Kapit

1K 36 3
                                    

Sa sobrang kaba hindi na ako naka galaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako kina Jema at Deana. Kitang kita ang takot sa mga mata ni Jema. Parang naiiyak na, pero itong si Deana ay nakangiti lang sa kanya.

Babe? Tawag sa akin ni Miguel kaya naalimpungatan ako. 

Oh? Kamusta si Tito Dean? Naitanong ko kay Miguel pagkatapos niyang sundan ang Dad ni Deana palabas ng Gym.

Muntik pa kami mag suntukan ni Luigi. Inis niyang tugon sa akin. Huwag ko daw lapitan si Tito.

Ano? Taka kong tanong.

Sa palagay ko kasali yata tayo sa gulo ng dalawang iyan. Nakanguso niyang sabi.

Napatingin sa amin si Jema. Mukhang nag alala na rin siya. Dali dali niya kaming nilapitan pero hinatak na siya ni Deana. Jem? Saan ka pupunta? Tanong ni Deana kay Jema na naka kunot noo na.

Lalo mong pinalala yung sitwasyon natin Deana. Agad na sagot ni Jema kay Deana.

Halos nakatingin lang lahat ng nandun sa kanila kaya pumunta na ako sa gitna para pagaaanin ang magulong gabing ito.

Ehem. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob para magsalita. Guys. Good evening. Pwede natin ituloy ang sinumulan nating hapunan. Ngiti kong sabi. We apologize for making a scene, and we thank you for not spreading rumors about this. I hope what happened here stays in this room. Sabi ko at nakita ko rin naman na sumangAyon ang mga tao dun at agad nilang dinelete yung mga videos at pictures na nakuha nila. Thank you and God bless.

Agad din akong nilapitan ni Jema. Ji? Iuwi mo na ako. Bulong nito sa akin habang naka hawak sa braso ko.

Nagtaka ako at napatitig kay Miguel. Sige. Ihatid ko na kayo sa Condo mo. Sabi naman ni Miguel sa akin at sabay naming tinignan si Deana. Sama ka? Tanong ni Miguel sa kanya.

I guess, I have to stay in the dorm. Tipid na sagot ni Deana at lumapit kay Ponggay na nakatitig lang pala sa amin sa malayo.

Ano bang nangyayari ha? Bulong ko kay Jema. Nakayuko lang siya kaya pilit kong ini-angat ang mukha niya. Nakita kong tumulo ang mga luha niya.

Iuwi mo na ako Ji. Sabi ni Jema ulit at lalong hinigpitan ang hawak sa akin.

Mauna na ako sa kotse Ji. Sabi naman ni Miguel, tinangu-an ko lang siya.

Hinila ko na si Jema at lumapit kami kung nasaan si Deana. Deana, iuuwi ko muna si Jema sa condo ha. Paalam ko sa kanya.

Nakita ko ang pilit na ngiti mula kay Deana. Salamat Ate Jia, ikaw na muna bahala kay Jema.

Huwag kayong bibitaw ha. Sabi ko na lang. Kapit lang. Magiging okay din ang lahat.

Kakapit ako. Diing sabi ni Deana. Sana may kakapitan ako.

Dahan dahang inangat ni Jema ang mga kamay niya para abutin ang kamay ni Deana. Hindi ako bumibitaw Deana, kailangan mo munang ayusin ang gusot mo sa pamilya mo. Ayaw kong maging dahilan ng pagkasira niyo. Darating din naman ang araw na magiging okay na din ang lahat. Hihintayin kita. Sabi ni Jema at tuluyan ng umiyak ang dalawa habang napagitna ako sa kanila. Tayo na Ji. Iuwi mo na ako. Bumitaw na sa pagkahawak si Jema kay Deana at hinila niya na ako palabas ng Gym.

Walang tigil ang iyak ni Jema hanggang marating namin ang condo. HInayaan ko na siyang umiyak ng umiyak.

Babe? Ayus lang ba kayo dito? Tanong ni Miguel ng maihatid niya na kami sa Condo.

Okay lang kami dito Migs. Ingat ka na lang pauwi. Sabi ko at lumabas na ng kotse. 

Inalayan ko na rin si Jema dahil alam kong nanghihina na ito sa kakaiyak.

Kailan pa ba tu matatapos Ji? Tanong ni Jema ng marating na namin ang kwarto, napahagulgul na siya sa kakaiyak.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya niyakap ko na lang siya at binulong ang kailangan niyang marinig. Kapit lang.

......

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now