Talo

1.2K 31 4
                                    

Final four match na. Unang laro sina Jema kalaban ang Lasal tapos sa pangalawang laban ang Ateneo naman laban ang FEU.

May twice to beat advantage yung mga kalaban nila kaya kailangan na nilang manalo sa ngayon para maka chance pa sila sa finals.

Paano kung pareho silang manalo dito at maglaban sa Finals, kanino ka mag che-cheer? Tanong ni Miguel habang naka-upo kami sa bench kasama si Ate Alyssa at ang Boyfriend niyang si Kuya Kiefer. Kay Jema o sa dati mong team. Sabi pa nito habang nakataas ang kilay.

Bahala na. Sagot ko naman. Cheer ko na lang lahat.

Sayang hindi mo nagamit yung last playing year mo, Sabi ulit ni Miguel, iDi sana ngayon magkalaban kayo.

Buti nga lang hindi na ako nakapaglaro kasi ma didistract ako kay Jema. Pang-inis ko kay Miguel kaya napatahimik siya.

Last playing year na ni Jema kaya todo bigay na nga talaga siya. Kahit pa ika-ika na siya, sige lang, yuloy pa rin ang laban niya.

Umabot hanggang 5th set ang laban. palitan sila ng panalo ng Lasal. Set 1 at 3 ang pinanalo ng team ni Jema at Set 2 at 4 naman yung napanalo ng lasal.

Kitang kita na ang pagod sa mga mata ni Jema. Parang gusto ko na siyang tulungan sa court. Siya na kasi lagi ang kumukuha ng first ball, siya pa laging uma-atake. Sa harap at likod siya gamit na gamit. Sa blocking nakakatulong pa siya. Kulang na lang talaga siya na rin mag set ng sarili niya. Naaawa ako sa kanya, pero wala akong magawa.

Lamang na ang kalaban ng tatlong puntos, at set point na sila. Nasa likod pa si Jema. Mukhang pagod na talaga siya. 12-14 na ang score. Inangat na ni Jema yung first ball, senet na ni Fhen pabalik kay Jema, tinalon niya ito mula sa likod, at yun naka score pa siya. 13-14 na ang score at napunta pa siya sa harap. Na block pa ni Jema si Cheng kaya pumantay na sila sa 14, kaso hindi masyado maganda ang bagsak ni Jema. Nakikita ko na siyang pinapalpag ang kanan niyang paa. Nagka crumps pa yata. Bulong ko kay Miguel. Seryoso kaming nanonood sa laro ni Jema.

Sana huwag magaya ito nung last playing year niya nung highschool. Sabi ko naman. Maiinjured na naman siya sa pinag gagawa niya.

Na error pa ng kasama niya ang Service kaya set point ulit ang Lasal. Umatake na ang Lasal, nagtagal pa sana ang rally nila kaso, hindi na nahabol ng libero yung serve nung kalaban, kaya natalo sila.

Migz? Tawag ko kay Migs. Puntahan ko lang si Jema sa Dug-out. Paalam ko kay Miguel ng matapos na ang game. Nakita ko na si Jema na umiiyak habang kinakanta ang school Hymn nila. Tumakbo na ako para maabutan ko siya sa dug-out.

Ji? Tawag ni Jema sa akin ng makita niya ako. Natalo na naman ako. Sabi nito at agad akong niyakap ng mahigpit.

You did your best. Sabi ko sa kanya. Iyak lang ito ng iyak habang yakap yakap ako.

Nakaramdam naman ako na may tumapi sa akin. 'te ako naman. Rinig kong sabi ng tao sa likod ko. Napalingon ako at nakita ko si Deana.

Kumawala na si Jema sa pagyakap sa akin para yakapin si Deana. Napaatras na lang ako. at napangiti. Hindi naman si Jema talo dito eh, kundi ako.

.....

Nagsimula na rin ang laro ng ATeneo at FEU. Si Jema at ang team niya ay umalis na rin para bigyan si Jema ng pa farewell dinner party kay tutok na tutok kami ni Miguel sa laro.

Parang may mali sa laro ng Ateneo. Kulang talaga kami ng depensa sa likod simulang iniwan kami ni Denise hanggang sa ngayon. Napabuntong hininga na lang ako,

Ginawa nilang lahat pero natapos ang laro sa 4 sets at natalo na ang Ateneo.

Nilapitan ko na si Deana, at napayakap ito sa akin at napaiyak. Ate, sorry. Sabi nito.

Babawi tayo next season. Dont worry so much. Sabi ko naman sa kanya at niyakap siya.

Parehong nabigo ang Adamson at ATeneo na makarating ng Final Four. Kaya malungkot akong umuwi ng Condo. Hinatid na ako ni Miguel pagkatapos namin mag dinner para makapag-pahinga na ako,

Pagdating ko ng Condo, nagulat ako sa taong naka-upo malapit sa pintuan ko. Jema? Anong ginagawa mo dito?

Dito muna ako Ji? Sabi naman ni Jema. Hanggang makahanap rin ako ng APartment ko. Sabi nito sabay abot sa akin ang maleta niya.

Confident ka talaga na tatanggapin kita dito? Sabi ko naman sa kanya.

Huo naman. Sabi niya sabay wink sa akin.

Naku pagselosan naman ako ni Deana pag nalaman niya ito. Sabi ko naman.

Nakangisi lang sa harap ko si Jema. Parang pakiramdam ko may kalokohan itong pinaplano.  Nakita ko siyang may ningitian sa likod ko kaya napalingon na rin ako.

Hi ate. Kaway sa akin ni Deana habang naglalakad palapit na may dala ding maleta.

What's the meaning of this? Taka kong tanong kay Deana

'te? Tapos naman na ang UAAP at halos lahat ng kasama ko ay umuwi sa kanila. Sabi nito habang nakangiti kay Jema. Wala naman akong kilalang kamag-anak dito kaya dito na muna ako sa inyo. Agad din siya hinila ni Jema palapit sa kanya at niyakap ito

Pagkatapos nilang magyakapan sa harap ko, hinarap na nila ako. Sige na Ji. Sabi ni Jema sabay pa cute sa akin. Ilang gabi lang hanggang makahanap ako ng matitirahan.

Plano niyo talaga 'to noh? Sabi ko naman sa kanila at nag ngitian lang sila sabay naghawakan ng kamay. Napakunot noo na lang ako. Ano yan?

Kami na. Sabay nilang sabi at nagyakapan ulit. 

Na gulat naman ako sa nakikita ko. 

Ji. Dito muna kami. Sabi ulit ni Jema sa akin. Promise hindi kami magkakalat at hindi kami gagawa ng kabalastugan. Sabi nito sabay taas ng isa niyang kamay.

May magagawa pa ba ako, e nandito na kayo. Sabi ko na lang at napabuntong hininga.

Iwan ko ba. Parang nainis ako pero parang masaya naman ako para kay Jema. Kitang kita ko naman ang mga kinang sa mga mata niya. ANg saya saya niya. Sino ba naman ako para pigilan siya.

.......


Lihim (Double J Tandem)Место, где живут истории. Откройте их для себя