Tulay

1.2K 38 4
                                    

After ng mga intense training, ngayon lang talaga ako nakapag-pahinga ng maayos dito sa condo ko.

Nag timpla ako ng Hot Choco, gumawa ng sandwich at naupo sa sala. Nanood na ako ng netflix. Napa kumportable na ng pagka-upo ko ng may kumatok sa pinto ko.

Morado? Tawag ng taong nasa labas lang ng pintuan ko.

Sino naman kaya ito. Isturbo talaga. Ngayon na lang ako ulit nakapag-solo pero parang hindi na yun mangyayari.

Sinilip ko muna kung sino ang nasa labas ng pintuan ko, at nagulat ako sa nakita ko. Agad ko naman  siyang pinag-buksan.

Napayakap agad ito sa akin ng makita niya ako. Jia. Sabi niya na naiiyak pa.

Anong nangyari sa'yo. Sabi ko sa kanya at hinila ko na siya papasok ng Condo ko. Pinaupo ko na siya sa sala at pinatay na lang yung TV. Magkwento ka na. Sabi ko ng maupo na kami pareho sa sala.

Nakakainis kasi eh. Sabi niya at napatayo na naman.

Ano bang nangyari sa iyo ha. Gulat kong tanong. never ko pa talagang nakita si Jema na ganito ka galit.

Si Deana kasi eh. Sabi nito sabay pa lakat lakad sa harap ko.

Ano?! Lalo na akong nagtaka.

Kanina kasi nag conference para sa opening ng UAAP, magkasama kaming pumunta dun ni Deana kasi sinamahan niya ako, Sabi nito at naupo na sa harap ko. Syempre ako yung captain kaya ako yung representative ng school. Andun naman lahat ng team at kumpleto naman lahat dahil may dinner party after noon. Nung una naman ang sweet niya sa akin. Umupo pa kami ng magkatabi. Magkalapit din naman ang teams namin. Hiniwalay ang lahat ng Team Captain para sa konting interview.. Uminum muna siya ng tubig at nag kwento ulit. Eh natanong yung tungkol sa amin ni Fhen, syempre awkward yun kaya namula ako. napatingin ako kay Fhen at nagtawanan lang kami. Tapos tinukso pa ako ni Maddie kasi magkatabi lang kami. Sabi nito na nahahapo na. Para kasi itong nag rarap kung magsalita. Tapos, yun bigla siyang nag walk-out. Lumabas siya ng venue at never na bumalik. 

Parang natatawa na ako pero pinigilan ko na ang sarili ko. Natataranta si Jema kasi iniisip niya siguro na baka galit sa kanya si Deana. Natahimik na lang ako at nilunok ko yung laway ko sabay kagat ng lower lip ko.

Julia Melissa Morado!!!? Tawag niya sa akin. Pinagtatawanan mo ba ako ha!? Sabi niya at pinagdilatan ako ng mata. Nag-alala na ako, kasi ayaw niyang sagutin mga tawag ko, tapos hindi rin siya nagrereply sa mga texts ko. Pinuntahan ko siya dun sa dorm nila, sabi ni Maddie hindi pa raw nakabalik. Pero alam ko naman na tinatago lang nila dun si Deana. Kinuyog niya na ako kaya hindi ko na napigilang tumawa. Bakit ka ba tumatawa? Nakakainis ka! Sabay hampas sa akin. 

Hahahaha. Tawang tawa ako sa reaksyon ni Jema Pano naman kasi para kang temang diyan.

Problema kaya to. Sabi naman niya sa akin sabay taas ng kilay niya.

Okay fine. Sabi ko at huminahon na ako. Ano ba maitutulong ko sa iyo ha? Hindi ka naman pupunta dito kung wala kang kailangan. Sabi ko pa kaya napatingin siya sa akin.

Kausapin mo naman si Deana for me. Sabi niya sabay luhod sa harap ko.

Ano naman ang sasabihin ko dun? Taka kong tanong.

Alam mo na yun. Sabi naman niya  sabay pa cute at hinila hila na yung damit ko habang nakaluhod sa harap ko.

Sabihin mo nga sa akin. Curious kong sabi. Ano bang meron sa inyo ni Deana ha?

HIndi ko rin alam eh. Sabi niya at napaupo na ito sa sahig at napasabunot sa buhok niya. Kasalanan mo 'to eh.

Ako? Taka kong tanong. Anong ginawa ko ha?!

Pinagtutulakan mo ako dun. Sabi niya pa.

eBakit nagpatulak ka? Sabi ko. Pwede ka naman kumapit sa akin o umiwas sa kanya auh.

Kasi nga ng tinulak mo ako, Sabi niya na nakayuko. parang nahihiya yata. Napatid ako... Sabi niya at napabuntong hininga, at natumba ako sa kanya.

Sinalo ka naman? Tanong ko.

Sana. Sabi niya. Kasi nakakapagod ng bumangong mag-isa. Tinitigan niya ako na tila para yun sa akin. Alam ko naman na ako yung dahilan ng mga banat niyang yun.

Sige na. Kakausapin ko na si Deana, Sabi ko pa, Baka kung saan pa tayo mapunta. Sabi ko na lang sabay kuha ng phone ko.

Ji, Tawag niya ulit sa akin at hinawakan ang kamay ko. ikaw lang naman ang iniyakan ko dati eh.

Napasmirk ako sa sinabi niya. Ano naman tawag mo kay Richard at Fhen? Tanong ko.

Hindi naman akon talagang umiyak sa kanila. Sabi nito. At alam mo yun.

Napatingin ako sa kanya. Ngayon? Naitanong ko at hinintay ko yung sagot niya. Natahimik muna kami bago siya nagsalita ulit. Siguro pinag-isipan niya pa talaga.

Sana nga si Deana na yun Ji. Sabi niya na luluha na. Kase sasabog na talaga ako pag hindi pa siya.

Napayakap na ako kay Jema. Huwag kang mag-alala. Ito na 'to. Sisiguruhin ko. Napaiyak naman si Jema sa mga balikat ko.

Mahal ko na siya Ji. Bulong ni Jema sa akin. Masakit pero kakayanin ko 'to. Para kay Jema, gagawin ko ang lahat, makita ko lang siyang masaya.


Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now