Selos

1.3K 38 5
                                    

Maaga na ako nagising kaya maaga akong nagtungo ng training. Sinundo at hinatoid naman ako ni Miguel papuntang Gym.

Nandito na lahat maliban kay Jema.

Uy nasaan na yung partner mo? Tanong ni Ate Mel sa akin.

Hindi ko nga alam eh. HIndi naman yun na le-late. Pagkasabi ko nun ay pumasok na si Jema sa Gym na nagdadabog. Walang may nag dare na tanungin siya kong bakit. 

Ngayon ko lang siya nakitang nakabusangot, nakakatakot pala. Lagi kasing nakangiti lang siya.

Nilapitan ko na siya kasi pinagtitinginan na siya ng mga kateam mate namin habang padabog niyang sinusuot yung sapatos niya.

Hoy!!! Tawag pansin ko sa kanya sabay batok para mahimasmasan.

Nakakainis yung Wong na iyon. Sabi niya sa habang naka kunot ang noo at nakanguso.

Anong nangyari. Sabi ko kaya napatayo siya at hinarap ako.

Ang Bwisit na yun. Sabi niya sa akin susunduin niya ako sa dorm. Naku naghintay ako dun. Sabi alas cinco siya darating. Sabi niya at nahihingal na sa sobrang galit. Mag si-six na, wala pa. Inintindi ko kasi baka natrapik lang. Pero madaling araw yun eh, wala pa yung trapik. Dumating siya past six na, at alam mo kung ano ang dahilan niya bakit late siya?! Sabi niya na nanlalaki na mata niya. parang natatawa na ako pero pilit kong pinigilan.

So ano yun? Tanong ko sa kanya. pigil na pigil na ang tawa ko kasi parang umuusok na ang ilong ni Jema. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. at kay Deana lang.

Walang hiyang iyon. Hinatid niya pa daw si Pauline pauwi kaya siya natagalan. Sabi niya na parang inis na inis. Sabi niya ako yung priority niya pero pinahintay niya ako ng isang oras dahil mas inuna niya pa yung iba.

At hindi ko na talagang napigilang matawa sa mga naririnig ko kay Jema. Hindi naman iba si Pauline eh, Natatawa kong sabi. Team mate namin yun. Si Ponggay lang yun.

Ganun ba? Sabi ni Jema na tila di makapaniwala. Eh sabi nung gung-gung na iyon ibang Puline yun eh. Bwisit yu. Niloko pa ako.

Selos ka naman agad. Natatawa kong sabi kaya tinulak na ako ni Jema.

Wala kang kwentang kaibigan. Sumbat niya sa akin.

Minahal mo naman. Sabi ko.

Na pinagsisihan ko. Sabi niya pa sabay belat sa akin.

Selosa ka pala eh. Natatawa kong sabi kaya pinaghahampas na ako ni Jema.

Ewan ko sa iyo. Sabi niya at dalidaling kinuha yung volleyball at tinapon sa akin, sinalo ko naman agad yung bola at tinapon sa kanya. Parang natamaan ko siya sa mukha kaya nataranta akong lumapit sa kanya, tapos hinila niya na ako at kiniliti. Habang nagtatawanan kami ay may biglang may nagsalita sa likod.

So? Nahuli na ba ako? Seryosong may nagsalita sa likod kaya napalingon kami. Si Deana. Andito sana ako para magpaliwanag sa iyo, pero parang nahuli na yata ako. Galit na sabi ni Deana at lumabas na ng gym.

Napatingin ako kay Jema, parang natulala siya sa nangyari. Jem. Tawag pansin ko sa kanya. Sundan mo na. Utos ko sa kanya, at dali dali din yang sinundan si Deana sa labas.

Napasmirk na lang ako. Parang seryoso na yata tung dalawa. 

......


Lihim (Double J Tandem)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt