Angelic Howl

445 22 1
                                    


Nakagawian ko na maglakad papasok ng eskwelahan tuwing umaga.

Bukod sa nagsisilbing warm up na rin ito at excersice sa aking katawan ay nakakatipid pa ako ng pera.

Alas sais ng umaga, kasalukuyan ako naglalakad papasok sa aking paaralan.

Masyado akong maaga ngayon kumpara sa normal kong oras ng paglalakad dahil sa sumemplang nanamang alarm clock na nag alarm kaninang alas quatro pa lamang.

W..well umalarm siya ng 5:00AM na naayon sa kamay at numerong kanyang tinuturo ngunit hindi ko napansin na advance pala ng isang oras yung sira ulong orasan.

"Haaa...sa tingin ko kailangan ko na palitan yung alarm clock ko.."
Naiwika ko habang naglalakad.

Dama pa sa paligid ang malamig na hangin at hindi pa tumitirik ang araw sa kanlurang dako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa kalsadang halos wala pang mga tao.

"Huh?"
Sa di kalayuan ay may natanaw akong pamilyar na mukha.

Masyadong pamilyar kung iisipin dahil araw araw niya akong pinipeste.

Yung epal..ano ginagawa niya dito?

Na curious ako sa kanyang kinilos kaya sinundan ko siya.

Sa isang eskinita malapit sa aking dinadaanan ay nakita ko siyang pumasok.

"Eh?"

Dahan dahan ako sumilip sa kanyang pinasukan at nakita ko siyang nakatayo sa isang lugar tinitigan ko siya at nalaman ang kanyang ginagawa.

Sa kanyang ibaba ay may tila ba isang aso...ligaw na aso na nagpapadede ng mga tuta.

Sa kamay ni lee ay may bitbit siyang plastic na sa tingin ko ayon sa logo at packing ay isang dogfood.

Aba aba...may soft spot pala siya sa mga ganitong bagay..

Tinitigan ko ang aso at nakita ang kalagayan nito.

Payat na payat ito na halatang walang makain. Isang asong gala na walag nag mamay ari.

Ngunit kahit ganun na nga ay pilit pa rin neto pinapadede ang kanyang mga anak kahit ang mismong katawan niya ay butot balat na.

Limang tuta.

Yumuko si lee at binuksan niya ang dala dala niyang bagay at hindi nga ako nagkamali isa nga iyong dogfood.

Hmmmp....may kulang..

Naglakad ako papalapit sa kanyang kinalalagyan.

Bigla siya napalingon sa akin at ng makita ay nagpatunog agad siya ng dila.

"Tsck!, problema mo tao?"
Umagang umaga ay nagka inisan nanaman kami.

Oo tao ako..ikaw aswang problema mo?.

"Aso mo?"
Sinubukan ko maging resonable sa kanyang ginawa ngunit mukang ayaw niya ata magPatalo.

"Hindi...Ano ba paki mo?"
wika niya sabay taas ng kaliwang kilay.

Haaa..baka masira pa talaga araw ko..

Dinukot ko ang aking tubigan at inilapag ito sa tabi ni lee.

"Oh tubig para sa aso, wag mo sabihing hindi mo siya paiinumin"
Wika ko at parang isang cool na movie actor ay naglakad ako palabas sa eskinita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hangang makarating sa school.

Tulad ng araw araw na nangyayari ay naging normal naman ang araw ko sa paaralan.

Nakikinig ng lecture sa guro.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now