Bitaw

1.2K 39 3
                                    

Nagising ako sa hindi familiar na lugar kaya nataranta ako.

Chill lang Ji. Saway ni Bea sa akin ng makita niya akong dali daling umupo sa pagkakahiga. Huwag kang magmadaling bumangon, sasakit yung ulo mo niyan. At tama nga si Bea, biglang sumakit ulo ko.

Anong katangahan ba ang ginawa mo at naligo ka pa sa ulan ng madaling araw ha? Tanong naman ni Ate Alyssa sa akin. Parang naguluhan ako kaya hindi na rin ako makapag salita.

Napatingin ako sa paligid. Parang may hinahanapo ako na hindi ko mawari.

Hinahanap mo si Jema noh? Pang-asar naman ni Bea sa akin. Para nga akong sira. iniwan na ako ni Jema. Alam mo bang tinawagan pa ako ni Jema madaling araw dahil bigla ka na lang nahimatay sa harap ng dorm nila. Sabi pa ni Bea habang namemewang na tila inis na inis sa ginawa ko.

Nagkasakit din si Jema, Sabi naman ni Ate Alyssa. Pero ayaw niya mapa-admit kaya inuwi na siya ni Deana sa kanila para makapag-pahinga.

Napahiga na ako at napatingin sa malayo. Eh ano pa ba ang ene-expect ko, pinagtulakan ko yung tao, tapos ngayon na parang napalapit na sila, ito, nasasaktan ako. Nababaliw na yata ako.

Alam ko na yung tungkol sa inyo ni Jema. Natatwang sabi ni ATe ALyssa kaya nanlaki ang mata ko kay Bea, at tinapon ang unan ko sa kanya.

Ano ba? Sabi nito. Wala akong sinabi noh. Reklamo pa ni Bea.

Kanina kasi hinatid ni Bea sina Deana at Jema sa labas ng ospital, at narinig kitang nagsasalita habang tulog. Nakangising paliwanag ni ATe Alyssa. Akala ko ba may Miguel ka na? Anyare? Tanong niya pa.

Napairap na lang ako ng mata at kinumutan ang sarili ko habang tinalikuran sila. Tahimik lang ako pero hindi nila ako tinigilan.

Walang lihim na mananatiling lihim Julia. Natatawa niyang sabi. inayaan ko na, ayaw ko na kasing lumaki ang isyu. Alam ko sa sarili ko na nasasaktan na ako. Pero ayaw ko ng hilahin pa pababa kasama ko si Jema.

....

Pangalawang Gabi na ako sa ospital. Malas kasi, friday ako dinala dito, walang opisina sa sabado at linggo kaya sa Monday talaga ako irerelease. Parang preso na ako dito. Palitan si Ate Alyssa at Bea sa pagbantay sa akin.

Buti naman at ngayon si Miguel na ang nag bantay sa akin. Wala na nangungulit sa akin tungkol kay Jema. Ayaw ko na rin kasing maalala pa si Jema kasi sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya kumikirot na ang dibdib ko.

Maya maya pa ay nakayulog na sa sofa si Miguel kaya nag check ako ng Social Media. Iwan ko ba pero, hindi ko maiwasan i stalk siya. Nakita ko yung bago niyang profile Picture. Maikli na ang buhok niya at nagulat ako sa suot niya Jersey number. 8 na.

Naalala ko bigla ang sinabi niya sa akin nung bago pa kami sa UAAP, "Habang suot ko pa ang number natin, aasa ako sa iyo."

Jersey #12 pinili namin dahil nagkakilala kami ni Jema April 12. Parang Friendship day. Ang bilis niya naman yun napalitan.

Binasa ko yung napost niya, "Minsan kahit gaano pa ka halaga, kailangan mong iwan talaga, dahil ramdam mo na hindi ka na mahalaga sa kanya."

Napaluha ako ng mabasa ko yung post niya, pero hindi pa talaga ako tumigil, binasa ko pa ang mga comment.

Bea: Tanga lang? Paulit ulit? Reply ni Jema: Shunga!!! Last na nga yun!

Denise: Move-on na ba talaga? Reply ni Jema: Sure na. Bumitaw na ako.

Miguel: Ako na bahala sa kanya. Reply ni Jema: Alam ko naman na hindi mo yun iiwan. Miguel: Lagi naman eh. Reply ni Jema: Huwag mong sukuan. Miguel: Makakaasa ka.

Deana: Akin ka na lang. :) Reply ni Jema: Uy. Ang lakas ng hangin oh. Deana: Ako naman. Reply ni Jema: Ikaw ang alin? Deana: Ang mahalin mo. Reply ni Jema: Asaness overload. Deana. Hindi rin kita susukuan. Reply ni Jema: Let's see. Bea: Hoy!!!! Ang haharut. Comment box to uy!? Hindi ito Messenger. Mga sira. Reply ni Jema: Inggetera! Bea: Huwag mo akong tawagan pag umiyak ka naman!

Kahit ako nag tulak kay Jema palayo, ito at iyak pa rin ako ng iyak. Ang sakit sakit. Sobrang sakit.

......


Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now