Kasundo

1.1K 33 3
                                    

Ang ingay ni Bea ang dahilan kung bakit nagising din si Deana. Blessing in disguise din minsan ang pagiging makulit nito.

Ang ingay niyo naman. Reklamo ni Deana ng magising siya kaya nagtawanan ang mga taong nandun.

May masakit ba sa iyo? Tarantang tanong ni Jema sa nagising na kasintahan.

Ningitian lang siya ni Deana at niyakap ng mahigpit. Buti naman at ligtas ka. Sabi naman ni Deana kay Jema habang mahigpit pa itong nakayakap sa kanya.

Tinignan naman ako ni Bea, Selos ka noh? Bulong nito sa akin.

Huwag ka ngang makulit. Sabi ko sa kanya at tinulak palayo sa akin.

Ano na nangyari sa mga lalaking iyon? Paano ka nailigtas? takang tanong ni Deana.

Kinuwento naman lahat ni Jema ang nangyari.

Nakukulong na sila ngayon. Proud sabi ni Jema. Si Miguel ang gumawa ng paraan para hindi na sila makalabas ng kulungan.

Napatingin sa akin si Deana. Salamat 'te. Naluluhang sabi nito. Pinilit niyang tumayo sa kanyang higaan at niyakap ako.

Uy. gising na pala si Wongski. Sabi ni Miguel pag pasok niya sa pintuan. Nagdala na ako ng pagkain para sa lahat.

Ano yan? Tanong ko.

Syempre para sa mahal ko, ang paborito mong champorado. Ngiting sabi ni Miguel at inayos na ang Misa.

Nag umpukan din ang mga bisita sa dalang pagkain ni Miguel. Si Bea, si Ponggay, Si Kyla at ang kapatid ni Jema  na si Mafe.

Kumain ka na mahal. Sabi naman ni Miguel sabay subo sa akin ng champorado. Masarap ba?

Oo naman. Ngiti kong sabi,

Aye.... Ang sweet naman. Tukso ni Kyla sa amin kaya nagkatinginan lang kami ni Miguel.

Napatingin ako sa gawi ni Jema. Sinusubuan niya rin si Deana, Alagang -alaga niya si Deana. at kitang kita naman na talagang in love sila sa isa't-isa.

Biglang hinawakan ni Miguel ang kamay ko. Julia Melissa Morado? Tawag pansin niya sa akin kaya napatitig ako sa kanya. Huwag mo ng ulitin yun ha. Seryoso niyang sabi. Nag-alala ako sa iyo. Sobra. Sabi nito sabay halik sa kamay ko. Napangiti na lang ako sa kanya at napayakap.

Napansin kong nakatalikod lang si Jema sa amin habang nag hiyawan ang iba at tinutukso kami ni Miguel

Hinayaan ko na muna yun at tinuon ang sarili ko sa pagkain ng paborito kong Champorado.

...

Umuwi na rin ang lahat maliban kay Jema. SIya lagi ang taga bantay namin ni Deana madami rin kasing ginagawa yung iba. Bukas pa naman darating ang mga magulang ni Deana galing Cebu at sina mama naman ay sa isang linggo pa makaka balik. May tiwala naman sila na magiging okay lang ako. Pinalaki naman nila akong independent.

Nakatulog na si Deana dahil pina-inum siya ng pampatulog dahil kumikirot pa yung mga sugat niya sa katawan. Nanood laman ang ng TV habang si Jema naman ay busy sa cell phone niya. Walang may nagsalita hanggang binisita na rin ako ng antok at pinikit ko na ang mata ko.

Hindi pa ako tuluyang tulog ng may narinig akong bumulong sa akin. Jia? Masaya ako at naging masaya ka na rin sa wakas. Sorry kung sinukuan na kita. Hindi nga talaga tayo para sa isa't-isa. Ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo sa akin, kaya salamat sa lahat. Kailanman hinding hindi ko iyon makakalimutan. Sabi nito at nakaramdam ako ng tulo ng luha na pumatak sa pisngi ko. Naiyak pa yata si Jema pero hindi ko na binuksan ang mata ko.

Nagkasundo naman kami, na kahit hindi kami nakalaan para sa isa't-isa, eh habang buhay naman kami maging magkaibigan.

....

Lihim (Double J Tandem)Where stories live. Discover now