguel yung magplano ng lahat.

Nakatulog din ako agad dahil sa pagod at stress. Nailimpungatan lang ako ng may biglang pumasok sa pintuan ng kwarto ko. Alam ko na hindi yun si Miguel kasi hindi naman yun yung tipong biglang papasok ng Condo. Nag dodorbel talaga yun.

Kinabahan na ako kaya dahan dahan kong kinuha ang walis at nagtungo na sa pintuan. Plano ko talaga pang hahampasin ang kung sinong magnanakaw ang pumasok sa bahay ko.

Ng mabuksan na ang pintuan ng kwarto ay pinaghahampas ko na ang taong may hawak ng doorknob ko.

Aray!!!! Shit naman Julia!!! Reklamo ng taong pinag hahampas ko. Papatayin mo ba ako? Nako naman. Birthday ko na bukas. Paabutin mo naman ako dun.

Binitawan ko na ang walis na pinaghahampas ko sa kanya. Ano ba kasi ang ginagawa mo dito ng dis-oras na ng gabi ha? Tanong ko sa kanya habang hinahimas himas niya ang mga braso niya na pinag sangga niya sa mga palo ko.

Anong gabi? 6pm pa lang. Sabi pa nito at pinakita sa akin ang relo niya. Di ba you promise me na samahan ako ngayon mag shopping?

Ngayon ba yun? Sabi ko naman 

Ay naku. Uminum ka na nga ng Memory Plus. Sabi pa nito na natatawa. Naging hobby mo na ang makalimut eh.

Wala kasi akong sa mood lumabas. Sabi ko naman. Buti pa kay Kyla ka magpasama. Suggestion ko pa dito.

Eh tatlo nga tayo di ba? Sabi pa nito. Minsan nga lang tayo mag bonding eh, ipagkakait mo pa ba yun sa akin? at remember, Birthday ko na mamayang 12 midnight.

Napabunting hininga na lang ako. Birthday nga pala niya kaya kukulitin niya talaga ako hanggang mapapayag niya ako. Gustong gusto niya kasi na exactly 12 midnight ng kaarawan niya ay nandun ako para kantahan siya ng Birthday song. Laging ganun nung High School kami. Nawala na nung nag-iba kami ng University at ngayon ay binabalik niya na naman.

Sige na nga. Magbibihis na ako. Hintayin mo na ako diyan Sabi ko sa kanya at tumungo na ng banyo. Bago pa ako tuluyang lumayo sa kanya.

Ji. Alam ko ang ginawa mo kanina. Sabi nito. Salamat sa concern. Don't worry so much about me. Kakayanin ko to. Seryoso niyang sabi at napayakap sa likod ko. Nakaback hug siya sa akin. Lilingunin ko na sana siya pero napahigpit na siya ng yakap. Ganyan ka lang. Sabi niya. Ramdam kong may tumulong luha sa mga balikat ko habang yakap yakap niya ako. 

Paano mo nalaman? Taka kong tanong.

Naabutan kita kanina sa dorm nila ni Deana, at narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. Mahina niyang sabi, Alam kong umiiyak siya. Mahal ko si Deana kaya kakayanin ko ito. Pangako ko yan sa iyo. Kaya huwag mo na akong alalahanin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Ng huminahon na siya ay napabitaw na siya sa pagkayakap sa akin kaya hinarap ko na siya.

Pinunasan niya agad ang mga luha niya at ngumiti sa akin. Ang cute niyang ngumiti, namumula pa ang ilong niya at ang kanyang pisngi sa kakaiyak. 

Ano na Julia Melissa? Natatawa niyang sabi. Tititigan mo na lang ba ako ha? Tayo na at malalate na tayo sa Dinner Party ko na hinanda mo. Sabay belat sa akin.

Pati yun alam mo? Sabi ko sabay hampas sa kanya, tumawa lang siya. Wala talaga akong maitatago sa iyo. Sabi ko na lang at pinaghahampas siya ulit.

Tawang tawa naman siya habang iniiwasan mga hampas ko sa kanya. Hai naku Julia Melissa, alam ko na lahat ng laman ng utak mo noh. Kilalang-kilala na kita.

Ay iwan ko sa iyo. Sabi ko na lang.

Bilisan mo na kaya, hindi tayo na lalate Julia. Sabi pa nito habang nakataas ang kilay.

Oo na po. Sabi ko. Bibilisan ko na.

Masakit talaga ang umibig. Kaya hanga ako sa tatag ni Jema. Nagagawa niya pa ring tumawa at ngumiti despite sa sakit na nararamdaman niya. Lalo na akong napa wow sa kanya.

......

Lihim (Double J Tandem)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora