Layo

1.2K 29 1
                                    

Gaya ng inaasahan. Nagbago na ang pakitungo ni Jema sa akin. Hindi na siya masyadong namamansin. Naintindihan ko naman siya kaya hindi na rin ako masyadong lumalapit.

Uy? Anong problema niyo ni Captain Jema ha. Tanong ni Bea sa akin.

Wala naman. Sobrang focus niya ngayon sa pagiging kapitana. Paliwanag ko sa kanya.

Maloloko niyo lahat dito maliban sa akin Jia. Seryosong tugon ni Bea sa akin. Amoy na amoy ko kayo noh.

Anong pag amoy ba yan? Biro ko sa kanya.

Hindi mo ako madadala sa ganyan noh. Sabi niya. Binusted mo ba?

Huh? Taka kong tanong. Ano ba ang pinag sasabi mo ha?

Nung linggo hindi ka ba pinuntahan? Pag-uusisa ni Bea sa akin.

Ano ba ang nangyari nung linggo? Inocente kong tanong.

Bumili kaya yun ng bulaklak at chocolate para sa iyo. Ako pa nga ang pumili ng bulaklak. Sabi pa ni Bea.

Bigla ko naalala ang supot na naiwan niya nung nakita niya kami ni Miguel na magkayakap nung hapon na iyon. Hindi ko na kinuha kasi masyado akong nasaktan sa nangyari. Baka kinuha na ng basurero iyon.

Hindi siya nakapunta? Sabi ni Bea ng makita niya ang reaksyon ko. Hai naduwag na naman siya.

Girls!!!! Tawag ni Jema sa amin. Siya na talaga ang Kapitan namin. Ngayon ko lang nakita ang napaka seryoso niyang mukha, at hindi nas siya naka ngiti. This is for our Grand Slam. Galingan na natin sa practices, for sure pnaghandaan na tayo ng mga kalaban. Siya nga pala ipapakilala ko sa inyo ang bago nating setter. kapatid ko si Mafe. Sabi ni Jema sabay hablot sa kapatid na nasa tabi niya lang.

Wait lang. i-may Jia pa naman tayo auh. Sabi naman ni Denise.

Syempre naman. Hindi naman natin siya papalitan, may makakasama lang siya. Sabi ni Jema. Ni hindi niya man lang ako tinignan. Jema, ituro mo kay Mafe ang kailangan niyang matutunan. Sabi niya na hindi man lang ako hinarap. Kasi siya ang papalit sa iyo pag grumaduate na tayo dito next year. Sabi niya pa. Girls bukas na lang tayo mag tetraining. Wala kasi si Dad ngayon. Agad din siya umalis na hindi man lang nagpaalam. Sumunod lang sa likod niya si Mafe.

Malabo naman. Sabi ni Denise. Binago yata ng pagiging kapitana si Jema.

Pressured lang siguro. Intindihin na lang natin. Sabi ko.

Ano pa nga ba. Sabay na sabi ng mga ka team mate ko at inayos na ang mga gamit nila para maka-uwi na.

wala kang kasabay pauwi. samahan na lang kita? Tanong ni Bea.

Okay lang ako Bei. Sige na. Mauna na kayo. Sabi ko sa kanya.

Sige. Bye. At iniwan na nila akong lahat mag-isa sa Gym.

Hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa amin ni Jema. Akala ko hindi na kami maghihiwalay.

Napayuko na lang ako at napasandal sa tuhod ko. Naka-upo lang ako sa gitna ng Gym at pilit na itinago ang mga luhang pumatak sa mga pisngi ko.

Bakit ka umiiyak. Biglang may nagsalita sa harap ko kaya napa-angat ako ng tingin at nakatayo sa harap ko si Jema. Huwag ka ng umiyak, nandito na ako.

Akala ko ba lalayuan mo na ako. Sabi ko sa kanya habang lumuluha,

Sinubukan ko. Tipid niyang sabi. Pero hindi ko kaya.

Napatayo ako at napayakap sa kanya. Sorry Jem.

Sorry din Jia. Sabi niya at hinigpitan ang pagyakap sa akin habang nag-iiyakan.

......

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now