Gayuma

1.3K 35 7
                                    

Agad din akong umuwi sa amin. Matagal-tagal na rin kasing hindi ako nagpakita sa pamilya ko. Busy naman kasi sa kanilang mgabuhay kaya laging hindi kami nagkaka-abutan pag umuwi ako  ng Laguna.

Gaya ng inaasahan, nag out of town ang mga magulang ko dahil sa mga Medical Mission na kinaabalahan nila, at sinami na rin nila ang kapatid kong si Jun. Kaya binuhos ko na ang oras ko sa panonood ng Net Flix at nagpahinga. Matagal-tagal din ako makapagpahinga ulit dahil sa darating na Sea Games. This time for sure hindi na kami magkasama ni Jema. Habang nagtetraining kami para sa National Team, mapapaiwan naman si Jema sa Team namin. Kailangan kasi isa sa kanila ni Ate Alyssa ang magpapaiwan kaya si Jema na ang nagpapa-ubaya.

Mahimbing na ang tulog ko ng maramdaman kong may humuhimas ng buhok ko kaya dahan dahang binuksan ko ang mga mata ko.

Nagulat ako sa naaninag ko sa tabi lang ng kama ko kaya napalayo ako sa kanya.

Ji?May problema ba? Tanong nito sa akin ng makalayo na ako sa kanya at napaupo sa gilid ng kama ko.

Anong ginagawa mo dito ha? Taka kong tanong. Di ba dapat nandun ka sa inyo.

Gusto lang kitang makita bago kayo lumipad sa training. Sabi naman nito na tila nagmamaka-awa pang lapitan ko siya.

Oh Ayan nakita mo na ako. Sarcastic kong tugon sa kanya. Mabuti pa umuwi ka na Jem, balikan mo dun yung mga bisita mo.

Umuwi na sila pabalik ng Manila. Dahilan naman ni Jema sabay abot ng kamay ko. Dito na muna ako sa iyo. At agad na akong hinila para yakapin.

Naitulak ko na siya bago niya pa mahigpitan ang yakap niya. Jem. Gusto ko ng magpahinga, Bigay mo na tu sa akin. Nakiki-usap ako. Seryoso kong tugon at napahiga ulit sa kama.

Bakit ka naman ba ganyan ha? Inis niyang tanong

I just want to rest. Mahinahon kong sabi sa kanya.

Di magpahinga ka, Sabi naman nito. Sasamahan lang kita dito. Napahiga na rin ito sa tabi ko.

Hindi ko na siya kinibo at tinalikuran ko na siya. Wala akong sapat na lakas para itaboy pa siya kaya natulog na lang ako ulit.

Nagising ulit ako ng maka-amoy na ako na nagluluto sa kusina. Nagutom ako bigla. Baka nandun na sina mommy sa baba. 

Dahan dahang bumaba ako papuntang kusina. Ginutom na kasi ako eh. Pagdating ko dun bumungad sa akin ang nakangiting si Jema.

Tumawag pala si Tita, na stranded daw sila dun sa Cebu kasi may bagyo. Sabi pa nito.

Tinitigan ko lang siya. Suot niya ang Jersey ko nun sa Ateneo, at suot niya rin yung pajama ko.

Bakit nasa iyo yang mga damit ko ha? Taka kong tanong.

Hiniram ko lang. Samahan muna kita dito kasi mag-isa ka lang. Sabi pa nito habang hawak hawak ang sandok namin. At nag luto na rin ako ng hapunan  natin.

Di ba i told you i want to rest. Inis kong sabi,

Oh bakit? Hindi ka pa ba nagpapahinga. Sabi nito sa akin. Pinagsisilbihan na nga kita eh ikaw pa ang galit. Taas kilay niyang tugon 

Napabuntong hininga na lang ako. Wala talaga akong panalo sa babaeng ito.

Ang arte mo Julia! Sabi nito sabay hila sa akin patungong Dining Table. Pina-upo niya na ako. Upo ka na po. Dinner will be serve for awhile. Sabi nito sabay wink sa akin/

Diyosko naman Jema. Tigilan mo na nga yang pagpapacute mo sa akin! Saway ko sa kanya.

Kinikilig ka pa rin. Sabi nito Essssss.... Aminin!

Gusto mo ba ng Sipa ha!? Inis kong tugon kaya tumgil na rin siya at kinuha na ang niluto niyang pag-kain.

Hahalikan kaya kita para di ka na magsungit ha. Bulong niya sa tenga ko habang sineserve sa akin ang pagkain ko. Nasa likod ko lang siya. Ang lapit lapit na niya. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko kaya napalunok na ako ng laway. Kain na. Rinig ko na ang tunog ng sikmura mo. Bigla niyang sinabi kaya nahimasmasan na ako.

Umupo siya sa mismong harap ko. Ano ba tung niluto mo ha? Naitanong ko sa kanya para mawala ang kunting tensyon sa pagitan namin.

Well. Yan ang specialty ko, Inihaw na spareribs. Tuwang tuwang sabi nito sa akin. Para lang yan sa Favorite heaertbreak ko.

Anong nilagay mo dito ha? Biro ko sa kanya. May gayuma ba ito?

Hai naku Julia Melissa, lahat na ng Gayuma naibigay ko na sa iyo, at hindi yun lahat tumalab sa iyo. Sabi pa nito na natatawa.

So talaganng ginayuma mo ako ha? Pang-usisa ko pa.

Hindii naman effective. Nakangusong sabi niya. Kasi hindi ka naging akin.

Paano kung sabihin ko sa iyo na ngayon lang umepekto yung gayuma mo. Sabi ko sa kanya. This time inabot ko ang kamay niya para hawakan.

Nagtitigan pa kaming dalawa ng ilang segundo bago niya naalis kamay niya sa pagkahawak ko.

Gutom lang yan Ji. Sabi nito na tilang namumula pa yata sa ginawa ko. Yan, 

Salamat. Sabi ko na lang para tapusin ang panunukso ko sa kanya. Agad na rin akong kumain ng hinahain niyang pagkain.

Ji? Mamimiss kita. Sabi nito ng matapos na kaming kumain,

Ano ba? Isang buwan lang naman kami mawawala. Sabi ko naman.

Mamimiss ko 'tong parang tayo lang. Seryosong sabi nito. Mamimiss ko 'tong ikaw lang ang pinapangarap ko. 

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Matagal ko na rin kasing sinayang ang pagkakataon. I missed my chances and now you are in good hands na. Hindi ka na masasaktan ng isang katulad ko.

Mahal pa rin kita. Sabi nito. 

Pero bilang kaibigan na lang. Tinapos ko na ang sasabihin niya.

Sayang natagalan kasing umepekto ng Gayuma ko sa iyo. Sabi niya pa.

Matagal na yung tumalab, hindi mo lang nahalata., Ngiti ko sa kanya.

Nilapitan na ako ni Jema at tinayo mula sa pagka-upo. Anong drama tu Jema? Taka kong tanong at agad niya akong niyakap ng napakahigpit.

Gusto kitang yakapin ng matagal kaya diyan ka lang. Utos niya sa akin at hinayaan ko na rin ang sarili kong yakapin siya.

.......

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now