GrandSlam

1.2K 36 1
                                    

On the game kami eh. Nag focus na lang kami sa Volleyball kesa pagtuonan ng pansin ang nararamdaman namin sa isa't-isa.

Double J is on Fire. Rinig kong sabi ng Announcer ng maka score si Jema ng Spike. Unstoppable talaga ang Duo.

Sa Pangatlong taon nakuha ng SPNHS ang Kampeonato. Sabi ng Announcer sabay bagsak ng mga lobo sa taas namin.

Nilapitan na kami ng mga ka Team namin at niyakap ng mahigpit. Nag ngitian lang kami ni Jema dahil hinila na siya ni Richard para icongratulate.

Congrats Julia. Sabi ni Miguel ng maabutan niya akong nakatayo mag-isa sa court. Kayo ulit ang nagpapanalo ng team. So proud of you.

Salamat Migs. Sabi ko sa kanya. Three years ka na walang absent sa laro namin auh.

Nag ngitian lang din kaming dalawa. Kahit papano naman hindi talaga mawawala ang pagkakaibigan naming dalawa.

Yes!!!!!! Sigaw ni Richard kaya napalingon na ang lahat sa kanya. Guys! Sinagot na ako ni Jema. Tuwang-tuwang sigaw niya habang pinipigilan siya ni Jema.

Uy. Tumahimik ka nga. Saway niya dito na nakangiti.

Nakaramdam ako ng kirot sa mga nakikita ko kaya hinila na ako ni Miguel palayo.

Pwede ka ng umiyak. Sabi ni Miguel ng napalayo na kami sa court. Wala pang isang segundo napahagulgul na ako sa iyak,

Nakatayo lang kami ni Miguel sa tagong lugar malapit sa parking lot. Wala may nakakita sa aking umiiyak. Tanging kami lang dalawa ni Miguel.

Walang kami. Wala akong karapatan sa kanya. Hindi ko siya pinaglaban pero bakit ganito ako. Ang sakit sakit.

Jia? Rinig kong tawag ni Jema sa akin sa likod. Nakatalikod kasi ako sa kanya. Bakit ka umalis?

Dali dali kong pinunasan ang sarili ko at tinignan si Miguel. Suminyas na siya na okay kaya hinarap ko na si Jema. Nagpahangin lang ako. Kasama ko naman si Miguel. Bumalik ka na dun sa loob Jem.

Sunod ka ha. Magcecelebrate pa tayo. Sabi ni Jema sabay ngiti sa akin. Napayakap pa siya. Salamat sa lahat. Agad naman siya bumitaw sa pagkayakap at bumalik na sa Gym.

Okay ka lang ba Julia? Tanong ni Miguel.

Ayos lang. Sabay ngiti sa kanya. Ganito lang talaga kami ni Jema. Wala eh. Hindi pwede.

Marami naman tulad niyo. Sabi naman ni Miguel.

Hindi kami tulad nila. Tipid kong sabi at bumalik na sa Gym.

.....

Tinawag na bilang MVP si Jema. kaya natuwa din ako sa kanya.

Dapat sa iyo to eh. Sabi ni Jema sa akin at sinuot sa akin ang Medalia niya. Hindi ko mararating to kung hindi dahil sa'yo. Sabi niya sabay yakap sa akin. Mahal na mahal kita Jia, Bulong niya sa akin kaya naitulak ko siya.

Jem? Itigil mo na to pwede ba? Bulong ko sa kanya na naka kunot noo. 

I'm sorry. Kailangan ko siyang sagutin kasi nahahalata na ako ni Dad. Ayaw kong masira ka sa kanya. Sabi niya. Gusto lang kitang protektahan.

Hindi magandang gumamit ka ng ibang tao para pagtakpan lang tayo. Bulong ko sa kanya.

Ano ba ang ginagawa mo kay Miguel? Sabi niya. Di ba, hanggang ngayon akala ng mga magulang niyo kayo pa rin. Sinunod lang kita. 

You deserve better Jem. Sabi ko. 

I only want you.  Diin niyang sabi.

Hey!!!! Kanina pa kayo nagbubulungan diyan ha. Papigil sa amin ni Bea. Tayo na. Kanina pa tayo tinatawag ni Coach. Agad na umalis si Bea palayo sa amin.

Kung sana kaya lang natin ipaglaban ang isa't-isa. Bulong ni Jema bago ako iniwan sa gitna ng court.

Hinawakan ko ang Medalyang binigay ni Jema sa akin. Sana ganito rin kadaling ibigay ang puso ko sa kanya.

....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now