Sumbat

1.2K 35 4
                                    

Napaupo na ako sa sahig at napasandal sa pintuan ng kwarto ni Deana. Tulog naman sina Maddie kaya madilim ang mga hallway. lights' off na kasi.

Naririnig ko yung usapan nina Jema at Deana. Iwan ko ba. masakit na nga, sige pa rin ako ng sige. Nagbubulungan pa sila nung una kaya hindi masyadong klaro sa akin ang pinag-usapan nila hanggang narinig ko na si Jema...

Pakinggan mo kasi muna ako. Sabi ni Jema kay Deana. Ang problema kasi sa iyo hindi ka nakikinig. Maktol nito. 

Para kasing may pinagtalunan pa sila.

Bakit ka ba kasi ganun sa ex mo ha. Parang galit niyang sabi. Parang kayo pa rin eh.

Sinabi ko naman sa iyo ang dahilan di ba? Inis na tugon ni Jema. Paulit - ulit tayo eh. Hindi mo naman maalis sa amin na maging close dahil setter ko siya. Ano gagawin ko ha?! Alangan naman hindi ako makipag-usap sa kanya? Paano kami mananalo sa mga laro namin kung hindi ako coconect sa kanya. Sabi naman nito.

Ganun din ba kayo ni Ate Jia ha? Sabi naman ni Deana. Nadamay pa ako sa usapan nila.

Iba yun. Mahinahong sagot ni Jema. Si Jia ay bestfriend ko. Kung sakaling papiliin mo ako sa inyong dalawa. Patawad Deana, hindi kita mapipili. Diin nitong sabi.

Biglang natahimik yung dalawa sa loob ng mga ilang minuto.

Sayang. Sabi naman ni Jema. Handa na sana akong mahalin ka. Narinig ko naiiyak na ang boses niya.

Kundi mahalin mo ako. Sabi naman ni Deana habang naiiyak. Kasi sobra rin naman kitang mahal. Handa ko naman tanggapin ang lahat eh.

Tatanggapin tapos ano? Sabi naman ni Jema. Sumbatan na naman tayo ng nakaraan ko ha.

Pina process ko pa kasi. Sabi ni Deana. Kasi first time ko to eh. First kong ma in love ng ganito. Ang sakit lang kasing isipin na hindi ako ang una mo.

Oo nga hindi ikaw yung una, Sabi naman ni Jema. Pero gusto kitang maging huli ko. Yung pang habang-buhay ko. Hindi pa ba sapat na Mahal na kita Deana? Napahagulgul na ito ng iyak.

Hindi ko mapigilang mapaiyak sa mga naririnig ko. Naninikip na ang dibdib ko na hindi ko alam. napapikit na ako at napahawak sa dib dib ko. 

Ano ba yang ginagawa mo sa sarili mo. Nagulat ako sa nagsalita sa harap ko. Napa-angat ako ng tingin at nakita ko ngang nakatingin lang sa akin si Bea.

Agad niya na ako hinila patayo at kinaladkad papasok ng kwarto niya.

Pag pasok namin nakita kong nakahiga sa isang kama si Jhoana habang nag cecell-phone.

Jho. Tawag pansin naman ni Bea kay Jhoana. Pwede ba dun ka muna kina Maddie. May pag-uusapann lang kami ni Jia. Tumayo rin si Jhoana at dali daling lumabas ng kwarto. Sinira naman ni Bea yung kwarto niya at tinulak niya na ako sa kama para paupo-in.

Napahagulgul na ako sa iyak. Napa-upo ulit ako sa sahig at napasandal sa kama ni Bea. lumuhod na si Bea sa harap ko at tinitigan ako ng masama.

Masuhista ka ba? Inis nitong sabi. Bakit ba ang hilig hilig mong saktan ang sarili mo ha?

Wala na Bei. Sabi ko habang umiiyak, Napasabunot ako sa buhok ko

Tanga ka ba? Sabi nito at napatayo. Tinuringan kang Cumlaude pero tanga ka. Ikaw nag dala dito kay Jema para kausapin si Deana tapos ganyan ka. Turo niya sa akin at parang nang gigil kaya  nasipa niya ang kumakalat na bag sa sahig. Sino ba kasi ang unang nang-iwan ha?! Di ba ikaw?! Tanga ka nga! 

Oo na!? Sabi ko at napayakap sa tuhod ko. Ako naman ang gumawa ng lahat ng ito. Kasalanan ko.

Talaga. Sabi naman ni Bea. Hindi kita kakampihan kasi maraming luha din ang sinayang ni Jema dahil sa iyo. Kabayaran yan sa mga ginawa mo sa kanya.

Napayuko na lang ako at napa-iyak. Tama naman lahat ng sinasabi ni Bea.

Sinakripisyo ni Jema yung setter position niya sa team para sa iyo. Kahit na siya tung setter namin buong elementary, hndi siya nag atubiling ibigay yun sa iyo para lang makasama ka. Sumbat pa nito sa akin. Kahit hirap na hirap siya, nagpupuyat siya sa pag-aaral para naman magiging kaklase ka niya sa first section, kasi gusto niyang lagi kang nakikita. Sa tuwing masama ang pakiramdam mo o pagod ka sa training, inaalalayan ka pa rin niya, hatid at sundo sa bahay mo kahit siya mismo ay pagod na pagod na rin. Kahit malungkot siya, pilit siyang ngumingiti sa harap mo para hindi ka mag-alala sa kanya. Sabi nito na lalong nagpapaiyak sa akin. 8 years ka niya hinintay Ji. 8 years siya nagpapakatanga sa iyo, kaya ibigay mo na 'to sa kanya. Ngayon na may nag mamahal na sa kanya, at kaya siyang panindigan, sana maging masaya na tayo para sa kanya. Kasi naman, deserve niya naman yun.

Alam ko. Kaya nga palihim ko na lang siya mamahalin eh. Sabi ko. Kasi, ang hirap niya na kasing burahin dito. Turo ko sa dibdib ko.

Hindi lang naman ikaw ang may lihim eh. Sabi pa nito. Patago rin naman ako nasasaktan. Kasi bata pa lang kami ni Jema, mahal ko na siya.

Sabi nito at nagulat na ako. tumutulo din ang mga luha sa mata niya. Napatigil na ako sa kakaiyak.

Kasi sa tuwing nasasaktan mo siya, sinasabi ko sa sarili ko na sana ako na lang ikaw. Kasi kung ako ang minahal niya, siguro pinakilala ko na siya sa buong mundo. Ipagmamalaki ko siya. Sabi niya sa akin.

Kitang kita na ang lungkot sa mga mata niya. Hindi naman ito napansin. Hindi man lang nasagi sa isip namin.

.......

Lihim (Double J Tandem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon