kalaban sa dilim V

479 25 3
                                    

Sa loob ng isang hardin na napapalibutan ng isang hindi maintindihang harang na pabilog na hugis simborya ay naroroon ang isang babae, naka upo sa malaking tipak ng bato sa gitna ng hardin ay nakatingala siya sa alapaap at nakatingin sa buwan haba...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sa loob ng isang hardin na napapalibutan ng isang hindi maintindihang harang na pabilog na hugis simborya ay naroroon ang isang babae, naka upo sa malaking tipak ng bato sa gitna ng hardin ay nakatingala siya sa alapaap at nakatingin sa buwan habang siya'y umaawit.

Kasalukuyang nasa kaanyohan ni elyhenia ang babae ngunit hindi maipagkakaila na halatang siyang impostor dahil sa kanyang namumukod tanging katangian na wala kay elyhenia.

Ang kanyang boses at talento sa pag awit.

Ang kanyang boses ay kasing linis ng lawang tahimik at ang kanyang tono ay parang agos ng ilog patungo sa malawak na katagatan, kumakalat sa loob ng lugar ay nagbibigay ang misteryosong kapaligirang hardin ng halaman at bulaklak ng isang nakakabighaning pakiramdam.

Isang gabi kung saan ay maliwanag ang sinag ng buwan, sa ilalim nito ay ang isang malawak na hardin kung saan ay nagsasayawan ang mga halaman at bulaklak na nakatanim na sumasabay sa bawat tinig ng babaeng kasalukuyang kumakanta na may nakaka akit na boses.

Lumanghap ng sariwang hangin ang babaeng kumanta at muling humuni bago muling ipinagpatuloy ang kanyang pag awit.

"I swear no matter how far we are, just follow your heart~"

"~ ~ ~ "

"I know that our promise will come true I'll be reunited with you~"

Nakapikit na masayang umaawit ay bigla siyang napahinto sa kanyang ginagawa, may naramdamang kakaiba sa kanyang kapaligiran ay agad siya tumalon at gumulong palayo sa inuupuan niyang bato.

Mula sa kanyang inuupuan habang kumakanta ay bigla na lang may tumubong mga ugat ng puno sa paligid ng malaking tipak ng bato at pumulupot dito na animo'y lambat na sanay huhulinsa babaeng umaawit.

Agad tumayo ang babae at mula sa kanyang kaliwang daliri ay may inalis siyang singsing, sabay hagis ito sa lupa.

Ang kanyang itsura ay nagbago at lumabas ang totoo niyang anyo, isang babaeng may mala anghel na mukha at maliit na katawan, maikling buhok at mala nuebe na kutis.

Matapos ng kanyang ginawa ay may biglang bumulusok na hangin sa kanyang kapaligiran kasabay ng tila ba marahas na pagwawala ng enerhiya sa kanyang katawan.

"Napakaganda ng boses na parang isang anghel na kumakanta...ngunit sa likod ng iyong maliit na katawan at nakaka akit na mukha ay isang kang dambuhalang panganib sa angkan na kayang magwasak ng isang kaharian ng mag isa lamang...."
Mula sa itaas ay may isang lalaking lumilipad ang bigla na lamang bumaba galing sa himpapawid, tila ba tumagos sa hindi nakikitang harang ay nagtuloy tuloy siya pababa hangang makatapaknsa hardin.

"....."

"...."

"Inalis mo ang dome.....nahihibang kana ba? Kakalabanin mo ako ng wala kang kalamangan?"
Wika ng babae habang nakatitig ng masama sa lalaking kararating lamang galing sa alapaap.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now