Paalam

2.3K 52 11
                                    

Balik training na. This time hindi na kami magkasama ni Jema. Nakapanibago, naka walang gana, pero ganito nato eh. Ito na ang pinili naming landas. Hindi naman habang buhay kami magkasama. May mga kanya kanya din kaming tinatahak na daan.

Masaya ako kapag nandiyan si Jema. Isang dekada ko ring ipinadama sa kanya kung gaano siya ka special sa akin, at ganun din naman ako sa kanya.

Hindi rin naman maitatanggi na may mga nasasaktan kaming tao dahil sa pinag gagawa namin. Isa na dun si Miguel. for 10 years, ito siya at nag-aabang lang kung kelan ba talaga ako babalik sa kanya. In the first place, siya naman talaga yung nauna.

Mas pinili ko lang pangarapin ang buhay na kasama si Jema pansamantala. Alam ko rin namang darating din ang panahon na makakahanap siya ng hihigit sa akin. Ang talagang deserving sa pagmamahal niya. Yung taong panindigan siya, na hindi ko nagawa.

Ji? Tawag pansin sa akin ni Miguel pagkatapos ng training ko with National Team.

Uy Miguel. Gulat kong bati sa kanya. Anong ginagawa mo dito. Tanong ko sabay halik sa pisngi niya.

Ang lalim naman yang iniisip mo. Sabi pa nito sabay nguso sa akin. Kanina pa kaya ako dito.

Wala yun. Sabi ko. Nakakapagod lang yung training.

Aysus Julia. Suya pa nito. Hindi mo na ako maloloko diyan. Ano ba ang iniisip mo? Namiss mo na naman ba si Jema?

Hindi noh. Bakit ko naman yun mamimiss? Pagod lang talaga ako. Dahilan ko.

Okay fine. Naniniwala na ako. Pilit niyang sabi at niyakap ako/

Migz? Bakit ako? Bigla kong naitanong sa kanya. Ang dami naman diyan pwedeng mahalin bakit ako?

Inabot ni Miguel ang mga kamay ko at hinarap ako. Napatingin siya sa mga mata ko at binigyan ako ng napaka sincere na ngiti. Dahil ikaw ang nagpapangiti sa akin ng ganito.

Pero labis kitang nasasaktan dati. Dagdag ko pa.

Balewala yung lahat ng sakit na iyon, basta maksama kita habang buhay. Sabi pa nito at napahalik sa noo ko. Mahal kita, yun ang pinili ko. Yun ang choice ko, walang pumilit sa akin, walang sino man ang makakadikta. Ikaw ang pinili kong mahalin dahil sa iyo lang ako masaya.

Napaluhan na ako sa sinabi ni Miguel. For this past 10 years, nabulag ako sa nararamdaman ko kay Jema. Hindi ko nakita kung gaano ako ka swerte sa taong ito. Napahigpit ang yakap ko kay Miguel. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Alam ko na alam na ni Miguel kung ano ang ibig kong sabihin sa kanya. Kung ano man ang nilalaman ng puso ko.

"Paalam na Jessica Margaret Galanza, Tapos na rin sa wakas ang kwento nating dalawa. Ang lihim na tayo lang ang nakaka-alam. Ang pag ibig na kailanman ay hindi ko pagsisisihan. Ngayonng tapos na ang kwento nating dalawa. Sa wakas, ma aayos ko na rin kung anong meron sa amin ni Miguel. 

Ang lihim nating pagmamahalan ay laging nakatatak na sa puso ko, at siguro ganun din sa iyo. Pangako ko sa iyo, lagi lang ako nandito pag kailangan mo. Wagas na pagkakaibigan kailanman ay hindi nag-iiwanan. Sana masaya ka na sa pinili mong landas. Sa muli, ako po si Julia Melissa Morado, nagsasabing, hindi lahat ng gusto mo nakukuha mo, minsan bahagi lang sila ng tinatahak mong daan patungo sa tunay na nagpapasaya sa iyo. Mahal kong Jema, ikaw ang daan para maabot ko ang nararating ko ngayon. Habang buhay kitang mamahalin. Salamat at patnubayan nawa tayo ng Maykapal."

......

Sorry guys. have to end the story. busy sa school works. Thank you po sa pagbabasa. DOUBLE J, Signing - off.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Sep 09, 2019 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Lihim (Double J Tandem)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt