Karibal

1.2K 26 0
                                    

Nagsimula na ang PVL at magkasama kami ni Jema na nagtungo sa venue ng laro namin. gaya ng dati napa clingy talaga ni Jema. Pero ang kaibahan lang eh may mga nakabantay na sa aming dalawa.

Todo supporta lang naman si Miguel at si Deana sa amin. Everytime may laro ay nandun sila sa audience, kung training naman andiyan lang sila sa bench at na nonood sa amin.

Hindi naman masyado nakapaglaro si Jema, pero pag nakapasok siya sinigurado kong mabibigyan ko siya ng set kahit nasa likod lang siya. Ginawa kasi siyang service specialist at pan dagdag sa depensa sa likod dahil yun ang kahinaan ng team namin pag wala si Ate Ly sa harap.

Sa tuwing nakaka score siya ay nagyayakapan kami sa gitna ng court. Normal naman yun sa iba, pero sa mga bantay namin may iba ng ibig-sabihin. 

Pagkatapos ng game ay nag shower at sabay kaming lumabas ni Jema sa dug-out. Kitang kita ko yung dalawang pares na mga mata na nakatitig lang sa amin ni Jema habang hawak kamay kaming naglalakad papunta sa kanila.

Kailangan ba talagang ganyan? Tanong ni Deana sabay turo sa magkahawak naming kamay ni Jema.

Bakit ba? Pagmamalditang tanong ni Jema Anong problema mo ha!? Matapang niyang hinarap si Deana.

Wala naman. Mahinahong sabi ni Deana sabay nguso at nakakunot pa ang noo niya.

Bigla namang lumapit si Miguel sa akin, at pilit kinuha ang kamay ko kay Jema, Tinitigan niya ako ng seryoso. Akin na 'to ngayon. Pinayagan na kita this past 8 years, ngayon hindi na.

Ano bang pinag sasabi niyo ha?! Inis kong sabi, Tigilan niyo nga kami ni Jema. Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na wala na yung malisya ha. Sabi ko sabay layo sa kanila.

Bleh!!!! Rinig kong sabi ni Jema at sumunod na sa likod ko.

Tahimik lang ang lahat. parang natakot yata sa akin. kaya tinuloy ko na ang paglalakad. Nahabol naman ako ni Deana. "te? Sorry na. Sabi niya habang nagmamadaling mahabol ako.

Napahinto ako ng maramdaman kong hinihingal na si Deana, Yun lang ba sasabihin mo? Seryoso kong tanong at hinanap ng mga mata ko si Jema. Bigla na lang silang nawala ni Miguel. Asan na yung dalawa.

May binili lang sila. Paliwanag naman ni Deana sa akin.

Lalo akong nagtaka kasi hindi sumama si Deana kay Jema at si Miguel pa yung sumama dun.

Nakita kong nakatitig lang si Deana sa akin. Anong tingin yan Wong? Taka kong tanong.

Bakit ka ba crush ni Jema. Eh mas maganda naman ako sa iyo. Maktol nito kaya natawa na lang ako.

Beauty is in the eye of the beholder. Sabi ko sa kanya.

Ang labo naman ng mata ni Jema. Pang-asar niya pa.

Kahit ano pa sabihin mo, ako pa rin ang ultimate crush ni Jema. Pang-asar ko rin sa kanya.

Crush ka lang naman niya, Proud niyang sabi. Ako ang mamahalin niya.

Let's see. Sabi ko sabay smirk sa kanya kaya inirapan niya lang ako ng mata.

Tamang tama naman na dumating na sina Jema. Guys. Dinner tayo somewhere, gutom na ako. Yaya naman ni Jema sabay hawak ng tiyan niya.

Saan niyo ba gusto? Tanong ni Miguel sabay kuha ng susi ng kotse niya. 

Sa UPTC tayo. Sabay naming sabi ni Jema at natawa kami. Yung dalawa naman ay walang emek.

Hindi naman kami nakadala ng kotse namin kaya sumabay na kaming apat kay Miguel. Ako na ang naka-upo sa tabi ni Miguel sa deriver seat, at sa ko naman naka-upo si Jema at si Deana sa tabi niya.

Sa isang fastfood lang kami kumain ng dinner. Pagkatapos ay hinatid na namin sina Deana at Jema sa kani-kanilang dorm.

Ji. Tawag pansin ni Miguel sa akin habang bumabyahe kami papunta sa condo ko. Napalingon na ako sa kanya at nakita kong masyado siyang seryoso. Pwede bang ako naman?

Ano? Taka kong tanong.

Nag-usap na kami kanina ni Jema, Seryoso niyang tugon. Sinabi ko na sa kanya na handa na akong labanan siya.

Bakit mo naman siya lalabanan? Tanong ko sa kanya.

For 8 years, hindi ako ang naging priority mo dahil sa kanya. Sabi niya.

Alam mo ba kung bakit hindi kami nag work-out ni Jema? Sabi ko sa kanya.

Bakit? Tanong niya.

Kasi iniisip kita. Sabi ko. Ayaw kitang saktan. Kaya, sinasabi ko sa iyo, hindi mo na kailngan labanan siya. Kasi, wala siyang laban sa iyo.

Nagulat si Miguel sa sinabi ko kaya napahinto na siya sa sulok. Tinitigan niya ako na tila nagsasabing ipagpatuloy ko ang sasabihin ko.

Si Jema. Siya yung taong nagbigay kulay sa buhay ko. Ginawa niyang exciting yung boring kong buhay. Minahal ko siya pero hindi ako ang taong deserve niya. Sabi ko. Ilang beses ko siya nabigo at nasaktan dahil iniisip kong hindi kami ang tama sa isa't-isa. Hindi kami ang tama kasi may nasasaktan kaming tao, at ikaw yun.

Sorry. Tipid niyang sabi.

Hindi mo kasalanan yun. Si Jema at ako ay pinag-tagpo lang pero hindi tinadhanang magsama. Sabi ko. At alam ko sa loob loob ko, nandito ka. Sabi ko sabay turo ng puso ko.

Sana hindi mo lang ako pinili dahil ako yung tama, Sabi niya. Sana piliin mo rin ako kasi ako ang mahal mo.

Alam kong darating tayo diyan. Ngiti kong sabi kay Miguel at napangiti na rin siya.

......


Lihim (Double J Tandem)Kde žijí příběhy. Začni objevovat